Nasa hapag na ako at sabay na kumakain sa pamilyang Gomez. Ang Gomez na ang naging pamilya ko simula nung nagtrabaho ako sa resto nila. Si Auntie Victoria na ang naging mama-mamahan ko at sina Angel at Carl naman ang naging mga bunso kong kapatid. Sa una aakalain mong wala silang pakialam sa akin, pero sa totoo lang naging malapit na rin kami sa isa't isa. "Teka, hija. Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Tanong ni Auntie habang may kutsara pa malapit sa bibig. Napahawak naman ako sa mukha ko at napangiwi naman ako dahil sa sakit. Sh*t oo nga pala, nakalimutan ko. "A-ah, ito po? Ah! Naglaro po kasi kami kanina sa school for P.E. nasugatan po ako." Pagsisinungaling ko. "Hay~ ikaw talagang bata ka! Totoo ba yan? O baka palusot mo na naman dahil nakipag-away ka?" Halos pasigaw nang tanong

