His Reasons

931 Words
Bagsak ang balikat na bingatas ni Morris ang mahabang puting hallway. Sa dulo, nag-aabang ang kapatid niyang si Aldrin. "Natagalan ka ata." Bati ng kapatid sabay abot sa kanya ng malinis na gown, gloves at face mask. "Madami akong kasabay na nag-apply." Sagot niya habang isinusuot ang gown. "Nakuha ka? Anong company ba yun? Anong trabaho mo dun?" Sunud-sunod na tanong ni Aldrin. Hindi sinagot ni Morris ang kapatid. Sa halip ay sumilip ito sa loob ng ICU. "Kamusta siya?" Wala sa loob ng tanong nito. "Ganun pa rin. Bumalik na naman yung doctor. May bagong gamot na pinapabili." Inabot nito ang reseta. "Alis na ko. Papasok pa ko e." "Sige. Ingat ka." Sinenyasan siya ng nurse sa ICU. Tanda na pwede na siyang pumasok. Umupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama. Lumabas naman ang nurse na nagpapasok sa kanya. "Kamusta ka na?" Kinuha niya ang kamay ng pasyente at marahan itong pinisil. "Galing ako sa interview kanina. Ok sana yung offer na sweldo kaso, mukhang malabo akong makuha. Di bale, bukas maghahanap ulit ako." Nangilid ang mga luha niya. Kung hindi dahil sa nangyari kay Charm, hindi niya nanaising pumasok sa ganung trabaho. Ni hindi niya nga alam kung akong klaseng trabaho ang mag-ooffer ng ganun kalaking halaga. Siya na lang ang natitirang pamilya ni Charm simula ng mamatay ang mga magulang nito sa car accident. Napailing siya. Napakalupit din ng mundo dahil car accident din ang dahilan kung bakit nakaratay ang dalaga ngayon. May pait na rumehistro sa mukha niya nang maalala ang araw na naaksidente si Charm. Isang linggo bago ito ma-hit and run ay napansin niyang medyo balisa na ito. Lagi itong may kausap o ka-text at tila ba laging problemado. Nang minsan niya itong tanungin ay nagalit pa ito sa kanya. Inisip na lang niya na maaaring may kinalaman ito sa bagong trabaho ng nobya. Isang buwan pa lang kasi ito doon ay madalas na itong nagrereklamo dahil palagi daw itong pinag-iinitan ng boss. Ayaw naman niyong i-share kung ano ang problema. Ni ang pangalan ng bagong kumpanya nito ay ayaw din sabihin sa kanya. Binuklat niya ang nakatuping reseta na inabot ni Aldrin sa kanya. Nag-alala siya. Halos ubos na ang ipon niya sa mga gamot pa lang. Paano pa kaya niya mababayaran ang bill sa ospital. Kailangan talaga niya makuha ang trabahong iyon. Iyon lang ang sagot sa problema niya. Kahit pa makuba siya sa pagtatrabaho ay sigurado siyang hindi niya kikitain ang ganun kalaking halaga sa loob lang ng isang buwan. Alam niyang wala na siyang pag-asang matanggap doon. Ikinundisyon na niya na maghanap na naman ng part-time job para madagdagan ang kita niya.  Napahilamos siya ng mukha nang maalala kung ano ang nangyari sa interview. Sa wari niya ay siya na ang pinakamabilis matapos sa lahat ng mga na-interview.  --- "So, how good are you in bed?" Tanong sa kanya ni Ingrid.  Hindi siya nakasagot. Hindi ito ang ine-expect niyang tanong sa isang job interview. Nag-init ang puno ng tenga niya. Hindi man siya kumportable ay sinangot na lang niya ang tanong.  "I couldn't really tell. I haven't tried making love with myself. My girlfriend would probably the best person to answer that. But considering that she stayed with me for 4 years, I'm probably doing well."  Tinitigan siya ni Ingrid. Medyo nailang siya ng bumaba ang tingin nito sa bandang belt niya at medyo tumaas ang kilay nito. Hindi agad ito nagsalita na para bang pinoproseso nito ang bawat sinabi niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita itong muli.  "How many times do you do it in a day?" Tanong nito.  Nag-init na naman ang pakiramdam niya. Bakit ba puro ganun ang tema ng tanong ng babae? Naisip niya na sagutin na lang ng buong katapatan ang mga tanong nito. Hindi naman na bago ang mag-live in sa ngayon. Mas gusto sana niyang pakasalan muna si Charm bago sila magsama sa isang bahay pero dahil nag-iisa na lang sa buhay ang nobya niya at nakaranas pa ito ng depression ay napilitan siyang tumira sa isang bahay kasama nito.  Kumalma siya bago sumagot. Mas maagan kasi sa kanya ang isiping may chismosa lang na nang-uusisa sa kanya kesa isiping nasa interview siya para sa trabaho.  "It depends. If we're well rested, we can do 10 rounds. But if she's tired from work, we'll just do a quickie, cuddle or sometimes, we just sleep it off." Those last words lingered in his head. Simula kasi ng magkaroon ng bagong trabaho si Charm ay hindi na sila naging intimate. Nilingon niya si Ingrid. Kagat nito ang dulo ng ballpen na ginagamit. Maya-maya ay may isinulat ito sa papel na hawak.  Ibinaba ni Ingrid ang papel na pinanggagalingan ng mga tanong niya. Tumitig muna siya binata na para bang binabasa ang pagkatao nito bago nagtanong muli.  "What did you apply for this job? What do you need the money for?" Direktang tanong nito.  May pait na gumuhit sa mukha ni Morris. Alam niyang napansin ito ni Ingrid dahil bahagyang kumunot ang nood nito.  "My girlfriend got into an accident. She is currently in the hospital fighting for her life while the driver of the car that hit her is still at large. I am the only family she has. Plus I'm supporting my younger brother as well." Tahimik lang ang interviewer niya. Maya-maya ay tumayo ito. "That's all for today, Mr. Zaragosa. We will just call you." Inextend nito ang kamay para makipag-hand shake. Wala sa loob na inabot niya iyon. Alam niyang we'll just call you means he failed. Di niya namalayan na napahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa kamay ni Ingrid.  "Thank you for your time, Ms Ybardolaza." Sambit niya bago tuluyang lumabas ng office ng dalaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD