Felicity
TAMA SI SAMANTHA hindi nga maganda ang aura ni David parang may itinatago ito. Kahit na noong kami pa ni Ken hindi na matanda ang pakikitungo nito sakin, parating namimilosopo syempre hindi din naman ako papatalo sa isang gaya lang niya. Halatang mga makakapal ang mukha. Naalala ko kasi dati noong may business party na pinuntahan sina papa at sinama ako. Ang ganda ganda ng ngiti niya kay papa na hindi naman pinansin ni papa. Panay pa himas ng palad nito sa siko ni papa na ikinainis ni mama kaya umuwi kami ng maaga. Doon ko lang nalaman na mama pala ni David yun. Bali balita din na marami daw itong kabit na mayayaman. Kaya pustorang pustora ang dating hindi naman pala sa sariling sikap ang perang ginagamit nito kundi galing sa mga lalaki nito. Kaya sinabi niya sa mga kaibigan ang nalalaman. Nanlalaki ang mga mata nila at hindi makapaniwala. Alam ng lahat kong gaano kayaman ang pamilya ni David pero marami ding walang alam kong saan nila ito nakukuha. Nagugulat nalang ang iba may mga kompanya na ito. Ang papa ni David ay hiwalay sa mama niya siguro hindi na siya magtataka kung bakit.
"Really? My gosh! I didn't know that!" Hinigit ni Jessica ang upuan para dumikit sakin kaya siniko ko ito na ikinaaray nito.
"Masakit yun ha!" Hinimas himas nito ang nasaktang braso na napalakas ata sa pagkakasiko niya.
"Chismosa ka kasi! " Aniya dito.
"Saka maingat ang pamilya ni David kaya hindi lumalabas kung gaano sila ka rumi!" Pagpapatuloy ko.
"Sabagay, one time nakita ko sa party ang mama nito at may kasamang matanda ang sabi family friends lang daw at walang kasama kaya napilitang isama yong matanda." Napatingin kami kay Sam sa sinabi nito. Hindi makapaniwala.
"Matanda?" s**t! Hindi ko akalaing pumapatol ito sa matatanda akala niya sa mga kaidaran lang nito mas worse pa pala. Marami pa kaming napag usapan hanggang sa naisipan naming bumalik na sa eskuwelahan.
"Nandiyan na sila Fely!" Rinig niyang sabi ng mga nagkukumpulang mga estudyante.
"Hi Miss Fely, Miss Jessica, Miss Sandra and to you Miss Samantha!" Sabay sabay nilang sigaw ng dumaan kami. Kumaway pa sila Sandra at Jessica sila naman ni Sam hindi na pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad patungong classroom.
"Ang gaganda niyo po!"
"Sana mag model kayo dahil bagay na bagay sa inyo!" Sabi pa nila.
"Ang pa-plastic! Tsk! If I didn't know kapag nakatalikod tayo baka nakatusok na ang mga kutsilyo satin!" Komento niya. Dahil totoo naman.
"Grabi ka Felicity, simula ng pumasok tayo dito hindi na sila tumitigil sa pag a-adore sa atin. They are our avid fan, you should be grateful coz were beautiful and sexy and rich." Sabi ni Jessica na nakataas pa ang kilay sakin. Hindi ko nalang pinansin. Well, my point din naman ang bruha. Tuloy tuloy kaming pumasok at buti nalang wala pa ang guro kaya umupo na kami at umub ob sa upuan. Si Sam nagbabasa si Sandra at Jessica nag chi-chismisan. Nakakaantok kaya natulog ako sandali. Nagising lang ako ng tawagin ako ni Sam.
"Wala daw si ma'am, tara na. Uwi na tayo." Saka ito tumayo at nag ayos. Napahikab ako saka dahan dahang nag ayos. Wala na pala masyadong estudyante. Lumabas na kami para umuwi. Nag uusap parin sina Sandra at Jessica sa kung ano man ang topic nila ng dumaan sina Angel at Ken. Ngumiti ang mga ito saka tumigil sa harap namin.
"A-auh Fely, baka gusto niyong sumama. May pakain kasi ang grupo nila Ken dahil nanalo sila sa game." Malambing na sabi ni Angel. Nang tumingin ako kay Ken ay tumango lang ito at ngumiti. Akala ko natalo sila dahil sakin. Itinuloy parin pala nila ang laro. Nakahinga siya ng maluwag sa balita nito.
"Pigilan mo ako Sandra! Baka masampal ko ang walang hiyang mga yan!" Bulong ni Jessica at nanggigigil na sabi nito. Siguro kailangan kong ipakita na wala na at okay na ako, para maka move on agad ako. Masakit man pero wala din naman akong magagawa.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko at nagpapahiwatig kong sasama ba kami.
"Are you sure Fely? Nababaliw kana ba?" Inis na sabi ni Sandra. Hindi ko siya matingnan sa hiya. Nahihiya ako dahil parang napaka martyr ko na sa harap nila. Sabagay sino ba ang matinong tao na sasama sa ex niya at sa babae nito? But they can't understand. I wanted to go with them so that if I can see how they love each other baka maka move on ako. Baka lang naman at walang masama kung susubukan ko. Titiisin ko nalang ang sakit para isahan nalang. Humarap muna ako kina Angel at Ken bago nagsalita. Bumuntong-hininga dahil sa nerbiyos. Kaya ko to.
