Felicity
"YOUR PREGNANT?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Nanginginig akong humarap dito. Parang akong tinulos sa kinatatayuan at hindi makatingin sa kanya.
"Hahaha anong joke yan Red?" Natatawang sabi ko sa kaibigan ni Ken. Pero deep inside nanginginig na ako sa takot na baka malaman nito at makaabot pa kay Ken. Pero hindi man lang natinag at ngumiti pa ng nakakaluko. Umiwas nalang ako ng tingin at aalis na sana ng nagsalita ito.
"I heard you're talking your baby, little warrior, hmmm what if Ken knows about it?" Bakas sa mukha nito ang pananakot. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. Hindi dapat ako matakot sa isang to!
"You know what? You should shut up and mind your own business!" Nakaigting kong sabi sa sobrang inis nito. Tumawa pa ito ng malakas na lalo kong ikinairita. Pero kahit ganun natatakot parin akong malaman nito.
"So, inaamin mo nang buntis ka nga? Na kwento samin ni Ken na may nangyari raw sa inyo at pinilit mo siya kahit ayaw niya. Humihingi siya ng advice that time kaya sana huwag mong masamain kong bakit niya sinabi saamin at mapagkakatiwalaan kami kasama ng mga kaibigan namin. Ayaw niyang malaman ni Angel ang nangyari sa inyo dahil nagkakaintindihan na ata sila nong time na yun" napaiwas niya ng tingin. Huli na siya at ang kailangan niya nalang gawin ay patahimikin ang isang to! At wala na siyang pakialam kay Ken, okay na sila at ayaw na niyang guluhin pa ang mga ito para na din sa sarili niya at sa baby niya.
"Please Red, ikaw palang ang nakakaalam maliban sa parents ko. Ayaw ko na ng gulo at nakapag usap na kami ni Ken at sinabi kong pinapakawakan ko na siya at malaya niyang mahalin si Angel. Pagdating ng summer aalis na ako dito at magpapakalayo kapag nakapanganak na ako babalik ako sa pag aaral. Pero in the meantime titigil muna ako sa second semester. Lalaki na ang tiyan ko at ayaw kong may makaalam nito. Sasabihin ko din sa mga kaibigan ko pero naghahanap pa ako ng tyempo so please! Huwag mong sabihin kay Ken Red." Mahabang sabi ko at nagmamakaawang sana hindi na malaman ng iba. Bumuntong-hininga ito bago umupo sa pavement at tinap ang malapit sa kanyang kinauupuan at sinabing umupo muna. Kaya ginawa ko para makapag usap kami ng maayos.
"May karapatan din naman si Ken Fely, pano kong malaman niya to at handa ka niyang panagutan?"
"Hindi mo naiintindihan Red! Mahal ni Ken si Angel, sa tingin mo ba magiging masaya kami kasama ang anak namin? Mag isip ka nga at huwag maging tanga!" Naiinis niyang bulyaw dito at napahilamos ang palad sa mukha. Nakapag desisyon na siya at mamaya kakausapin niya ang mama at papa niya at Sana payagan siyang magbakasyon muna malayo dito.
"Okay okay! Grabi ka naman maka tanga! Okay na, hindi ko na sasabihin kay Ken. Sabagay tama ka rin. Iniwan ka niya at kong pinipili niya si Angel kisa sayo ibig sabihin din nun inibanduna na niya rin ang anak niyo. Siguro ito na ang ganti mo sa kanya. Ikaw ang ina at sino ba naman ako? Kaibigan lang naman ako ng tatay ng anak mo. Basya ninong ako ha?" Natawa nalang ako sa sinabi nito, ganoon din ito. Sa totoo lang hindi naman ako close sa mga kaibigan ni Ken dahil siguro sa maldita ako at hindi nila ma take ang ugali ko pero wala naman akong pakialam dun!.
"Salamat Red, alam ko namang ayaw niyo sakin para kay Ken pero nagpapasalamat parin ako dahil kaya mo itong ilihim sa kanya." Hindi ito nagsalita tila may iniisip, tumingin ito sakin saka bumuntong-hininga.
Parang may gustong sabihin na hindi nito alam kong sasabihin o hindi nalang.
"What is it?" Umiwas ito ng tingin saka tumingin sa malayo.
"Alam mo ba kong bakit ayaw namin sayo para sa kanya?" Tumingin ako sa kanya at seryosong mukha nito ang bumungad sakin. My curiosity eating me again. Matagal ko nang nararamdaman na ayaw nila sakin. Noong una nag effort ako para mapalapit sa kanila pero wala ring nangyari dahil sila na ang kusang lumalayo sakin.
"Bakit nga ba? Nag effort ako noon para mapalapit sa inyo. Pero lalapit palang ako aalis na kayo at maraming alibi."
"Dahil sa ugali mo. Sunod sunuran si Ken sayo, masyado kang war freak at mapanglait. Nakikita ni Ken yun pero wala siyang pakialam kahit na ilang beses naming sabihin na Hindi kayo bagay dahil masyado siyang mabait para sayo. Aware ka naman sa ugali mo diba?" Tumango lang ako dahil tama din naman ito.
