Red's POV: Nakakasilaw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa mga dahon ng puno na deretso sa mukha ko. Kinapa ko ang mukha ko. "Hmm?" tanong ko sa sarili ko nang wala akong nahawakang salamin. Kinapa ko ang lupang hinihigaan ko. Nasaan na ba yun? "Aray." Ang sakit ng ulo ko, feeling ko uminom ako ng isang case ng alak kagabi. Napahilamos ako ng mukha dahil pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. "Naku! Y-yung sugat ko. N-nasaan na?" Kinapa-kapa ko pa ang pisngi ko. Mukha akong baliw dahil sa kinakausap ko ang sarili ko. Wala na akong sugat! Ang galing, paano kaya nangyari yun? Tumayo na ako sa lupang kinahihigaan ko kanina, pinagpagan ko ang sarili ko. "Aish. wala man lang d**o, kaya pala ang sakit ng likod ko... Paano na ya

