Red's POV:
Aish. Bwis*t! saan ako uupo nito?
Lumapit ako sa counter at nagpa-cute kay manang.
"Oh! Problema mo?"- Manang
Kadiri man pero kailangan ko itong gawin. "Manang~ puede po ba na dito na lang ako kumain. Dyan lang ho oh, sa table niyo. Tutal hindi niyo naman po ginagamit eh."
I'm trying my very best for this okay.
Tinitigan lang ako ni manang.
"Manang?"
Manang --> -_- --> ^_^
"Ano pang inaantay mo? Kain na!"- Manang
"Yes! Thanks, manang!"Mabilis na akong pumasok sa counter at umupo sa table.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko at kumukunti na rin ang bumibili ng ulam kay Manang, at halos hindi naman nababawasan ang tao sa cafeteria.
"Oh! Ano ba yang nasa likod mo?"- Manang
"Hmm? Ano po ba?"
"Don't let het set? Ha? Ano 'to?"- Manang
Teka nga! Inabot ko ang likod ko para malaman kung may kung ano ba. At tama, may papel nga. Hinila ko naman ito at binasa. 'Don't let her sit, or else... *danger sign*'
Aba't kahit kailan talaga itong mga ito. Lumingon ako sa dereksyon nila. Masaya silang nagtatawanan doon.
I close my eyes, inalis ko ang paa ko sa sapatos at pinakiramdaman ang lupa. This is my way to hear them. I can sense things gamit ang lupa, I can feel danger kahit gaano man ito kalayo sa akin, I can sense kung nagsisinungaling ba ang isang tao, kung may tinatago siya o kung ano-anu pang feelings ng isang tao, at kaya ko ring makarinig at makakita kahit gaano man kalayo ang mga bagay-bagay.Lahat ng iyon ay nagagawa ko dahil ang lupa ang pinaka-base ng lahat. Halos lahat ng uri ng nilalang sa mundo ay nakatungtong sa lupa. Kaya kahit na nakapikit pa ako o madilim man ang paligid, hangga't naka-apak ang mga paa ko sa lupa o kung ano mang bagay na malapit rito tulad ng semento ay makakakita parin ako. Oo, para akong paniki sa sobrang talas ng senses. Kaya lang hindi ko ito magagamit araw-araw, dahil sa nakasapatos ako.
"Ibang klase rin talaga siya ha, she finds her way to eat."- Charles
"Guys, look. What is she doing?"-Neil
"Uhm... closing her eyes? Tss so weird."- Jacob
"Alam na niya, look she have the paper."- Sam
I open my eyes at sinuot na uli yung sapatos ko.
"Salamat po Manang!"
"Ah! Oo."
Ngayon, makikita natin kung anong kaya nilang gawin sa akin pag ako na mismo ang humarap sa kanila.
Mga duwag itong mga 'to.
Pasimple akong lumapit sa kanila at itinapat sa mukha ng Sam na yun ang papel na nakadikit sa likod ko kanina.
"So, we're not letting you to sit with us." -Sam
Pa inosente nitong wika. "Na iinis ka na?"
"Buti naman alam mo."
"Well, I like it."
Naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Talaga? Ang malas ko naman kung ganun."
Hindi ko naman namalayan na mula sa likod ko may kung sinong nagbuhos ng tubig sa ulo ko.
"Ooohh! Like that!"- Sam
Napapikit ako sa inis. "Urgh!" sa inis ko dinampot ko ang pinaka unang bagay na nasa harap ko at tinapon sa mukha niya.
"WHHOOAA!!!" Malakas na hiyaw ng lahat.
Ang malas nga lang niya dahil ang bagay na yun ay dinuguan, I smirk. "You deserved that."
"Sh*t!" He cussed.
"That's good for you ass!" naka resting b*tch face kong sabi sa kanya.
"YOU!" Inis na inis niyang sigaw.
"Ang sarap nuh?" Tapos ay umalis na ako sa harap nila. Iniwan ko siyang mabantot.
Buti nga sa kanya. Akala niya ha.
Dumeretso na ako sa girls’ room at pumasok sa isang cubicle at doon patagong kinontrol ang tubig at viola! Tuyo na uli ako!
Last subject na namin for afternoon class. P.E.
Naka shorts at P.E. t-shirt ako, actually kaming lahat.
"Okay everyone! Group yourselves in to three. We will have our activity."
Nice! Groupings ang tema ng activity.
Tss, walang gustong makipag-group sa akin. Edi ang galing!
Nakatayo lang ako rito habang sila naghahanap na ng mga ka-group nila.
"Hi!" bati ng nasa likod.
Hindi ako lumingon, like duh! Baka hindi ako yung hina-Hi! Niya.
"Hey! You! Red!" Okay ako na nga talaga
Lumingon na nga ako pero with a naiinis na face.
"Wala kang kasama?"- tanong ng medyo chinitang babae.
"We can be your group mates." - sabi naman ng kulot na babae.
"S-sure kayo?" paninigurado ko.
Bihira lang kasi may mag-aya sa akin eh.
"Yes. Oh! By the way, I am Chasey Laurren Maddyson." Sabi ni kulot. Hmm, bongga ng name.
"Ang I am Rochelle Granfeil." Isa pa 'to
"Ah! Ako naman si Red, Red Sapphire Fresco. C-classmate ko ba kayo?" paniniguradong tanong ko.
