Felicity
"INGAT kayo ni baby." Bulong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pano nalang pag may nakarinig? Bwisit talaga! Tumakbo na ito at itinuloy ang laro. Lumapit si Angel kay Ken at pinupunasan nito ang mga pawis ng binata. Nang tumingin ako sa gawi nila napansin kong nakatingin si Ken sakin at ng mahuli ko agad nitong itinuon ang pansin kay Angel at hindi na kailan man naligaw ang paningin nito sakin. Nang mag break para sa fourth quarter ay dali daling lumapit sakin si Red kasama ang mga kaibigan nito.
"Mga brad, be nice to Felicity or else!" Pagbibiro nito kaya siniko ko kaya agad itong lumayo sakin na tumatawa. Naguguluhan ang mga kaibigan nito at napapatingin sakin saka kay Red.
"Explain this to us Red, bakit kayo magkasama?" Naguguluhang sabi ni Ethan. Tumatawa lang ang binata at inakbayan ako kaya kinurot ko ng pino sa tagiliran kaya napalayo ito at nakangiwing hinihimas ang nasaktang tagiliran.
" C'mon babe! Baka sabihin nila under mo ako!" Kunwari malungkot nitong sabi. Pero hindi man lang tumawa ang mga kaibigan nito at bakas parin ang pagtataka at pagkailang sakin. Ang ibang kaibigan nito halatang hindi gusto ang presensiya ko. Sabagay ako si Felicity Montessori na ayaw pinapalibutan ng mga lalaki, sabi nga ng iba man hater ako na tinawanan lang ng mga kaibigan ko. Laitira at maldita iyon na ata ang bansag sakin. Pero kahit ganoon, marami parin akong avid fans na kala mo artista lang.
"What are you doing here Felicity!" Sabi ni David na isa sa mga ka close ni Ken na ayaw din sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang kapal ng mukha ah!
"Who do you think you are? At hindi mo naman pag aari ang gymnasium na to para pagbawalan ako dito!" Masungit kong sabi na ikinaigting ng panga nito.
"Hindi mo siya sana dinala dito Red! Ang klase niyang babae ay hindi dapat naririto!" Malamig na sabi nito.
Pak!
Napaatras ito sa lakas ng sampal niya. Ang kapal niya! Sino siya para pagsalitaan ako ng ganyan.
"Who do you think you are David? No doubts that you're came from an ambitious families!" Masama ang tingin nito sakin dahil sa sinabi ko. Siguro kung lalaki lang ako kanina pa niya ako nasuntok.
Kaagad na pumagitna si Red saming dalawa. At sinasabihan si David na kumalma at pinapatahimik din ako. Marami na ang nakatingin at wala akong pakialam.
"Umalis ka nalang dito Fely para walang gulo" mahinahong sabi ni Ethan. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gago ka ah!" Lalapitan ko na sana ito ng hawakan ako ni Red at pinapakalma.
"Pare, huwag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Fely! Wala naman siyang ginagawa satin at nakikinuod lang naman siya. At ako ang nagdala sa kanya dito kaya sana naman kunting respeto!" Galit nang sabi ni Red. Nagtinginan ang mga kaibigan nito at hindi makapaniwala sa sinabi ng lalaki.
"Woah! Came from you Red? Ha! Isa ka sa may ayaw kay Fely pero ngayon pinagtanggol mo na? Bakit kayo na ba!" Pang aalaska ni David. Biglang dumating ang coach nila kasama si Ken.
"What's happening here!" Matigas nitong sabi saka tinignan ang kamay ni Red na nakahawak sa braso ko. Kaya kinuha ko ito sa hiya. Ayaw kong mag isip siya ng kahit ano.
"Anong kaguluhan to! Marami ng nakatingin sa inyo kaya umayos kayo!" Sita ng coah nila.
"Sorry coach.." sabay sabay nilang sabi. Masama parin ang tinginan nila Red, David at ethan sa isa't isa.
" Paalisin mo siya dito Red!" Matigas na sabi ni David na walang pakialam kung nandiyan si Ken at ang coach nila. Hinarap siya ni Red at walang anu anong sinuntok.
"Red!" Kaagad niya itong hinarangan. Natumba si David at may tumutulong dugo sa bunganga nito. Nagsisigawan na din ang mga nakakita. Si Ethan ay agad na dinaluhan si David at ang ibang kaibigan nito ay hinarangan si Red para hindi makalapit sa lalaking duguan na ang labi.
"Marunong kang rumispeto gago ka! Ano? Tayo at magsubukan tayo!" Sigaw ni Red dito.
"Ano ba! Tama na sabi! Aalis nalang ako para wala ng gulo!" Hindi ko na sila pinansin at agad ng umalis. Dapat hindi hindi nalang ako sumama sa kanya hindi ko pa sana nasira ang laro nila. Napailing nalang ako at sinigawan ang babaeng haharang harang sa daan ko.
