"magandang umaga mader" alas singko palang ng umaga gising na ako.
"ang aga ha" pati si mama nahihimalaan sakin.
"di naman ako natulog, umatake insomnia ko" umiling iling ito sa sinabi ko, nag timpla ako ng gatas at kape naman para kay mader.
"so anong ginawa mo buong mag damag?" umupo ako sa tapat nito.
"nagbabasa nung libro na hiniram ko kay kuya kahapon" tumango ito sa sinabi ko, napatingin kami sa hagdan dahil sa ingay.
"ang aga gumising ng unggoy ha" sinamaan ko ng tingin si kuya dahil sa sinabi niya.
"gago"
"oo nga pala anak, nakapag desisyon kana ba kung saan mo gusto mag college?" buti tinanong ni mader.
"gusto ko sa South University para malapit lang"
"eh mahal naman dun, may alam kaba diyan sa south university eric?" tanong ni mama kay kuya.
"jan nag aaral kuya ni benson, mahal daw diyan pero tumatanggap na daw sila ng scholar ngayon" ngayon ko lang nalaman na nag aaral pala yung kuya ni benison dun.
"kailangan lang daw maka pasa sa test tapos dapat ma mentain yung malaking grade" tumango lang si mader.
"magaling din daw mag turo ang mga professor dun, bagay si ethiel dun ma"
"okey, sasabihin ko sa papa nyo yan" salamat naman at agree si mama, buti di binangit ni kuya yung tungkol sa mga studyante.
Pagkatapos mag agahan ay agad akong naghanda para sa school, maaga kami ngayon dahil may pe. Taena, mag babasketball daw kami mamaya.
"Ethiel, oh baon mo" ay taray, buti di ako nakalimutang bigyan.
"buti di mo nakalimutan kuya, sampung piso lang pera ko" sabi ko habang nag susuklay ng buhok kaharap sa salamin dito sa sala.
"Sinabi nga ni mama sakin kanina tungkol jan, so naglakad kalang kahapon?"
"oo, malapit lang naman atsaka exercise nadin" ang hirap namang suklayin tung buhok natu.
"exercise ka jan, ang payat mo nga eh para kang kawayan"
"huy, nanlalait kapa atsaka hindi naman ako ganon kapayat normal kaya yung timbang ko" kailangan ko na sigurong putulin tung buhol ko ulit.
"ulol, gaga ayusin mo mag suklay baka ma panot ka nyan" sabi nito at kinuha ang suklay na hawak ko.
Siya na ang nag patuloy sa pag susuklay sa buhok ko, minsan talaga naiisip ko na baka barbie tu si kuya. Mas maarte pa sakin eh, parati ko nga tung nakikitang nag pupulbo.
---------------------
"good morning ethiel girl" bati sakin ni madeson na absent kahapon.
"oh, bat absent ka kahapon pres?" siya ang president ng classroom.
"sinundo kasi namin si daddy sa Airport" taray, sana oll daddy yung tawag.
"ah, wala bang dalang chocolate daddy mo?" kafal ng mukha ko.
"wala eh, hindi kasi kami mahilig sa chocolate" sayang, tumango lang ako dito.
Umupo ako ng maayos at inilabas ang isang math notebook, may pa quiz si pareng kalbo mamaya. Ilang minuto ang lumipas at dumating na din sila kyla at andie, may bitbit pang popcorn ang dalawa.
"ang aga, libro agad kaharap mo girl" tiniklop ko ang libro at hinarap ang dalawa.
"may pa quiz si panot mamaya" nanlaki ang mata ng dalawa, oh diba di nila alam.
"luh, di naman sinabi ha" sabay na nag labas ng libro ang dalawa.
"sinabi ni sir sakin kanina, sabi nito e announce ko daw sa room eh late kayo kaya di niyo narinig" nag simula ng mag basa ang dalawa kaya pinag patuloy ko nalang din.
Madali lang naman ang ipapa quiz ni sir panot mamaya, may formula na kaya madali nalang intindihin. Kaso minsan kase ang mga madadali ang binibigyan nito ng example tapos sa test eh mga mahihirap na, haynako nakakagigil din minsan yung panot na iyon.
"tama ba to girl" binaba ko ang libro na hawak at hinarap si kyla, pinakita nito ang sinolve.
“yung sign girl, positive yarn”sabi ko.
"ay oo nga pala, sige" bumalik na ito sa pag sosolve habang ako naman ay biglang tinamad.
May natitira pang ilang minuto kaya nag selpon muna ako, wala na akong load taena. Inilibot ko ang paningin sa classroom at nakitang lahat ay abala kaharap sa libro nila kaya napangiti nalang ako. Iba ang mga kaklase ko last year, kaya minsan lang kami nag kita kita tatlo nun pero di naman naging hadlang yun para mawalan kami ng time tatlo. Kagaya ng kinasanayan parati, sabay kaming tatlo mag recess tapos tatambay muna ila manang sawi bago umuwi.
-----------------------------
"Ms.Montes and Ms.Alegria got the perfect score" tumingin si kayla at andie sakin na nakakunot ang noo.
"Ms. Sonan, got two wrong- i mean she didn't answer the last two number" tumingin lahat sakin, hoy kung makatingin naman ang mga tu.
"ah, naubusan ng tinta ballpen ko sir" sabi ko sabay taas ng ballpen na ginamit ko kanina, napatampal nalang sa noo si sir.
"first time mong hindi na perfect ang quiz ko ms.sanon" totoo yan, matalino kasi ako mwehe.
"wag kang mag alala sir, mag dadala akong isang box ng ballpen next time" tumango lang ito habang ang iba ay nakangiti.
“Ms. Madeson, kindly distribute the papers to the owners" tumayo si madeson at kinuha ang mga papel na nacheck na ni sir.
"class dismiss" yehey, science na ang susunod.
Pagkalabas ni sir ay agad lumapit ang dalawa sakin, nakataas ang kilay.
"sana humiram ka ng ballpen sakin kanina" di pa ka move on girl?
"gagi, eh baka mapagkamalan si ethiel na nangongopya" tama, grabe panaman manghusga yung panot nayon.
"ayt, oo nga din"
"anong score niyo girls?" hindi kasi inanunsyo kanina lahat, yung naka perfect at yung may pinakababa lang na score ang parating inaanunsyo.
"may wrong akong lima" sabi ni kyla tapos pinakita ang papel niya sakin.
"sakin apat yung wrong" sabi ni andie na naka nguso, ang tatalino talaga ng mga gaga. Mana sila sakin, char.
--------------------
Habang nag didiscuss si prof. melody ay may biglang kumatok sa pintuan ng room, bumungad sa amin si proffesor brandon kaya mas lalong tumahimik ang classroom. Nakakatakot naman talaga ang seryosong mukha ni sir, parang ang laki ng galit nito sa mundo.
"The dean called for ms.sanon" me? ay oo nga pala dun sa program.
"Ms.Ethiel Sanon" nag taas ako ng kamay ng tinawag ako ni prof. melody.
Sumenyas si prof. brandon na sumunod daw sa kaniya, humarap muna ako kila kayla at nag paalam bago lumabas. Nang makalabas sa room ay nasa likuran lang ako ni prof, tahimik ang hallway dahil nga may klase lahat.
"How have you been ms.sanon? antukin ka parin ba kagaya ng dati?" chismoso din pala tu si sir.
"Hindi na sir, nakakatulog na kasi ako ng maayos sa gabi" alam ni sir tungkol sa insomnia ko.
Tumahimik ulit hanggang sa nakarating kami sa office ng dean, ako lang ang pumasok dahil may klase pa si sir. Pagkapasok ko ay nandun na ang mga ssg officers at nandun din si prof.agilar kausap ni dean.
"Good morning po" napatingin silang lahat sakin, senenyasan naman ako ni prof.agilar na umupo katabi niya.
"Simulan na natin ang plano" hahay, mukhang magiging busy ako buong week nito.
"Yes maam"
-------------------------
"Lau, hindi pantay sa kabila i usog mo pa ng konti" abala kami ngayon kaka design sa stage.
Araw ng sabado ngayon, walang klase pero nandito kami sa school nag dedecorate i mean sila pala. Nandito lang ako sa isang upuan, naka sitting pretty hehe. Host lang ako nuh, sila na bahala jan.
"Ethiel, e test mo nga yung mic baka sira yan" sumaludo ako kay karl bago pumunta sa stage at kinuha ang mic.
"Hello, mic test mic test" ok naman, di naman siya sira. Ito yata ginamit ko last year, naamoy ko pa hininga ko. Charot lang syempre.
"Magandang umaga bayan" pinahinaan ko ang volume sa mic dahil medyo malakas, baka mabasag eardrums ng owner.
"Subukan mo kayang kumanta ethiel"
"Wag, baka umulan sayang yung dinecorate nyo" sabi ko habang naka mic parin kaya dinig ng lahat.
"gaga, maganda naman boses mo" ito talagang baklang itow, napaka sinungaling.
"wag mong ipagkalat bakla, baka ma discover ako" tinawanan lang ako nito.
Tinapos na namin ang chikahan para maaga kaming matapos, gusto ko nang umuwi at humilata sa higaan ko. Gago si kuya kanina, alas tres palang ng umaga ginising na ako pinahanap sakin yung libro niyang nasauli ko na matagal na. Ang kafal ng mukha ng unggoy para pag bintangan ako, eh nakalagay lang pala sa isang lumang cabinet niya.
" Ethiel, paki kuha nung mga pin nasa office ko"
"okey po, prof" sumaludo ulit ako bago umalis.
Madadaanan ko ang hardin ng school kung sa kaliwa ako dadaan, kaya dun nalang siguro. Ang sarap simuyin ng hangin doon tapos sobrang payapa pa, doon ako natutulog noon kasama sila kayla kapag vacant namin.
Ilang minuto ay natanaw ko na ang hardin, may naaaninag akong isang tao na naka upo. Nakatalikod ito kaya di ko makita ang mukha, baka isa sa mga studyante dito. Nag kibit balikat nalang ako at nag patuloy sa pag lalakad, gusto ko sanang mag standby muna kaso baka pagalitan ako ni prof.
---------------------------
"hayst, salamat at tapos na" inilibot ko ang tingin at nakitang ready na ang lahat.
Ang ganda ng pagkakadecorate, simple lang siya at mahandang tignan. Binigay ni prof kahapon ang script ko, ang kailangan ko lang gawin ay e memorize yun. Tinamad ako kahapon kaya baka ngayong gabi lang ako mag mememorize, wala din naman akong gagawin mamaya.
"Umupo muna kayo dito students" umupo ako sa sahig katabi ni laura na abalang nag seselpon.
" Dapat maaga kayong pumasok sa lunes lalo kana ethiel, dapat hindi ma late. Sinabi ng dean sakin kahapon na mga nasa alas otso ng umaga ang dating ng owner so kailangan talaga nating dumating ng maaga"tumango kaming lahat. Di pa yata sure kung anong oras talaga ang dating ng may ari.
"Complete uniform ba susuotin maam?" tanong ni karl, buti tinanong ng bakla.
"yes except kay ethiel kailangan naka casual attire ka ms.sanon" ofcourse naman, kagaya last year. Nagmukha akong tao noon, himala.
"yes maam" tumango ito bago nag patuloy sa pag sasalita.
Pag katapos ng maliit na meeting ay umuwi na kami agad, sabi ni kuya kanina na susunduin niya daw ako kaya doon nalang ako mag aantay sa waiting shed.
Ilang minuto din akong nakaupo bago dumating si kuya, naka porma ito na parang may pupuntahang date.
"san punta mo pre?" sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay.
"Sabi ni mama doon muna tayo ila auntie, dahil may pinapaayos siya sa bahay" putik, wala akong dalang damit.
"ha? eh anong susuotin ko dun. Ang pangit naman kung naka uniporme ako buong maghapon" itinaas nito ang plastic na bitbit.
"Kumuha ako ng damit sa kwarto mo" buti naman.
"ang talino mo kuya" wag sana kumapal ang atay ng gago.
"alam ko, tara na" nag simula na kaming maglakad.
Nakatira sa isang subdibisyon sila tita, parati kaming nakikitulog ni kuya noon sakanila noong bata pa kami. Wala kasing mag babantay samin dhail parehas na may trabaho sila mama at papa nun, nasa pinas pa si papa nung panahon na yun. May dalawang anak si tita, isang babae at isang lalaki. Yung lalaki ay may asawa na at yung babae naman ay wala pa pero nag tatrabaho na. Mayaman sila tita, nakapag asawa kasi siya ng isang business man. Sana oll lang, by the way magkapatid si papa at tita.
Nahagilap ng mata ko ang lalaki kanina na nakita ko sa hardin, papasok siya sa isang parang bodega. Nakatalikod ito kaya di ko parin makita mukha niya, ang sarap sumigaw ng 'face reveal lods', kanina pato si kuya ayaw mag pakita ng mukha.
"anong tinitignan mo?" napatingin ako kay kuya ng bigla itong mag salita, nakatingin din ito sa tinitignan ko kanina.
"wala, chismoso ka" sinamaan ako nito ng tingin, taray.
"dalian mo maglakad, baka nag hihintay na si tita doon"
"okie" tatakbo naba ako nyan?
-----------------------
Nasa harap na kami ng gate ng bahay ni tita, sosyal sila sis may pa doorbell eh. Mamaya lang ay binuksan ng isang guard ang gate at pinapasok kami, walang pinag bago. Ang ganda parin ng lugar, napakalinis din.
"Oh nandito na pala kayo" sabi ni tita na mukhang galing sa kusina. Malamang, naka apron pa eh.
"ay hindi, doppelganger kami " pambabara ko.
"Ikaw talagang bata ka, ang sarap mong kurutin sa singit. Ay aba mag bihis ka muna doon sa taas at bumaba kaagad dahil may ginawa akong cookies kanina" tumango ako at nag mamadaling umakyat sa taas.
Pumasok ako sa kwarto na tinutulugan namin noon ni kuya at nag bihis. Malinis parin ito kahit minsan nalang gamitin, si tita nalang mag isa dito sa bahay dahil bumukod na yung mga anak nila. Napaka lonely siguro ni tita nuh, bakit kaya hindi nanganak ulit si auntie.
Pagkatapos mag bihis ay bumaba agad ako, magaling kumuha ng damit si kuya. Alam talaga nitong ayaw ko na nag shoshort, mas gusto ko talaga na naka pajama. Maarte ako eh.
"asan si kuya?" tanong ko kay tita na nag titimpla ng juice.
"nandon sa office ng tito mo, mukhang nag lalaro ng chess yung dalawa" taray ha, di man lang ako sinali.
"gusto kong sumali" umiling iling ito sakin.
"kawawa yung dalawa kong sasali ka, parati mo silang tinatalo eh" ganyan ako kagaling, pati si tito ricardo hindi pa nanalo laban sakin.
"magaling kasi ako" mayabang kong sabi.
"magaling ka naman talaga, ano palang pangalan nung amerikanong nag turo sayo ng chess?" curious na tanong nito.
"nakalimutan ko na yung fullname pero pareng stebin yung tawag ko sakanya noon" napatawa si tita sa sinabi ko.
"Ang bata mo pa nun baka nabangas yun sa tawag mo sakaniya" parang? di ko na matandaan.
"ewan ko, sobrang tagal na nun nakalimutan ko na" seven palang ako nun.
Dinala ako ni papa sa state nun, tapos doon ko nakilala si pareng stebin.Kaibigan siya ng amo ni papa, sa pag kaalala ko ay inutusan si papa ng amo niya nun kaya naiwan ako sa office ng boss niya. Nag lalaro yung boss niya nun at si pareng stebin ng chess tapos ako ay nakatingin lang, hindi ko sinasadyang na memorize yung mga galaw nila kaya nung natapos sila sa pag lalaro ay nakialam ako sa chess board.
Nag lalaro ako mag isa nun tapos ginaya ko mga galaw nila kanina, tumingin ang dalawa sakin kaya nahiya ako nun. Nag offer sakin si pareng stebin pagkatapos na turuan daw niya ako mag laro ng chess at pumayag ako. Simula nun ay kapag dinadala ako ni papa sa trabaho ay nag lalaro kaming dalawa kaso natigil din kasi kailangan ko ng bumalik dito sa pinas.
Four months lang ako dun, nagkasakit kasi si kuya noon tapos kailangan siyang bantayan ni mama sa hospital. So dinala ako ni papa sa state para siya ang mag bantay sakin, nasa canada si tita non kasama si tito.
"puntahan ko lang sita tito at kuya" tumango ito.
Nang makarating ako sa office ni tito ay nakita ko ang dalawa na seryosong nag lalaro.
"whats up mga unggoys" napanguso ako ng di man lang ako tapunan ng tingin ng dalawa.
"wag kang magulo ethiel, malapit ko nang matalo ang kuya mo" napatawa ako sa sinabi ni tito.
Tumabi ako ng upo kay kuya, natawa nalang ako ng malakas ng makitang nag hahabulan ang dalawa.
"checkmate" nanlulumong sumandal si tito kaya tinawan namin siya ni kuya.
"mga batang ito, iniisahan nyo naman itong matandang to" napalingon kami kay tita na may dalang pagkain, tumayo ako at tinulungan ito.
"ang galing ng mga batang ito stella, saan ba nag mana ang mga ito”
"abay syempre sa nanay, napaka talented nung si maricar eh. Noong kabataan namin parati yung pinipiling representative kapag may mga contest" tama si tita.
" tapos sobrang talino pa yung mama at papa ng mga batang ito" sabi ni tito.
Magka klase si mama at tita noon, naging close lang daw sila nong naging jowa na ni papa si mama. Parati daw kasing inuutusan ni papa si tita na mag bigay ng letter kay mama, napaka sweet dibtito
"hala ag mag snack muna kayo" kumuha ako ng cookies na dala ni tita at nag salin ng juice sa baso, kapag talaga nandito kami parati akong busog.
--------------------------
Alas diyes ng mag text si mama na pwede na kaming umuwi, sumakay lang kami ni kuya ng jeep kasi gabi na. Ipapahatid sana kami ni tita sa driver nila pero tumanggi kami, nakakahiya nuh. Di naman ganun ka kapal yung mukha ko, char.
"ma, ano pala pinapaayos mo?" tanong ko kay mama na nag seselpon, taray ni mader.
"yung lababo natin, may stuck kasi kaya pinaayos ko kay manang anina" ahh.
"ang liit lang naman pala ng problema bat kailangan pang pumunta kami kila tita?" tumingin ito sakin at binaba ang selpon na hawak.
"hindi nyo na kasi binibisita yang tita nyo, baka namimiss na kayo nun" ay oo nga naman.
"busy kasi sa klase" sabi ni kuya na galing itaas.
"kaya nga, pero bisitahin nyo din minsan yun. Humingi kayo pamasko ganern" gagi tu si mama.
"ang agang pamasko naman yan ma, oo nga pala tumawag si papa sakin kanina" napatingin ako kay kuya, bat sakanya tumawag? ang unfair naman.
"ano sabi?" curious kong tanong.
"Uuwi daw siya sa susunod na buwan" tologo?
"Nakakatampo naman yang papa mo, bakit di sinabi sakin?"
"suprise sana daw kaso busy ako ng araw na uuwi siya kaya sinabi ko na sayo ma, ikaw nalang kumuha kay papa sa Airport" gusto kong sumama.
"sama ako, kailan bayan?"
"byernes, may klase ka" ngumuso ako ng maalala iyon, absent nalang kaya ako?
"tournament din yun" mas lalong humaba ang nguso ko, oo nga pala. Byernes ang tournament para sa badminton tapos lunes ang chess.
Kasali kasi si kyla sa badminton kaya nangako kaming dalawa ni andie na manunuod. Na rerelax daw kasi siya pag nakikita niya kami, ang sweet lang.
"sumali ka sa tournament para sa chess nak?" tanong ni mama sakin.
"hindi na, tinatamad ako" sabi ko sabay higa sa sofa.
"napaka tamad mo talagang bata ka, sumali kanaman minsan nuh para rumami yang mga medal at trophy na nasa kwarto mo" ang dami na nun, baka mapuno kwarto ko.
"ayaw ko, baka ma discover ako nuh" char.
"ang sabihin mo tamad kalang, buti pa noong elementary parati kang sumasali sa mga contest pero ngayon hindi na"
"naboboring ako eh, wala namang mahusay na kalaban" nag thumbs-up si kuya, agree din siya.
"ay sus, napaka hambog ng mga unggoy" ang gandang unggoy naman.