Tumango lang sila at hinila na ako papuntang gym.
Ang weird, kahit naman hindi ako close sa mga classmates ko kahit papaano kilala ko naman sila sa mukha. But I've never seen those people. Transferee ba sila? I suppose they are…
No! impossible, walang pinakilalang transferee si Ma'am then wala rin sila sa classroom kanina. Aish! Ano ba yan! Hayaan mo na nga Red. Ngayon mo lang naman sila makakasama dahil kulang sila ng isa.
Mabilis natapos ang activity. Hmm, siguro nag-enjoy itong mga kaklase ko pero ako hindi. Like duh! Ang boring.
Palabas na ako ng school nang biglang nag ring ang relo ko.
Hindi dahil sa nagset ako ng alarm kundi may trouble na namang nagaganap. Yeah~ this is my Red watch.
Ito yung relong nagsasabi sa akin kung may gulo sa paligid, I invented this for myself para mas mapadali ang pagliligtas. Sa unang tingin mukha lang itong ordinaryong LED watch, pero pagpinindot ko ang isa sa mga botton sa gilid nito ay may lumalabas na mapa. Nag-install ako ng Google map dito for location at VGA para sa features nito para kahit hindi ko pa na pupuntahan ang gulo ay alam ko na agad kung sino ang nang gugulo.
Tiningnan ko kung saan ito, sa downtown malapit sa isang mall. Sumunod naman na ipinakita ng relo ko ang isang hayop.
Hayop? May nakawalang hayop ata. I click the screen para ma-zoom in. And I was so shocked.
Ano 'to? Hindi 'to basta-basta hayop. Ang sagwa ng itsura, tila higanteng aso na sing laki ng oso. Nakakadiri naglalaway pa.
Aish. I need to go.
Tumakbo ako palabas ng school tapos nagtago sa iskinita at doon na nagpalit.
From Red Sapphire Fresco to Miss Red. Galing, trabaho na naman.
Dinatnan ko ang downtown na magulo at maraming taong nagsisigawan sa takot. Nagulat ako sa laki ng halimaw na ito, mas matangkad ito sa akin at tatlong beses na mas mataba. Napangiwi ako nang makita ang tumatalsik niyang laway sa kalsada.
"Eew!" nandidiri kong sambit.
Mabilis naman niyang inilipat ang atensyon sa akin. Narinig niya at ang pagiinarte ko tungkol sa laway niya.
"Rrooaar!" sampung beses na mas malakas ang sigaw nito kaysa sigaw ng isang leon. Sa lakas ng sigaw nito ay nayanig ang lupang aking kinatatayuan.
Anong klaseng nilalang ba ito? Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito. Puro mga salot ng lipunan ang kadalasan kong kalaban at hindi ang ganitong klaseng halimaw. Pero sabagay, may kapangyarihan nga ako eh, dapat pa ba akong magulat sa nilalang na ito?
Mabilis niya akong sinunggaban, buti na lang ay agad akong nakailag mula dito. Nadaplisang pa ng isang to ang mukha ko, aish. dumugo pa ata.
*Flash*
Isang flash ng camera ang nakapantawag ng atensyon nito.
Hinarap niya ang camera man at akmang susunggaban niya ito nang ginamit ko ang mana ko para pang sangga sa camera man. Natulala naman sa gulat ang camera man at wala sa sariling pinagmasdan ang tila salaming pagkabasag ng manang pinang sangga ko.
"Hoy! Tulo laway! Dito!" sigaw ko.
Sabay naglabas ng apoy sa mga kamay ko at pinakawalan ito sa dereksyon niya.
"ROOAARR!" Ang malakas nitong hiyaw bago sumabog at naglaho kasabay ng apoy.
Inusisa ko ng mabuti ang kinaroroonan niya at baka hindi ko pa siya tuluyang napatay.
Napabugtong-hininga ako, at wala sa sariling lumipad palayo habang rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao.
***
Nagpalinga-linga ako sa paligid bago tumalon paakyat ng bubong patungo sa apartment ko.
Ito lagi ang ginagawa ko sa tuwing umaalis ako ng apartment para maging hero. Sa bubong ako dumadaan dahil malapit lang ito sa bintana ng apartment ko.
Pumasok na ako roon. Wala parin ako sa sarili ko, hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon.
Yes! I am a hero, but I never kill. I never kill. I never kill!
Napatitig ako sa kamay ko. Ginawa ko ba talaga yun?
Hinuhuli ko lang ang masasamang loob sa syudad pero kahit kalian man hindi pa ako pumapatay.
Nagpalabas ako ng apoy sa kamay ko. Maigi ko itong pinagmasdan.
Sino ba talaga ako?
*knock knock*
Naglaho bigla ang apoy sa mga kamay ko at aligaga kong hinubad ang costume ko at sinipa ito sa ilalim ng kama ko.
*door opens*
"Hala! Naku, sorry po ate nagbibihis ka pa pala." Sabi ni Angel.
Nadatnan niya akong naka-panty lang at tinatakpan pa ng t-shirt ang dibdib ko.
"H-haha, okay lang. A-anong kailangan mo?" tanong ko habang napatuloy sa pagsuot ng t-shirt ko.
"Kain na daw po."
"Ah. Sige susunod na ako."
I can feel guilt for killing the monster.