23: Offer Ilang araw akong namahinga mula sa photoshoot sa B&D clothing line. Wala rin silang new set of designs kaya naman wala ring dapat i-schedule. And since nagpapagaling pa ang sugat ko sa binti, hinintay ko munang tuluyang mawala ang p*******t no'n bago bumalik sa school. We put our time in reviewing notes since pre-final exam is coming. Parang kailan lang ang midterm exam, at ngayon malapit na agad mag-finals. Nararamdaman ko na rin ang lamig dahil magde-December na. Nanlalamya ako 'pag maaalala kong magce-celebrate ako ng Christmas mag-isa. Well, dapat masanay na 'ko. Hindi naman kasi spesyal ang araw na 'yon. "Bye!" Naghiwa-hiwalay na kami nina Pam dahil katatapos lang ng klase. Ako naman ay didiretso na sa parking lot. Naglalakad ako sa school ground nang makasalubong ko yun

