Ingrid
Tumayo si Ingrid sa pagkakaupo. Ngalay na ang balakang at panga niya sa halos limang oras na interview. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya ng nakikitang aplikante na pasado sa requirements niya.
Lumipat siya sa mula sa swivel chair papunta sa sofa.
"Hmmm." Nakaramdam siya ng ginhawa nang lumapat ang likod sa malambot na fabric nito.
"Let's take a break." Ipinikit niya ang mga mata.
Naramdaman naman niya ang pagtunog ng swivel chair niya. Tanda na may umupo dito.
"Ano ba kasi ang hinahanap mo? Lahat ng ininterview mo pasado na sa taste ko pero ikaw walang mapili." Halata ang pagkairita sa boses ng nagtatanong.
She opened her eyes. "Alam mo Clement, wala namang masamang tinapay sayo e. Kahit may amag, basta tinapay kinakain mo."
"E kung sila mismo ang naghahain ng sarili nila para kainin, choosy pa ba ako? Ang gwapo lahat nung ininterview mo, wala talaga ni isa na nagpa-wet sa pechay mo?" Tumaas ang kilay nito.
"It's not about the looks." Bumuntong-hininga si Ingrid. "Wala kasing... spark."
"Shutang spark yan! Isaksak kita sa 220 tignan ko kung di ka magka-spark." Pagmamataray ni Clement.
"You wouldn't understand kasi you just f**k, you don't make love."
"Ay wow ha! Do you expect na yung iha-hire mo will make love to you? E di ba susuhulan mo nga lang yun ng pera para anakan ka? Kung bakit naman kasi hindi ka na lang pumili dun sa mga nakapila mong manliligaw? At least yun, libre. O kaya, balikan mo na lang si Jules. Ang tagal na niyang nagmamakaawa sayo friend."
Sinamaan lang siya ng tingin ni Ingrid.
Pinindot ni Clement ang button ng telephone sa table. "Sheila, send the next applicant in 5 minutes."
"Clement! Ano ba? I want to rest!" Angal ni Ingrid.
"Tapusin na natin yung interview at nagugutom na ko. Hinihintay na ko ni Kelvin at ng jumbo hotdog niya." May pilyong ngiti sa labi ni Clement.
"Clement, I'm warning you. Tigilan mo na si Kelvin. Ilang janitor na ang hinarass mo." Umirap siya. "Tumayo ka na nga dyan."
"Ako na muna ang kikilatis sa applicant mo. Ang haba kasi ng pasakalye mo e."
Ilang sandali pa ay pumasok na ang applicant. At so far, ito na ang pinakagwapo sa lahat ng nainterview niya. Nakita niya ang palihim na sulyap sa kanya ni Clement habang iniikot nito patalikod ang swivel chair. Nagulat na lang siya nang biglang madapa ang lalaki pero bumawi ito nang bigla itong magpush-ups bago tuluyang tumayo.
"Good morning, Sir." Nahihiyang bati nito.
Pinagmasdan ni Ingrid ang kabuuan nito. Maganda ang pagka-tan ng balat. Matangos ang ilong, mapungay ang brown na mata at manipis ang mapulang labi.
"Good morning, Mr..." Nag-pause saglit si Clement. "Zaragoza." Pagpapatuloy nito at inabot ang kamay niya para makapag hand shake.
Agad naman itong kinuha ng applikante at nakipagkamay. Nakita ni Ingrid ang pamumula ng tenga ni Clement at ang mabilis na pagbitaw nito sa kamay ng lalaki.
Affected si bakla! Natatawa siya habang pinagmamasdan ang kaibigan.
"So, how long is your... shaft?" Tanong nito sabay tingin sa zipper ng pantalon ni Morris. Salamin ang mesa niya kaya alam niyang kita ni Clement na nakaumbok ang pinagmamalaki ng lalaking nasa harap niya.
"Huh?" Halos masamid si Morris sa sarili niyang laway.
Halos mawala ang kulay sa mukha ng lalaki. Ingrid knew she had to step in. "Clement!" Sigaw niya.
"You better focus or I'll kick you out of this interview." Pagbabanta niya. "Uhm." She cleared her throat nang mapansin niyang nakatitig ang lalaki sa dibdib niya.
Agad namang nag-angat ng tingin ang napahiyang lalaki.
"Good morning, Mr. Zaragoza. Do you mind moving to the couch?" Malambing na tanong niya.
"Not at all." Nagmamadaling tumayo si Morris para lumipat sa couch na kaharap niya.
"Careful." Paalala niya na umani ng impit na tawa mula kay Clement. Natatawa pa rin siya habang inaalala ang nangyari kanina.
"Hi. I'm Ingrid Rojanni Ybardolaza. I am the owner and CEO of Cressida Holdings Incorporated." Nakipagkamay siya kay Morris.
Nag-aalangan nitong inabot ang kamay niya sabay lingon kay Clement. Alam niyang napagkamalan nitong CEO ang kaibigan.
"That guy is Clement Ray Duval. The COO." Kumaway ang kaibigan niya at ngumisi. Nairita siya sa nang-aasar na ngiti nito.
"Clement, please leave. Your work here is done." Pagtataboy ni Ingrid.
"Honey, he is not fit for the job. " Tumayo ito sa swivel chair at lumapit sa kanila.
Nakita niya ang pag-iba ng aura ni Morris.
"I will be the judge to that." Itinuro ni Ingrid ang pinto.
"Soon, you will know that I am right." Pahabol na salita ni Clement bago ito tuluyang lumabas.
Bumaling ulit siya sa lalaki. "Mr. Zaragoza, shall we start with the interview?"
"Yes, Ma'am." Sagot nito.
Saglit na bumaling si Ingrid sa hawak na papel na sa tingin niya ay listahan ng mga interview questions. For the first time sa loob ng 5 hours niyang pag-iinterview, nailang siyang magtanong. Ilang ulit siyang nakipagbuno sa isip bago tuluyang nagsalita.
"So, how good are you in bed?" Walang gatol niyang tanong sa lalaki.