“Good morning students and teachers, today will be the awarding of the winners last week contest” nag ingay ang mga studyante habang ang iba ay nag si palakpakan.
“But before we start, kindly stand up for lupang hinirang” nag si tayo ang lahat at inilagay sa kaliwang dibdib ang kanang kamay, ang lahat ay nakatutok sa bandila ng pilipinas. Tumugtong ang awiting lupang hinirang, nakisabay sa kanta ang lahat.
Nang matapos ang awitin ay kanilang binaba ang kanilang kamay at humarap sa harapan.
“Thankyou, lets call our dean Mr. Wilson Aforche for a welcome speech” nag sigawan ang lahat ng naka akyat na si dean sa stage, napaka hyper nila ngayon ha.
“ Good morning everyone, I’m Wilson Aforche the dean of Greenery University. First, I want to say thankyou to professor agilar who prepared the program and for the students who help her. Today, we will be awarding the students who won the contest last week, but that’s not just it. Last month the owner of this school secretary gave me a wonderful message, she announced to me that the owner of this school will be coming here” nag ingay ang lahat dahil sa mensaheng sinabi ng dean.
“So everyone, lets welcome Mr. Ashton Lavio the owner of Greenery University”mas lalong umingay ang lahat, pati ang mga professor ay nag sipalakpakan. Umakyat ang lalaking nakita namin kahapon, ngayon ay malapitan ko nang nakita ang mukha niya. Nagulat ako ng makitang magkamukha sila ng boss ni papa,kanina kasi ay naka mask ito. Kaya ba uuwi si papa next month dahil nandito ang boss niya?
Binigay ng dean ang mic kay mr.lavio, tinaggap naman ito ng matanda at kumaway sa mga studyante. Kumakandidato yata tu, nakatutok ang mga mata ng lahat kay pareng ashton, yan tawag ko sakanya noon. Si pareng stebin ang nag sabi na yun ang itawag ko kay mr. lavio at dahil masunuring bata ako noon ay ginawa ko ang sinabi niya.
“Good morning everyone, its my second time visiting here in Greenery University. The first time is when my kid is still very young, we flew here in Philippines for some reason. Just like before, this school is still neat and has a positive atmosphere. As I remember, this school is named by my grandmother’s name Greenery. My grandma is german, she married my grandpa who is a pure filipino. The two has a very lovely story, my grandpa was so inlove with my grandma so he named this school Greenery” ang lahat ay nakatutok lang kay pareng ashton, pati nadin ako.
Naging close ko din si ashton pero masasabi kong mas close kami ni stebin, sa isang taon kong namamalagi sa ibang bansa, si stebin ang naging kaisa isang kaibigan na nakilala ko. Si ashton kasi ay may masungit na mukha pero mabait naman talaga, masyado lang itong busy sa buhay kaya kung minsan ay kami nalang ni stebin ang nag lalaro. Kahit na mas matanda ang mga ito sakin ay ayaw nilang tinatawag ko silang kuya o tito. Feeling bata din ang mga matatandang yun, mga nasa twenties yata sila ng magkakilala kami.
Satingin ko ay di nila ako maalala pag mag kita kami uli, seven pa ako nun tapos ngayon seventeen na so bali ten years na ang nakalipas. Maliban nalang kong mataas memorya nila, ede sana oll.
“Thankyou”napabalik ako sa realidad ng nag palakpakan ang mga tao, yarn tulala pa more.
Lumapit ako kay ashton para hingin yung mic, nang mag tagpo ang mata namin ay parang natigilan ito saglit. Ngumiti ako at inilahad ang kamay, binigay naman nito ang mic sakin.
“thankyou for that wonderful speech Mr.Ashton Lavio” char, di talaga ako nakinig kanina.
======================
Bago nag simula ang awarding ay may mga sumayaw at kumanta pa, meron ding tumula kanina na pumiyok. Napatampal nalang ako sa noo ng makilala kung sino iyon, si Berni yung baklang president namin noong first year na mapang asar. Siya yung nasapak ko last year, bad mood kasi ako nun tapos mas lalo akong na bad mood ng makita ko siyang pinagtritripan si kyla. Mahiyaing tao si kyla kaya ng makita ko itong malapit ng umiyak dahil sa pantritrip ng bakla, ayon sumabog ako. Bagsak sa clinic ang gago, dumugo kasi yung ilong.
Nag kaayos naman kami agad dahil humingi ito ng pasensya kay kyla, buti naman. Nang malaman ni mama yung ginawa ko ay akala ko papagalitan ako nito, pero naging proud pa ito sa ginawa ko abnormal lang. Si kuya naman ay walang reaction, ginulo lang nito ang buhok ko. Si papa, well hindi sinabi ni mama at kuya ang nangyari kaya nakahinga ako ng maluwag. Baka umuwi yun dito at pangaralan ako, naku wag na.
Alas kwatro ng hapon natapos ang program, nag si uwi na ang ibang mga studyante habang ang iba naman ay tumulong sa pagliligpit. Tumulong ako sa pag bubuhat ng mga silya habang sila kyla at andie naman ay nag wawalis. Sila laura ay nagtatanggal ng mga decoration sa stage, gagamitin ng basketball team ang covered court bukas kaya dapat maglinis.
Pumalakpak ako ng makitang tapos na kaming lahat sa pag lilinis, putik nakakapagod. Gusto ko nang kumain, kanina pa ako gutom.
