Chapter 3

3446 Words
Chapter 3 “Huy etheil alcohol, gumising kana unggoy”tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay Anong oras naba? “Anong oras na kuya?”tanong ko habang nakapikit parin. “alas sais na, bumangon ka dyan bumili ka ng pandesal doon ila aling teres” linggo pala ngayon,bukas na ang program. Bumangon na ako at nag hilamos,nakasanayan na namin tuwing linggo na maagang gumising. Walang trabaho si mama kaya nag bobonding kami kada linggo, minsan nalang kasi nag kikita dahil busy. Noong nandito pa si papa ay siya ang parating bumibili ng pandesal, ngayon ako na.Kamusta na kaya si papa? matawagan nga mamaya. “oh, gising ka na pala” inaantok pa ako taena, late kasi akong nakatulog. May pinahiram kasing libro si tita, related siya sa science kaya napasarap basa ko. Di ko akalaing maabutan ako ng hating gabi kababasa, ang ganda kasi ng topic. “pera ma pambili ng pandesal”nginuso nito ang ibabaw ng ref, tinignan ko roon at nakita ang pitaka niya. Kumuha ako ng singkwenta at papikit pikit na lumabas ng bahay “magandang umaga ate maria” bati ko kay ate na nagangape sa bakuran nila, sana oll ulit. “magandang umaga din etheil, bilisan mo mag lakad baka maubusan ka ng pandesal” sumalado ako dito bago tumakbo, mahirap na baka maubosan nga ako. Marami ang bumibili ng pandesal kay aling teres kapag umaga, mainit pa kasi at mura lang. Nasa pilipinas palang si papa, ay nagtitinda na sila kaya kilalang kilala na namin si aling teres. May anak itong isang lalaki, si marco na kalaro ko noon. Mag kasing edad lang kaming dalawa kaya close talaga kami, natatawa nga ako pag naaalala ko yung sinubukan ako nitong ligawan. Nang malaman ni kuya na balak akong ligawan ni marco ay bigla itong tumigil, natakot yata sa masasamang tingin ni kuya dito. “Magandang umaga aling teres pero mas maganda pa ako sa umaga, by the way pandesal sakin” tumawa lang ito sa sinabi ko. “ilan?” aling teres talaga di na nasanay. “kinse po, bali syete sakin tapos tig apat sila mama at kuya” dapat mas marami sakin, ako bumili eh. “naku, baka di kana mag almusal nyan” kumuha ito ng plastic at inilagay ang tinapay, ang sarap tignan ng pandesal. “pandesal gagawin kong almusal te” umiling iling ito at binigay sakin ang plastic, binigay ko naman dito ang pera. Habang nag lalakad pauwi ay nakita ko naman ulit yung lalaki na nasa garden noon, multo ba tu si kuya? Kaya ko nasabaing si kuya iyon na nasa garden ay dahil sa buhok nito at tattoo sa likod ng braso. Sinundan ko ng tingin si kuya na papasok sa isang bahay, pero bigla itong huminto. Napatalikod ako ng makitang parang haharap ito, gagi bat ako tumalikod? chance ko na yun para makita mukha ni kuyang multo. Humarap ako ulit, kaso wala na ito putik sayang. Mag sisimula na sana akong maglakad ng may biglang tumakip ng mata ko bago isinandal sa isang dingding, oha mala fiction character ang galawan lang. “who are you?” masarap pakinggan ang malalim na boses nito, sa halip na sumagot ay tinaas ko ang kamay na may dalang plastic. “isang magandang nilalang lamang dito sa mundo na matakaw sa pandesal” tumahimik saglit ito, bago ko narinig ang isang mahinang tawa nito. Kinuha nito ang kamay na nakatakip sa mata ko at umatras ng konti, napakalapit kasi nito sakin kanina. Ngayon ay sawakas nakita ko na ang mukha nito, aaminin kong gwapo yung kuya ko pero mas gwapo itong nilalang na nasa harap ko ngayon. Nahiya yung height ko sa tangkad nito, kailangan ko pang tumingala kay kuya taena. “ Anong ginagawa mo sa harap ng bahay nila Aling Susan kuya?” tumaas ang kilay nito, vaklang tow. “kuya? I’m stil young” ayt, di ko naman sinabing matanda na siya. Mabait lang ako kaya marunong akong gumalang sa mas matangkad, char. “ay sige take two, anong ginagawa mo sa harap ng bahay nila aling susan pare?” umiling iling ito habang may maliit na ngiti na nakapaskil sa mukha. “my name is crid, so u know manang susan?” ganda ng pangalan, pang mayaman. Tumango ako bilang sagot sa tanong nito, kilala ko na si aling susan mula pagkabata. Parati akong binibigyan nito ng tsokolate noon, kaya labis ang lungkot na naramdaman ko ng mamatay ito. “You’re close with manang?” sasakit yata leeg ko kakatingala dito. “Oo, mula bata palang ako” tumango ito. Walang tao sa paaligid kasi maaga pa naman lalo na at linggo ngayon, sinusulit nila oras nila para mag pahinga dahil bukas ay mag tatrabaho na naman sila. “Saan bahay mo?” marunong naman palang mag tagalog, pinapahirapan pa ako. “ malapit lang dito pareng crid, straight kalang doon” sabi ko at nginuso ang bandang papunta sa bahay. Nag simula itong mag lakad habang nakapamulsa, patungo ito sa bahay namin kaya sumunod ako. “saan bahay mo pare?” hindi nito sinagot ang tanong ko kaya napanguso nalang ako. Ang tahimik naman ng taong tu, ang laki ng pagkakaiba namin. Madaldal kasi ako mula pagka bata, kaya ang dami kong kaibigan eh. Nakilala ko si kyla at andie noong first year highschool palang kami, naging close kaming tatlo kahit madami ang pagkakaiba namin. Sa pagkakaalala ko si andie yung una kong nakilala, first quarter palang nun. Antukin ako noon sa klase dahil di ako nakakatulog kapag gabi, one time nakatulogan ko yung klase ni maam arabella kaya napagalitan ako. Pinalabas ako nun pero di ako na detention dahil may rason naman ako, sinabihan kasi ni prof brandon si maam arabella na may insomnia ako. Nung pinalabas na ako ay doon ako dumiretso sa canteen,natulog ako ulit. May gumising sakin nun isang babae na kasing edad ko lang, si andie. Tuwing recess ay natutulog ako sa canteen at siya naman ang gumigising sakin hanggang naging close kaming dalawa, sabay kaming umuuwi pero tatambay muna ilang manang sawi na naging close din namin. Akala ko nung una ay mahinhin si andie pero nang magtagal ay kagaya ko din pala ang gaga, madaldal. “wala pa tayo sa bahay niyo?” napabalik ako sa realidad ng mag salita si pareng crid. Nilibot ko ang tingin ang paligid at nakitang lumagpas na kami, tulala pa more. “taena, lagpas tayo pre” umiling iling ito at naunang mag lakad pabalik. Inunahan ko na siya dahil di naman niya alam kung saan amin, mukhang mangangape yata samin ang gago. Huminto ako ng nasa tapat na kami ng bahay, tumingin ako sa likod. Nandon si pareng crid nakapamulsa sa likod habang nakatingin sa bahay namin, sinitsitan ko ito kaya napalingon ito sakin. “gusto mo pumasok” tumaas ang isang kilay nito bago kumunot ang nuo. “you let a stranger come inside your house, lady?” ayt, oo nga naman. Ang pangit naman tignan kung magpapasok ako ng taong di ko kilala, pero nagpakilala naman siya kanina. “you’re cridd, sinabi mo na pangalan mo sakin atsaka kilala mo naman si aling susan kaya di kana stranger”umiling iling ito at tumalikod, nag simula itong mag lakad papauwi. “BYEBYEE” kumaway ako rito kahit di niya makita. Alas dyes ng umaga ng mag yaya si kuya sa mall, manlilibre daw siya samin ni mama. Dali dali kaming nag bihis ni mama dahil dun, minsan lang manlibre si kuya kaya sulitin na. Pag karating namin ay diretso kami sa mang inasal, taray talaga pag may trabaho na. “di kapa tapos kumain bunso?” napatingala ako ng mag salita si kuya, nakita kong wala nang laman ang plato nila maliban sa mga buto syempre. “ang dali nyo namang natapos kumain?” “anong ang dali? Eh nakakarami kana ng extra rice baka malugi ang mang inasal sayo”lugi agad? grabe naman tu. “ ang advance mo naman mag isip anak” sabi ni mama habang nag pupunas ng labi gamit tissue, ang taray. Binilisan ko na ang pagkain dahil parang atat si kuya na maubos pera nya, dami ko pa namang gustong bilhin na libro. Pagkatapos kung kumain ay nag cr muna kami, para tuloy tuloy na. Nakakapagod kayang bumalik sa first floor para lang mag cr tapos babalik naman sa taas. “ano gusto mong bilhin ma?” taray, di mn lang ako tinanong. “kahit ano, basta maubos pera mo” lumukot ang mukha ni kuya dahil sa sinabi ni mama, gagi talaga tu si mama. Alam na alam ko kung saan ako nag mana sa kagagohan, si papa kasi ay tahimik at yun ang namana ni kuya. Binilhan ni kuya si mama ng bag para dalhin sa trabaho at mga damit habang ako naman ay mga libro. Apat na libro ang binili ni kuya sakin, nag reklamo pa ako kanina kasi ayaw niyang bilhin yung romance novel na nakita ko. Bumabasa kasi ako nun minsan, sinabi kasi sakin ni kyla na mag basa ng mga romance na novel para sa lovelife ko baka daw kasi banatan ko yung magiging jowa ko ng mga math problems kapag wala akong alam sa mga romance romance nayan. Siraulo talaga, may alam naman ako pero kunti lang tungkol sa lablife lablife nayan. Alas kwatro na ng hapon ng makauwi kami, nag saing agad ako bago humilata. Nakakapagod mamasyal, ang sakit ng paa ko kakalakad. Buti naisipan naming bumili ng ulam kanina, sigurado kasi akong pagod din yung dalawa. Kinuha ko ang plastic na nasa paanan, laman nun yung mga libro na binili ni kuya sakin. Ang dalawa ay mga libro pang collage, related sila sa science. Habang yung iba naman ay mga novel, binili ni kuya yung romance novel dahil pinilit ko siya. Yung isang novel na binili ni kuya sakin ay yung may mga imbistiga imbistiga, yung mystery ang genre ganern. Umidlip muna ako bago bumaba para kumain, pag katapos kong mag hapunan ay sinimulan ko nang basahin yung isang libro. Makalipas ng ilang minuto ay tinamad akong mag basa kaya nag cellphone nalang ako kaso wala namang games sa cellphone ko kaya inoff ko nalang. Taena, napaka boring naman. “bunso” tawag ni kuya habang kumakatok, tinatamad na bumangon ako at pinag buksan ito ng pinto. “bakit?” hinarap nito sa akin ang cellphone, tumingin ako sa screen at nakitang, isa yung convo nila kuya at ng di ko kilala. “sino yan?” binasa ko ang covo nila at nakitang ako ang pinag uusapan, ganyan ba ako kaganda para pag chismisan? Char. “ si coach anter, pinapupunta ka bukas sa school” oh? kilala ko si coach anter. Siya ang coach ni kuya noon sa chess, kaso tumigil si kuya mag laro ngayon para mag focus sa pag aaral. “di ako pwede bukas, may program kami” “kailan kaba free?” “sa martes, wala kaming klase sa tatlong last subject” tumango ito at nag paalam na babalik sa kaniyang kwarto. Sa tingin ko ay alam ko na ang kailangan ni coach, baka mag papatulong iyon sakin na mag turo sa mga bagong sumali sa team. Noong malaman kasi nito na ako ang nag turo kay kuya ay nacurious ito sakin kaya nakipag laro ito sakin ng chess at syempre panalo ako. Ako fa ba? eh natalo ko nga yung nag turo sakin ng chess. Alas kwatro palang ng umaga ay gising na ako, maaga akong nakatulog kagabi himala. Mamaya na ang program, so meaning mamaya na dadating yung may ari ng skwelahan namin. Pag kababa ko ay nakita kong si mama pa ang gising, wala pa si kuya. “ aga ha” umupo ako sa katapat na upuan nito at kumuha ng tinapay sa lamesa. “may program mamaya eh” tumango ito at nag patuloy sa pag babasa sa dyaryo. Ako naman ay tumayo para mag timpla ng gatas, di pa daw pwede sakin ang kape eh ang tanda ko na kaya. “gisingin mo nga kuya mo dun ethiel, maaga pa klase nya mamaya” sumaludo ako bako umakyat sa itaas habang may kagat na pandesal. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok, nakita ko si kuya na walang damit pang itaas habang naka dapa sa kama nito. Nilapitan ko ito at kinuha ang unan na yakap nito atsaka hinampas na kanya ng malakas. Ayun gising agad, yan ang pinagbabawal na technique mga kababayan. “ang sakit ng likod ko gago” sabi ni kuya na naka hawak sa kanyang likod, kinuha ko ang tinapay na nasa bibig bago nag salita. “bumangon kana sabi ni mama, maaga daw pasok mo ngayon” tumingin ito sa orasan na suot at kunot nuong tumingin sakin. “putik, alas dyes klase namin, eh alas kwatro pa ngayon” ay? scam pala si mama. Bumalik ito sa pag higa at ilang segundo palang ay tulog na ito. Bumaba nalang ako para ubusin yung tinimpla kong gatas, ang lakas talaga ng trip ni mama. Ng nakababa na ay nakita ko si mama na may inosenteng mukha, naku naku maricar. “scam ka ma, alas dyes pa pala klase nila” ngumiti ito na parang di alam iyon. “alas dyes pala anak? Alas syete nadinig kong sabi niya”sabi nito at nagkibit balikat, tumawa lang ako dahil sa trip nito. Alas singko ng mag simula akong mag ayos dahil alas sais ako papasok, mas maganda yung maaga. Mag lalakad lang ako papuntang skwelahan para tipid sa pera, kakain kami nila kyla at andie mamaya sa karenderya ni aling sawi pagkatapos ng program. Habang nag lalakad ay may biglang tumabi sakin, tumingin ako dito at nakitang si crid yun. Kabute talaga ang role ng isang tu sa buhay ko, bigla bigla nalang kasing sumusulpot kung saan. “Greenery University huh” sabi nito habang nakatingin sa uniporme ko. “yep, ikaw saan ka nag aaral?” ang unfair naman kung marami siyang alam sakin pero wala akong alam sa kaniya maliban sa pagiging kabute niya. “South”maikling sabi nito, ay college na pala si manong. “college ka pa pala? akala ko may pamilya kana” biro ko, akala ko magagalit ito pero tinawanan lang ako. Ako ba kasiyahan nito? Char lang. “ im still young,lady” tumango lang ako dito, huminto ako sa isang tindahan. Kinapa ko ang bulsa at isang malas ang aking nakapa, putik wala akong dalang pera. Mangungutang nalang ako ni aling sawi mamaya, ayaw ko namang mag palibre ulit nuh. “may bibilhin ka?” tumingin ako kay crid ng mag salita ito. “sana, kaso di ko nadala pera ko taena so nevermind nalang” nag simula na akong mag lakad ng hatakin ako nito pabalik at inakbayan, putik ang bango ng gago. “ano bibilhin? Ako mag babayad” ay char, sana olls. “talaga?” tumango ito at nilabas ang pitaka niya, seryoso talaga si manong. “tao po” ngumiti ako sa tindera at sinabi ang bibilhin. “isang mogu mogu te” tumingin ako kay crid ng mas nilapit nito ang katawan ko sa kaniya, tinaasan ko ito ng kilay. “yun lang?”ay sosyal ni manong, sana oll marami yung pera. “pwede bang dagdagan?” tumango ito kaya lumaki yung ngiti ko, ang gandang umaga ngayon mwehe. “at dalawang piatos na red te” “yun lang?” tumango ako sa tindera, inilahad ko ang kamay ko kay cridd. Nilagay nito ang pitaka nito sa kamay ko, tumakbo kaya ako dala pitaka nya? Charot lang. Pag bukas ko ng pitaka niya ay nanlaki ang mga mata ko, literal. Puro tig lilibo ang laman, wala akong nakitang kahit isang daan man lang. Putik, sana olls. Binigay ko sa tindera ang isang libo, parang namroblema pa ito sa isusukli. Kinuha ko ang dalawang piatos at yung mugo mugo at hinintay ang sukli. Ibinigay ko kay cridd ang pitaka nito kaso ayaw niyang tanggapin. “sayo muna, para may rason akong makita ka ulit” bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi nito, may sakit yata ako. “kikiligin naba ako pre?” tumawa lang ito sa sinabi ko, habang ako naman ay umiwas ng tingin. “sukli mo neng” kinuha ko ang sukli at binulsa, sakin nayun. Marami naman siyang pera, kaya sakin na yun. “sakin nayun ha, kakain kami nila kyla at andie ila aling sawi mamaya”tumango ito at nag simula na mag lakad, nakaakbay ito sakin kaya nahatak ako. Nag patuloy kami sa pag lalakad, tumingin ako sa relo na nasa braso ni pareng crid. Maaga pa naman, okey lang na bagalan yung lakad. “bigat ng kamay mo pre” imbis na kunin ay mas pinabigat pa nito ang kamay na nasa balikat ko, gago ang laki kaya ng braso nito. “gago” tinawanan lang ako nito at pinagaan ang braso, inayos ko ang buhok ko na nilipad ng hangin. “wala kabang klase ngayon pare?” baka nag cutting si manong, luh. “wala, mamaya pang alas dyes” oh? Yun din sinabi ni kuya na oras. Nasa West University nag aaral si kuya, kulay blue ang uniporme nila pero di ko bet, mas gusto ko sa south kasi black and green yung uniporme. “akala ko nag cutting ka pre” ginulo nito ang buhok ko kaya nabatukan ko ito kaso tinawanan lang ako ng gago. Wala pa naman akong dalang suklay, yung kamay lang gamit kung panuklay minsan. Nang nasa gate na kami ng skwelahan ko ay nag paalam na ito, sabi niya ay susulpot na naman siya bigla sa tabi ko bukas. Nakita yata kami ng guard dahil tinanong nito kung jowa ko ba si crid, chismoso si manong. “Kumpare ko yun manong” umiling iling ito at pinapasok ako, maaga pa kaya sobrang tahimik ng scbool. Doon kami magkikita ng iba sa office ni maam agilar kaya doon ako patungo. Kumatok muna ako bago pumasok, pag bukas ko ay si maam agilar pa ang nandoon. “mabuti at maaga ka ms.sanon, nandun na sila laura sa covered court kaya pumunta kana doon” sumaludo ako kay prof bago lumabas. Tinakbo ko na ang covered court dahil malapit ng mag alas syete, mamayang alas otso dadating ang mga studyante. Maliban sa pag welcome ng may ari ng school ang ibang purpose ng program ay parangalan ang nanalo sa mga contest na ginanap last week. Yung slogan at poster contest ang mauuna tapos yung math, english, science, ap at iba pa ang susunod. Sa section namin si madeson ang nanalo sa english contest last week laban sa mga taga ibang section, siya ang may pinakamalaking score. “oh, nandito kana pala ethiel” kumaway ako kila laura ng makapasok ako sa covered court, nadoon sila nakaupo lang. “syempre, maganda araw ko ngayon mga sis may nanglibre sakin na pogi”tumawa ako pag katapos, inilagay ko sa bag ang binili namin ni cridd kanina. Mamaya ko na kainin yun, para snack. “sana oll te, sino bang pogi yan bigay mo na sakin” tinaasan ko ng kilay si karl, di ko yata nagustuhan sinabi nito. . “secret” “taray ha, may pa secret secret kana sakin ngayon bakla” umupo ako katabi nito, si karl ang pinaka close kong kaklase noong first year palang ako. “madamot si ethiel bakla, gusto nya yata yung pogi” umiling iling lang ako sa sinabi nila, kinuha ko ang isang piatos na nasa bag at binuksan. Nagutom ako bigla, yung isa nalang para snack. Tinampal ko ang kamay ni karl ng akma itong kukuha, ngumuso naman ito. Madamot ako nuh pag pag kain ang pinag uusapan. Napatingin kami sa entrance nang may marinig kaming pumalakpak, nakita namin si prof agilar kasama si dean at isang matandang lalaki. Di ko makita ang mukha nito dahil natatabunan siya ng dean, nag tungo ang mga ito sa kinaruruonan namin kaya tumayo kami para bumati. Pina una ng dean yung matanda na nasa likod nito kaya malaya kong makita ang mukha nito. “Good morning po” sabay naming sabi lahat, niyakap ko ang piatos na dala. “ Mag ayos na kayo dahil marami na ang mga studyante na dumating” tumango kami lahat, nag paalam ako dahil mag bibihis pa ako. Naka uniporme kasi ako ngayon, di kasi kami papasukin ng guard kung hindi naka uniporme at walang dalang i.d. “ tara” sabi ni laura, tumango ako at kinuha ang bag na nasa isang silya. “taralets”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD