"Welcome to BAKAL NA REHAS ORGANISATION, Master Sean Emerson. It's been a while since you're with us." Masayang pagsalubong ng mga tao sa grupong humubog sa kaniya. Ang nagturo sa mga nalalaman niya. Dahil nasa organisasyon na siya noong teenager siya hanggang sa nagtapos siya ng kolehiyo. Iyon nga lang ay wala pa siyang kaalam-alam na ang napasok niya ay isa siyang may-ari. "Maraming salamat sa inyong lahat. Hindi ko na kayo isa-isahin dahil baka abutin tayo ng siyam-siyam kapag gagawin ko iyan. Ay may ipapakiusap din ako sa inyo. Huwag n'yo akong ituring na iba o huwag akong bigyan ng special treatment. Dahil ako pa rin ang dating Sean Emerson na nakasama ninyo noon sa bawat training. Mas masaya ako kapag huwag kayong mailang sa akin at huwag tawaging master," masaya ring tugon ni Sean