"Kahit minsan na napapasama siya sa gulo dahil sayo at bumababa na ang grade niya dahil laging gusto mong mag scape syempre masyado ka niyang mahal para hayaan nalang. Nasisira siya ng dahil sayo Fely. Hindi mo man nakikita pero sinisira mo siya at hindi ka aware doon. Pinagalitan din siya ng papa niya nasuntok pa nga siya ng bumagsak siya dahil hindi siya nakapag exam." Napatingin agad ako sa kanya dahil hindi ko alam yun!
"W-wala akong a-alam d-diyan Red!" Tumulo ang luha niya dahil sa nalaman. Hindi niya alam yun! Ang alam niya pasa siya sa lahat dahil pinapakita niya sakin ang grade niya pero meron ding time na ayaw nitong ipakita at marami itong dahilan. Umiyak siya dahil tama si Red bad influence siya kay Ken.
"Ayaw niyang sabihin sayo dahil sisisihin mo lang siya kong bakit siya bumagsak. Kaya ng makilala niya si Angel naging supported kami sa kanya dahil bumalik siya sa dati. Laging nag aaral at nakaka Focus sa basketball. Natuwa kami dahil nakaalis niya sa anino mo. Pero ngayon? Parang mali ata ang desisyon namin dahil may bata ng involved." Pinunasan niya ang luha saka tumawa ng bahagya. Tama lang ang desisyon niyang pakawalan ito. Dahil ito na ata ang pinaka magandang bagay na nagawa niya para dito.
"Thank you for telling me this Red. At ito na ata ang pinaka tamang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Atleast he's free from me. Naging selfish ako Red at hindi nya ako deserve." Tumayo na ako at pinagpag ang suot na palda.
"Aalis na ako manonood ako ng game nila for the last chance. Can you go with me?" Nakangiti kong sabi. Akalain mong makakausap ko si Red ng maayos. Tumayo ito saka ngumiti sakin.
" Are you sure Fely? Pinapasama mo ako sayo? Baka magugunaw na ang mundo!" Tumawa na ito na sinabayan ko nalang. Marami pa kaming napag usapan. Katulad ng bakit hindi ito nakasama sa game. Nag cramps pala ito kaya pinalitan muna pero sa third quarter sasama na daw ito sa game. Mag kasabay kaming pumasok sa gym at pinuprotektahan niya ako dahil alam niyang buntis ako, madami kasing tao at hindi pa kami makakalusot dahil masyadong crowded ang buong gym. Kaya niyayakap niya ako para hindi masagi ang tiyan ko. Masyado itong oa dahil kunting galaw ko lang nagagalit na ito dahil baka daw masaktan si baby warrior na tinawanan ko lang.
Inalalayan niya akong maupo sa Bench sa unahan marami tuloy ang nakatingin at nagbubulungan. Dahil ito ang unang beses na nakita kaming magkasama at syempre tsismis to dahil sa unang pagkakataon nakita nila akong may kasamang lalaki maliban kay Ken.
" Are you serious Red? Nakakahiya dito! Doon nalang ako sa taas." Ayaw ko lang na may masabi ang mga tao tungkol sakin lalo na kay Red baka matulad ito kay Ken na kong anu-anong tsismis na ako ang dahilan kong bakit nasisira ito. At ayaw ko ring isipin ng mga kaibigan nito na ginagamit ko ang lalaki. Masaya ako dahil mukhang magiging kaibigan ko si Red.
"Fely naman! Buntis ka! Baka anong mangyari sayo doon kaya dito ka nalang at hawakan mo ang damit at tubig ko." Bulong nito na lalo kong narinig ang mas malakas na bulungan ng mga estudyante.
"Lumayo ka nga! Baka anong isipin nila. Saka anong kala mo sakin alalay? Hawakan mong mag isa mo!" Ngumuso lang ako na ikinatawa nito. Umupo nalang ako at tumabi ito ng upo na hindi ko nalang sinaway. Nang nanood na ako napakunot ang noo ko nang panay ang tingin ni Ken sa banda namin at nakakunot ang noo nito at ilang beses ng nasigawan ng coach na mag focus dahil kapag sa kanya pinapasa ang bola hindi nito nasasalo dahil laging samin ang tingin. Siguro nagtataka lang ito kung bakit kami magkasama ng kaibigan niya. Dumating ang third quarter na puro palpak ang tira ni Ken. Wala ito sa focus yun lang ang alam ko. Alam kong magaling siya dahil ilang beses ko na siyang nakitang maglaro at hindi siya ganito maglaro. Kaya nagalit ang coach at pinaupo siya sandali at pinapasok si Red.
"Ingay kayo ni baby." Bulong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pano nalang pag may nakarinig? Bwisit talaga! Tumakbo na ito at itinuloy ang laro. Lumapit si Angel kay Ken at pinupunasan nito ang mga pawis ng binata.