"magaglit ba si mader earth kung gagawin kitang mundo?" napatampal ako sa noo dahil sa nabasa kong text ni kuya sa girlpren niya. Tangina, ang baduy ng putik.
" KUYA ANG BADUY MO" nakarinig ako ng kalabog mula sa taas, parang nag mamadaling bumaba.
Humahangos na tumayo si kuya sa harapan ko at walang pasabing kinuha ang selpon na nasa kamay ko at tumakbo ulit na namumula ang mukha. Napailing nalang ako sa ginawa nito, mahiyain talaga si kuya pero sa personal lang, kapag sa text eh napaka kapal ng mukha.
"Etheil, may pasok kapa bakit naka higa ka pa jan sa sala?"
"nakakatamad tumayo nay" pinaglakihan ako nito ng mata kaya napa upo ako, mahirap na baka mag rap si mader.
" char lang, ito na tatayo na" sabi ko tsaka pinag pagan ang sarili at kinuha ang bag bago tumayo.
" Umalis kana, baka ma late kapang bata ka" rinig kong sabi ni nanay na nasa kusina.
Lumakad ako patungo sa lamesa na nasa gilid ng tv at kinuha ang pitaka ko, pag bukas ko ay kahit piso ay wala akong nakita kaya nanlulumong binalik ko ito sa lamesa. Putik, aym so poor pala.
" ma, wala na akong pera" sigaw ko habang nag lalakad papuntang kusina.
"tignan mo diyan sa ibabaw ng ref may pera jan"
Tinignan ko ang ibabaw ng ref at may nakitang limang piso, isang sakayan lang tu taena. Kinuha ko nalang iyon at pinasok sa bulsa bago lumabas ng bahay. Mag lalakad nalang ako total hindi naman yun ganon ka layo, exercise na din.
"Magandang umaga ate maria" sigaw ko sa kapit bahay namin na nag kakape sa hardin nila, sosyal nuh sana oll lang.
"magandang umaga ethiel alcohol" napangiwi ako sa tawag nito.
"ito naman si maria napaka mapag biro, gora ni si me te baka ma stand ap ako sa labas dahil na late na naman" kumaway pa ako na parang pang beauty queen bago rumampa.
Habang patuloy na nag lalakad ay nag iimagine ako ng mga scene sa aking head, like kung anong trabaho ang bagay sakin. Malapit na kasi akong mag collage tapos gusto kong mag hanap ng part time job, ayaw kung nakatunganga lang sa bahay nuh tapos sila mama ay nag tatrabaho. Ang unfair naman nun, satingin ko naman may maraming nag ha hire.
Nang makita ko ang gate sa school ay tinakbo ko na, mahirap na. Sobrang strikto pa naman nung advicer namin, kahit 1 minute lang na late ay patatayuin ka parin sa labas habang nakataas ang kamay. Kapag talaga panot eh, mga strikto talaga. Nalalagas kasi buhok nila dahil madali silang ma stress, char.
"manong yan ID ko, ang ganda ko jan nuh" tinawanan lang ako ni manong.
"sige pumasok kana, ang aga pa para sa kakapalan ng mukha"
"ang bad mo manong, maganda naman talaga ako" ngumisi lang ito sakin.
Putik, nasa third floor pala ang room ko mukhang malelate talaga ako nito. Parang lantang gulay na nag lakad ako pataas, nakakatamad mag lakad.
"Ms. Sanon" lumingon ako sa likod ng may tumawag sa apelyido ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita si sir panot na naka taas ang kilay, tumingin ako sa orasan at nakitang hindi pa naman ako late.
"Hala, good morning sir" sabi ko tapos nag bow, katulad nung mga koreano.
" pinapatawag ka ni proffesor agilar" huh? ang aga naman.
"hala sir, hindi pa naman ako late" tumawa lang ito sa sinabi ko, happi siya?
"relax ms. sanon, may pag uusapan lang daw kayo kasama ang dean" napakamot naman ako ng ulo dahil dun, pati daw dean. Wala naman akong matandaan na may kasalanan akong malaki.
"sige po" nag bow ako ulit bago tumakbo papuntang office ni proffesor agilar.
