24: Smiles Bago kami dumiretso sa condo ay dumaan muna kami sa convenience store para bumili ng alak. Pagkarating namin doon sa unit niya, nagluto muna siya ng ulam at kumain muna kami. "Dapat ba akong maghugas ng plato?" biglang sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. He chuckled. "Gusto mo ba?" "Gusto mo ba?" pagbabalik ko ng tanong. Napangisi ako. "Mabawasan na naman ng plato?" Tumawa siya. "Ako na." Natigilan naman ako sa pagtawa niya. Walang halong pang-aasar yung tawa niya at ramdam kong natatawa talaga siya. Minsan lang siya tumawa nang gano'n kaya nakakapanibago. Nang mapansin niyang nakatitig ako ay huminto siya sa pagtawa at sumeryoso ulit. Tumikhim siya at uminom ng tubig. Uminom din ako ng tubig para maitago ang ngiti ko. Tumingin ako sa kaniya na bumalik sa pagkain ka