"Mag uusap muna kami. Sabihin niyo nalang kong saan baka mag bago ang isip namin." Nakangiti na niyang sabi. Plastic na kong plastic pero hindi niya ipapakita kong gaano siya nasasaktan.
"Sa Cordova Hotel, nag pa reserved na kami doon. Kita kita nalang. Isama mo na din ang mga kaibigan mo." Sabi ni Ken saka inalalayan si Angel para umalis na. Masakit parin. Kailan kaya mawawala ito? Mamaya? Bukas? O sa susunod. O baka naman hindi na mawala.
"Nababaliw kana ba Felicity! Sasama ka talaga sa mga iyon?" Inis na sita ni Sandra. Nang tingnan niya si Jessica magkasalubong ang mga kilay nito at inirapan pa siya. Buti pa si Sam kumibit balikat na ipinahihiwatig na bahala na ako sa kung anong desisyon ko total matanda na ako at may isip. Bumuntong-hininga ako bago sila hinarap.
"Siguro last na to, maybe it's time for me to move on. Baka pag sumama ako doon may ma realize ako. If you don't want to accompanying me it's okay I understand. Saka alam kong ayaw niyong makipag plastikan sa dalawa lalo na at baka nandoon ang gagong David na yon!" Nagtinginan ang mga kaibigan niya. Okay lang naman kung hindi sila sasama nandoon naman siguro si Red. Hindi naman kami talagang close parang casual lang atleast.
"Pero Fely! Magmumukhang kawawa ka doon! Lalo na at baka maghalikan ang dalawang yon at bigla ka nalang mag walk out. Makinig ka naman! " Naiinis na sabi ni Jessica. Alam niya namang concern lang ang mga ito. Sumabat naman si Samantha.
" Let Fely do what ever she want. She's old enough and she can handle the situation. And sasama naman ako sa kanya kaya wag na kayong mag away." Nanlalaki ang mga mata namin. Si Sam sasama? Tumawa kaming tatlo na ikinasimangot nito.
"At anong gagawin mo doon magbabasa habang nag iinuman ang mga tao doon! Hahahah crazy Samantha!" Sabi ni Jessica. Kahit ako natatawa. Hindi naman kasi umiinom yan, saka magbabasa lang yon doon at tatawanan lang siya. Napasimangot naman ang isa.
"What's wrong bout that? I love reading and no one can stop me even in that stupid Ken and the group. So what kung mag iinuman sila? Magbabasa ako at wala silang pakialam!" Nakasimangot na sabi nito at inirapan pa kami na ikinatawa namin. Baliw talaga tong babaeng to! Napailing nalang ako.
"I can go alone. You don't need to accompanying me Sam." Nakangiti kong sabi dito. Napasimangot naman ang dalawa dahil sa sagot ko. Kaya ko naman eh handle, saka baka last ko na ito at baka wala na akong chance na makita pa si Ken sa susunod.
"Bahala ka sa buhay mo Felicity! Hindi kana na toto!" Sabi ni Jessica na inirapan ulit ako.
"Matanda kana saka sana last mo na to! Iwasan mo na ang grupong yun!" Sabi ni Sandra saka naglakad na kaya sumunod kami.
NAG KANYA KANYA na kami pag kaabot sa gate. Si Jessica nakisakay kay Sandra at si Sam sinundo ng kuya niya habang ako ay may sundo din naman si Benito. Uuwi muna ako bago pumunta sa Cordova Hotel, alangan naman naka uniform ako. Ilang sandali ng makaabot kami. Kaya dali dali akong bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob. Pupunta sana ako sa office ni mama ng maalalang nasa Italy pala sila ni papa tatlong araw na sila doon. kaya dumiritso nalang ako sa kwarto. Naligo ako at naghanap ng masusuot. Kinuha ko yong lagi kong sinusuot na t-shirt at palda below the knee. Kailangan nang magsuot ng palda para hindi maipit si baby sa pantalon. At t-shirt para hindi mahalata ang umbok sa tiyan ko. Malapit na din kasing mag apat na buwan. Parang kailan lang noong malaman ko, dalawang buwan palang yon ngayon malapit ng mag apat na buwan. Nang maayos ko na ang lahat bumaba muna ako para kumain dahil parang nagugutom na naman ako. Nakita ko si jasmine yong katulong na nakabasag ng baso, agad ko itong tinawag para ipaghanda ako ng r****h with carrots. Ewan parang ang sarap eh combined ang dalawa. Napangiwi naman ito kaya sinamaan ko ng tingin.
"Anong mukha yan! Gusto mo bang lumayas na dito at maghanap ng bagong trabaho? Alis! Baka ma balatan kita ng buhay!" Inis kong sabi dahil may pa ngiwi ngiwi pa ang gaga! Dali dali naman itong tumakbo papuntang kusina.
Nanood muna ako ng TV habang hinahanda pa ang kakainin ko. Enjoy na enjoy ako sa comedy na pinapalabas. Tumatawa pa ako ng lumapit si Joy na bago lang ata dating. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Miss Fely may bisita ka sa labas. Sinusundo ka daw." Mahinahong sabi nito saka na pumunta sa kwarto. Siguro para magbihis dahil naka uniform pa ito. Tumayo ako para tingnan sa labas. Gagang Joy yon! Ni hindi man lang pinapasok. Nang buksan ko ang pinto nagulat ako ng si Red ang nabungaran ko. Anong ginagawa ng hinayupak na ito.