"Tabi! Bwesit!" Inis kong sabi na sinunod naman nito. Wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng mga estudyante. Eh ano ngayon kong ako ang dahilan kong bakit nasira ang laro?. Bumuntong-hininga siyang tinawagan si Sandra na uuwi na siya. Sports festival ngayon pero parang hindi niya naman feel. Habang naglalakad napapahimas siya sa tiyan dahil nakaramdam siya ng kaunting kirot. Kaya hinimas himas niya ito, hindi naman nagtagal nawala din na ipinasasalamat niya. Nang makita niya si Benito agad na siyang lumapit at sumakay. Sinabi niyang gusto na niyang umuwi. Nagtataka naman ang matanda dahil maaga pa para umuwi.
"M-maaga pa ata Miss Fely. Hindi niyo ho ba tatapusin ang sport fistival niyo?" Sinamaan ko siya ng tingin na ikina yuko nito.
" Anong pakialam mo kong uuwi ako? You're just a driver Benito! Know your place!" Sikmat niya dito na ikinahingi nito ng paumanhin na hindi niya naman pinansin.
"Festival tanda. Hindi fistival!" Hindi na ito nag salita at tumahimik nalang. Bakas ang lungkot sa mukha na mas lalo niyang ikinairita.
PAGDATING SA BAHAY nagtataka si mama kong bakit maaga akong umuwi. Humalik muna ako sa pisngi nito bago umupo sa sofa at hinimas himas ang baby bumps niya. Kung fitted siguro na damit mahahalata ng buntis siya.
"Ang aga mong umuwi ah, is there something wrong?" Umupo ito malapit sa kinauupuan niya. At makikita ang pag alala dito. Ganyan naman si mama laging nag aalala na akala mo hindi ko kayang eh handle ang sitwasyon. Tinawanan ko lang ito at inilingan. Sabagay alas dos palang ng hapon, magtataka talaga sila kung bakit umuwi na agad ako. Marami pang sinasabi si mama na hindi ko na maintindihan dahil kung saan saan na umabot ang utak ko.
"Nakikinig kaba anak?" Napatingin naman ako dito at napatanga dahil hindi ko alam kong anong sinasabi nito dahil sa kong anu ano nang naiisip ko. "Ha?" Bumuntong-hininga si mama saka inulit ang sinasabi nito.
"Like what I said anak, pupunta kami sa Italy bukas ng papa mo. Mga limang araw kami doon dahil biglaan ang appointment namin. Ayaw sana kitang ewan dahil buntis ka pero hindi naman puweding hindi ko samahan ang papa mo dahil alam mo naman yun." Natatawang sabi nito. Yun pala ang sinasabi nito. Humarap ako kay mama at ngumiti. Wala naman kaso kong aalis sila at kaya ko na ang sarili ko. Saka mahalaga ang kompanya, hindi ko puweding pairalin ang pagiging spoil brat ko. Total nandito naman si yaya Lagring to take care of me.
"Ma, it's okay. I can handle my self and yaya's Lagring will take care of me. So don't worry." Tumango tango naman ito at sinabihan akong magbihis na para makapagpahinga. I kissed her cheeks before I go to my room.
I go into the bathroom to take a bath because I felt sticky. When I'm done I blower my hair and do my ritual. Napapaisip ako, pano kong malaman ni Ken ang kalagayan ko? Sasabihin ko ba? Pero si papa naman ang magagalit. Sabagay tama din naman si papa at walang kasiguraduhan kong tatanggapin kami ni Ken. Humilata ako sa kama at nagmumuni muni kagaya ng ginagawa ko kapag hindi ako makatulog. Napapahimas ako sa tiyan ko. Malaki na ang umbok nito. Nagtataka na nga ang mga kaibigan ko kung bakit lagi nalang loose na t-shirt ang sinusuot ko.
"Don't worry my baby warrior. We can survive, and someday mabubuhay tayo na hindi kailangan ang papa mo." Pinahid niya ang tuloy tuloy na luhang tumulo sa pisngi niya. Pinikit na niya ang mata para matulog at hindi naman nagtagal nasa dream na siya.
"FELY ANO yong nabalitaan namin tungkol sa magkasama daw kayo ni Red isa sa mga kaibigan ni Ken!" Sita ni Jessica na kanina pa paikot ikot sa kanya at hindi alam kong babatukan ba siya o ano.
"Oo nga! Muntik na daw silang magsuntukan ng put*** inang David na yan! Kung anu ano pa daw ang sinabi sayo! Kung ako sayo sana sinuntok mo!" Nanggagalaiting sabi naman ni Sandra na katulad ni Jessica masama din ang aura nito.
"Haay, it's just an accident that Red and me are together that time. He convinced me to watch the game kaya umuo nalang ako. At sa gagong David na yun, kung hindi lang ako napigilan! Haay. Buti nga isang malakas na sampal naibigay ko." Nanlalaki naman ang mga mata ng dalawa at naki high five pa sakin dahil naka points daw ako. Kaya hindi na daw sila galit. Mga baliw talaga.
"Umiwas kayo sa David na iyon! Hindi maganda ang pakiramdam ko doon!" Sabat naman ni Samantha na kakalapag lang ng juice at cookies sa mesa namin. Nandito kami ngayon sa Candy's café. Hindi lang naman coffee ang seniserved nila pati mga iba't ibang flavors ng juice at mga desert. Maganda ang ambiance dito at ang interior ng lugar halatang hindi basta basta ang kalidad. Maraming tao ngayon at dito parin kami sa gilid na hindi masyadong napapansin.