Humahangos na nakarating ako sa tapat ng office ni proffesor agilar, nakakapagod bumaba. Ang laki ng school tapos ang yaman ng may ari, sana naglagay nalang sila ng elevator.
Kumatok muna ako ng ilang beses bago pumasok. Nakita ko si prof na seryosong nakatingin sa loptop nito, nakakunot pa ang noo.
"good morning po prof, may kailangan daw po kayo?" tumingin ito sakin at sumenyas na umupo.
"lets wait for the dean first" seryosong saad nito, katakot naman.
"ok po" kahit anong isip ko, wala talaga akong maalala na may ginawa akong masama. Pwera nalang last year na may sinuntok ako pero tapos naman iyon, okey na kami nung sinuntok ko.
Tahimik lang akong naka upo ng mag bukas ang pintuan ng office ni prof. Isang studyante na naka salamin ang pumasok.
" Good morning po proffesor agilar, ito po pala yung papel na pinapakuha niyo kanina" sabi nito at nilagay sa lamesa ni prof ang papel na hawak.
"salamat ms. aragon, u can go now" tumango ang babae bago lumabas.
Kilala ko yun, si Phoebe Aragon taga section A sobrang talino nun. Nakasama ko na siya sa isang contest before, sobrang galing nun sa mga debate.
"so while waiting for the dean, i want to ask you something ms. sanon" hala, di ako na inform na may q and a palang mang yayari.Di pa naman ako nakapag study.
"ano po yun prof?" pina ikot ikot nito ang ballpen sa kamay.
"Naka decide ka naba kung saan ka mag ka college ms.sanon?" pew, kala ko mahirap yung question.
"sabi ni mama sa West University daw po tapos sabi naman ni papa sa Ford University, pero mas bet ko po sa South University" tumaas ang kilay ni prof sa sinabi ko.
"bat mo naman gusto sa South University? sa pag kakaalam ko ay mahirap makapasok dun tapos maraming mga basagulero na mga mayayaman"
"malapit lang po kasi sa bahay prof at sabi ng isang kaibigan ko ay tumatanggap po yung school ng scholar" tumango ito.
"Kailangan lang daw maka pasa sa test na ibibigay nila"
"Well, sure akong makakapasa ka sa test but hindi kaba natatakot sa mga studyante dun?" nag kibit balikat ako lang ako.
"tao lang naman po sila, matatakot lang ako kung malalaman kung kasapi nila si majimbu" tumawa ito sa sinabi ko.
Napatingin kami sa pintuan ng bumukas iyon, sabay kaming tumayo ni prof agilar para bumati. Umupo ito sa katapat kung upuan at inilapag ang dalang envelope sa lamesa.
Mga isang oras kaming nag usap ng dean at ni prof agilar, dadating daw kasi ang may ari ng school kaya kailangan naming gumawa ng isang program. Ako ang napili ni prof agilar na maging emcee, habang ang mga ssg officer na ang bahala sa preperation . Napili daw ako ni prof dahil ang galing ko daw mag emcee last year, napapatawa ko daw mga studyate aba kung ganun sana nag clown nalang ako.
" You're a friend of ms. arwela right? the ssg president?"
"yes po"
"Then it will be easy for you to communicate with them, kayo na ang bahala sa program tapos kami na ang bahala sa budget"
" ok po dean"
Pag katapos namin mag usap ay agad pinatawag ni prof ang school officers, next week na kasi ang arrival ng may ari ng school.
-----------------------------------------
" Bat ngayon kalang te?" tanong ni andie ng maka upo ako katabi niya.
"pinatawag ako ng dean, may program daw kasi tapos ako ginawang emcee" tumango ito at may binigay na dictionary sakin.
"yan, may pa spelling contest mamaya si prof melody sinabi niya kanina" taray, hindi man lang kami sinabihan agad. Buti naka memory plus gold ako kaya magaling ako sa memorize memorize na yan.
"tinatamad ako" phew, inaantok din ako.Pina loadan kasi ako ni mama kahapon kaya ayun, alas dose na ako naka tulog. Pano nalang kaya pag may wifi na kami nuh? baka wala na talagang tulogan.
"same girl" sabi ni kyla na bigla nalang nag salita sa likuran namin, kakagulat naman tung isang tu.
