25: First Evening Mass Nandito ako ngayon sa instrument shop. Nakatitig ako sa harp na nasa harap ko habang tinitignan ang presyo nito. Umaatiging na 30,423 pesos. Masyadong mahal. Katumbas na 'yon ng income ko sa pagsu-supply ng cupcakes in 1 week. Aish, samantalang dati, kaya kong bilhin ang isang kotse nang hindi nahihirapan o wala man lang iniisip. Well, hindi ko naman kasi perang pinaghirapan yun. Now that I earn money by myself, I'm starting to realize the value of money. Umalis na ako sa shop na yun at naglakad-lakad pa sa loob ng mall. Maybe next time ko nalang bibilhin ang harp na yun. Wala rin naman pating saysay kung tutugtog ako tapos walang makikinig. Napahinto ako sa paglalakad nang may makita akong lalaking naglalakad sa di-kalayuan. May kasama siyang maganda at mukhang