--------------------------
" Ms. Sanon got the perfect score" oh diba sana oll.
"Ano pang hinihintay nyo? mag memory plus gold na" tumawa lang ang mga ito sa sinabi ko.
Rumampa ako na parang ms universe at kinuha ang papel ko na hawak ni maam. Hindi naman sa pag mamayabang pero matalino talaga si me pero tamad ngalang, sabi ni mama. Nasa dugo na siguro namin ang pagiging matalino, sa dugo nga lang hindi umabot sa utak. Syempre char lang, matalino talaga kami ni kuya di lang halata.
"taray te, sa pagkaalala ko isang beses mo lang binuklat yung dictionary na binigay ko" bilib na naman tung dalawa sakin.
" gagi, naboring kasi ako last week kaya binasa ko yung sobrang kapal na dictionary ni kuya sa kwarto niya" tumango lang ito.
"kamusta na pala kuya mo? sila padin nung syota niyang maitim ang singit?" ay and bad, pero totoo naman maitim talaga singit nun nakita namin.
"hindi na, may bago siyang kalandian ngayon taga rito sa school" by the way, collage na si kuya while me is nasa grade 11 pa.
"luh, child abuse si kumpadre" sabi ni kyla na bigla nanamang nag salita sa likuran.
"goodbye student" napa ayos kami ng upo ng marinig namin ang sigaw ni maam, yan chika pa more.
"goodbye ms. melody" sabay naming sabi. Pagkalabas ni prof ay nag simula ng mag ingay ang classroom.
" taralets sa canteen girls" yaya ni kyla samin. Inakbayan ko silang dalawa at nag simula ng maglakad palabas ng room.
Pagkapasok namin sa canteen ay himala at wala masyadong tao, nakakabigla lang. Parati kasing puno dito, kahit hindi pa tapos ang klase ay may naka standby na. Taray diba? mga honghang hindi yata takot ma guidance.
"oh, himala yata" himala talaga, mabibilang lang sa daliri ang tao sa loob.
Pumunta kami sa nag titinda para maki chismis, ano kayang nangyari? well kay ate maribeth mo mahahanap ang sagot.
"ate maribeth, lumalaos naba ang mga tinda mo te? bat wala yata masyadong tao dito?" tanong ni kyla kay ate maribeth na busy sa pag luluto.
"gaga, hindi nuh maraming studyante dito kanina" ayh, wala bang mga klase ang mga yun?
"oh? sa pagkakaalam ko ang mga taga grade twelve student lang ang may vacant ngayong umaga?" well, nalaman ko yan base sa chismis samin ni prof melody kanina.
"pinatawag daw ang ibang proffesor sabi ng isang studyante kanina" ah, mukhang about dun sa owner ng school ang pag memeetingan nila.
"eh? so bakit wala ng mga studyante ngayon te?"
"may away na nangyari bago palang, mga taga fourth year student daw"sabi nito at nag buntong hininga.
"talaga? haynako, ang tatanda na ng mga iyon tapos nag aaway pa"
"agree, kaya nga ang magandang gawin ngayon ay pumunta dun at maki chismis din, tara girls" napatawa si ate maribeth sa sinabi ni kayla, kapag sa chismis talaga napaka alert ng babaeng tu.
Tinahak namin ang katabing building para lang maki chismis, pero dismayado kami pag dating kasi wala ng mga studyante. Kaloka, sayang te kasalanan tu ni andie bumili pa kasi ang gaga ng popcorn.
"gagi, sayang yung popcorn ko" putik, kakapagod kaya mag lakad tapos wala pala kaming magandang makikita dito.
"hey girl, tapos na ang show?" tanong ni kyla sa isang studyante na dumaan.
"show? ah yung suntukan po?" tumango kami bilang sagot.
"ah, dumating po kasi si proffesor brandon kaya hindi lumaki yung gulo" luh, patay.
Si proffesor brandon talaga pinakanakakatakot na prof dito, sobrang strikto nito at grabe kung mag bigay ng quiz. Hindi pa na under si kyla at andie kay prof brandon while ako ay na under na noong first year palang ako. Parati akong pinapagalitan ni prof noon kasi sobrang antukin ko, buti nga di ako pinahiya nun.
"phew, goodluck sakanila" tumango kaming dalawa ni andie sa sinabi ni kyla.
Umalis kami agad dun at bumalik sa canteen, dumami na ang tao pagka balik namin. Nakita ko pang may nag lalaro ng chess, taray ha. Ay oo nga pala, may tournament pala next month sa chess at badminton. Napaaga tournament nila kasi may importante daw na event sa ibang school, kaya todo practice ang representative namin ngayon. Sa pagkakatanda ko nasa third place kami last year, sasali sana ako last year pero tinatamad ako.
"Ano bibilhin mo te?" ano ba magandang kainin?
"c2 at pizza nalang siguro" ay putik, wala pala akong pera.
"ay gagi, wala nga pala akong pera" tinawanan lang ako ng dalawa, mga walanghiya.
"libre nalang kita" sana olls diba, kaya ano pa hinihintau nyo? humanap na kayo ng mayaman na kaibigan. charot.
"taray ha, bet ko yan te ipagpatuloy mo yan"
------------------------
Agad din kaming bumalik sa room ng mag ring ang bell, di pako natapos kumain kanina mga walanghiya. Habang nag hihintay sa prof ay kumakain kaming tatlo ng toblerone, may lalaki kasing humarang sa daan namin kanina tapos binigyan ako nito. Ang haba ng buhok ko sis, may letter din palang kasama.
"Dear ethiel,
Unang kita ko palang sayo ay nahibang este nabihag mo agad ang puso ko, satingin ko ay na love at first sight yata ako sayo.Kung hindi mo masasamain pwede ba akong manligaw sayo binibini?
from: Elmonthegreat"
basa ni kyla sa sulat, napaka lalim naman nun.
" ang taray girl, may pa toblerone pa oh!" sabi ni andie sabay kagat sa toblerone.
"haba ng hair diba, tabi sis baka matapakan mo" biro ko.
"so sis, payag kabang magpaligaw?" wala pa sa isip ko yan.
"bata pa ako nuh, at baka makarate ako ni mader kapag mag jojowa na ako"
"advance mo naman mag isip te, eh manliligaw palang yung tao"
"haler, jan din naman punta nyan" hmp, atsaka mukhang hindi sang ayon ang dalawang lalaki sa buhay ko kung mag jojowa nako, si papa at kuya.
Tinago ko ang sobrang toblerone sa bag ng dumating na si prof jaime, at kagaya kahapon ay nag pa quiz din ito. Taena, buti talaga mahusay tung utak ko sa memorization dahil di ako nakapag study kahapon. Kapag bored kasi ako ay nag aadvance study ako, mahirap na pag bigla akong tamarin tuloy tuloy na kasi yan.
"ms.amber, kindly give this envelope to proffesor brandon"
"p-proff-feso-r b-brandon sir?" takot yata tu kay prof. brandon.
"yes" nagkakamot sa ulo na kinuha nito ang envelope at lumabas sa room.
Pagkatapos ng klase ay tumambay muna kaming tatlo sa karenderya ni Mang Sawi, oh diba apelyido palang alam mo nang sawi sa pag ebeg.
" Manang, magkano po pasweldo ninyo kay ate aya?" curious kong tanong, baka pwedeng mag trabaho ako dito.
"bakit eithel? interesado kabang palitan si aya?" narinig yata ni ate aya yun dahil sinamaan nito ng tingin si manang sawi.
"nanahimik ako dito" tinawanan lang naming apat si ate aya na nakanguso.
"so magkano nang?" tumigil sa pag pupunas ng lababo si manang at humarap samin.
Nag pupunas din kaming tatlo ng mga lamesa, wala kasi kaming magawa. Maliit nalang ang mga tao kaya nag chismisan muna kami.
"dalawang libo lang" 2k?ang laki na niyan.
"halfday lang kasi nag tatrabaho si aya, so kung wholeday na ay apat na libo kada buwan" napatango kami tatlo.
Ako lang ang interesado, yung dalawa kasi ay mayayaman. Hindi kami mayaman pero di din kami mahirap, sakto lang. Si papa ay nag tatrabaho sa ibang bansa tapos si mama naman ay isang baker.
Alas kwatro ng napag desisyonan namin na umuwi na, nag plano silang dalawa na maki tulog sa amin pero di natuloy kasi tumawag si tita stella. Mag pinsan pala si kyla at andie, pero mag kaiba yung apelyido nila. Mag pinsan kasi sila sa mother side.
"bye ethiel girl, sa inyo kami matutulog bukas ha mag handa kana ng letchon"
"letchong palaka ihahanda ko girl, sige byebyee" kumaway ang dalawa sakin habang sakay ng jeep.
Nag simula na akong lumakad papauwi, malapit ng dumilim kaya binilisan ko na ang lakad. Baka pagalitan ako ni kuya, may usapan kasi kami kanina na mag lalaro kami ng chess. Ang matalo ay ang maghuhugas ng pinggan sa isang linggo.
"humanda ka ng mang hugas ng pinggan sa isang linggo panget"
----------------------------
"WAHHAHAHAHAHHAHA" parang baliw na tawa ko, natalo ko ulit si kuya sa chess kaya ang ibig sabihin nito ay siya ang maghuhugas ng pinggan sa isang linggo.
"hindi ako papayag, isa pa" nakakunot ang noo nito, gago tu ilang beses na kaming nag lalaro.
"tinatamad na ako" sabi ko sabay higa sa sahig.
Tapos na kaming mag saing at mag luto ng ulam, si mama nalang ang hinihintay namin.
" anong pinagbabawal na technique ang ginawa mo bunso? bat hindi kita matalo?" tinawanan ko lang si kuya.
Magaling talaga ako sa chess kasi may nagturo sakin noon, isang amerikano. Mga nasa seven years old pa lang yata nga ako nun, tapos ako nag turo kay kuya kung pano mag laro. Madali lang matuto si kuya pero ni minsan ay hindi pa nya ako natalo,ganon ako kagaling. char.
" mga unggoy, nandito na si mader" tumingin kami sa pintuan at nakita namin si mama na may dalang dalawang plastik.
"ano ka ba naman maricar, sa ganda kung tu tatawagin mo lang na unggoy" binatukan ako ni mader dahil sa sinabi ko, ang shakit.
"anong maricar? kalbohin kita jan" nag peace sign lang ako at kinuha ang dala nitong plastik.
"nag shopping ka sa ukay ukayan ma?" sosyal na pala ang ukay ukayan ngayon, may pa karton na.
"tanga, wala akong oras mag ukay ukay nuh at binigay sakin yan ni Tayen para daw sa inyo" taray, may bago na naman akong damit.
"taray ni tita tayen ha, nakapag bayad na ba yun ng utang sayo?" gago tu si kuya.
"oo kanina, nakabingwit yata yun ng amerikano may mamahaling bag eh" ay ang bad.
"amerikano agad? baka arabo nay" tumawa lang si mama sa sinabi ko.
Dalawang tshirt ang binigay sakin tapos sapatos naman para kay kuya, hindi ako mahilig mag short kaya parating pajama ang pinabibili ko kay mama minsan. Pero minsan kasi sumasapi si satanas sa earth kaya napapa short ako dahil mainit.
"kain na tayo, baka lumamig yung niluto ko" aya samin ni kuya.
"ano niluto mo anak?" kumuha muna ako ng tatlong plato bago umupo sa isang silya.
"adobo, maaga akong sinweldohan ng boss namin" taray talaga pag may trabaho na.
Pagkatapos kumain ay nagtungo agad ako sa kwarto, nang hiram ako kay kuya kanina ng mga libro nya para basahin. Hindi kasi ako nakakatulog kaagad kaya mag babasa muna ako, favorite subject ko ang science kaya halos lahat ng libro na nasa kwarto ko ay mga related to science.
" Ibigay mo yan sakin bukas sis, dadalhin ko yan sa school bukas" himala, tamad kasi ang gago mag dala ng libro.
"anong meron bukas?"
"may contest kada section, ako yung piniling representative"
"taray ha, pwede ba kaming manuod nila kyla?"
"hindi pwede, may mga bigating tao ang manunuod kaya mga teachers lang ang nandon"
"sige, goodnight kuya"
"goodnight sis"