“ girl, tara ila aling sawi by the way galing mong mag emcee kanina ha!” ako pa? char.
“agree, galing mong magpa kaba ng mga studyante kanina sa tuwing sasabihin mo yung panalo” sabi ni kyla, tinatagalan ko kasing sabihin ang pangalan para intense.
“syempre para naman int—”
“ms.sanon” hindi ko natapos ang sasabihin ng may tumawag sakin, lumingon kaming tatlo at nakitang si prof agilar ang tumawag sakin.
“bakit po prof?” lumapit kami sa kinaroroonan nito.
“pinapatawag ka ng dean” baka bigyan ako ng cash dahil magaling ako mag emcee kanina, char.
“sige prof”
Nag tungo kami tatlo sa office ng dean, hindi naman yun malayo sa covered court kaya nakarating kami agad. Kumatok muna ako bago kami pumasok, ayaw sana pumasok ng dalawa pero pinilit ko.
“good afternoon po dean at mr.lavio”sabay naming bati tatlo, hindi na ako nagulat ng makita si mr. lavio. Narinig ko kasi sa mga professor kanina na hindi pa ito umuuwi, nakipag chikahan pa kay dean.
“umupo muna kayong tatlo” tumango kami at umupo sa isang couch, kaharap ko ngayon si ashton.
“how are you bata” ngumiti ako ng malaman na naalala pa ako nito.
“ito, maganda parin tanda” napasinghap ang dalawa kasama si dean dahil sa sinabi ko.
“ms.sanon that was ver—” natigil sa pag sasalita ang dean ng tumawa ng malakas si ashton.
“hindi ka parin nag babago bata, napaka sinungaling mo parin”tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, so panget ako ganern?
“luh, maganda kaya ako” sabi ko sabay flip ng hair, self love putik.
“sobrang hangin, by the way sinabi naba sayo ng papa mo na pinapauwi ko siya dito next month” nag thumbs up ako dito.
“si kuya sinabihan niya, nag tatampo nga si mama”tumawa ito sa sinabi ko, happi siya?
“ehem, ah so you know ms.sanon sir lavio?” tumango si ashton dito, halata naman diba.
“yes, sakin nag tatrabaho ang papa niya” tumango lamang ito sa sinabi ko.
“pwede naba kaming umexit dean, nagugutom kasi kami” nagiging makapal talaga ang mukha ko pag gutom.
Napatingin kaming lahat kay andie ng biglang tumunog ang tyan nito, oh diba gutom na talaga. Tumawa ng malakas ang dalawang matanda, sana oll masaya.
“sige, you may go now”nag paalam muna kami sa dalawa bago lumabas.
Nang masirado ko na ang pinto ng office ay nag simula kaming tumakbo, gutom na kami mami.
“gago, nakakahiya yun”sabi ni andie habang tumatakbo, tinawanan lang namin siya ni kyla.
“bilis, gutom na gutom na ako” mas binilisan namin ang takbo.
Nang makalabas ng gate ay sumakay kami ng traysikel, nakakagutom pala lalo pag nag lalakad. Habang nakasakay sa traysikel ay kinapa ko ang bulsa ko, nandoon kasi ang sukli kanina sa pera ni crid. Yung pitaka naman niya ay nasa bag ko, baka mawala.
Binunot ko ang perang papel na nasa bulsa, isang five hundred, apat na one hundred at mga barya ang nakuha ko.
“dami mong pera ngayon te ha”sabi ni andie na nakayakap sa bag niya.
“ ninakaw mo yan beh?”binatukan ko si kyla dahil sa sinabi nito, masyado akong maganda para mag nakaw.
“gago hindi, may nag bigay lang” tumaas ang isang kilay ni andie, mag sasalita na sana ito ng huminto ang traysikel.
Bumaba na kami ng makitang nasa tapat na kami ng karenderya ni aling sawi, agad naming binigay sa driver ang pamasahe namin.
“magandang hapon aling sawi” bati ko dito pagkapasok, marami ang mga tao na kumakain pero hindi masyadong maingay ang paligid.
“sa mukha nyo palang ay alam kong gutom kayo, oh ito papipilian” tinanggap namin ang papel na may nakasulat na mga tinda nito.
“tawagin niyo lang si aya kung nakapili na kayo” nag ok sign lang kami dito.
Umalis ito para asikasuhin ang iba, tatlong papel ang binigay nito kanina kaya tig iisa kaming tatlo. Putik, ang mahal ng adobo buti malaki sukli ng pera ni crid kanina. Mamburaot kaya ako sa kanya parati? Tapos iipunin ko lahat ng naburaot ko. Sigurado akong makakabili ako ng maraming libro nun, ayt wag nalang pala baka sabihin nila mama may sugar daddy ako.
“adobo at fried chicken sakin tapos dalawang rice” sana oll, ang mahal kaya ng fried chicken tapos may adobo pa. Well, mayaman naman sila kaya sana oll ulit.
“adobo din sakin at dalawang rice, tapos bili din tayo softdrinks” sabi ni andie.
Tinawag namin si ate aya para mag order, lumapit naman ito habang may dalang papel at ballpen.
“ano sa inyo?” sabi nito ng makalapit sa lamesa namin.
“dalawang order ng adobo, dalawang order din ng fried chicken at anim na rice atsaka pepsi tatlo” nilista naman nito ang sinabi ko.
“magkano lahat?” nag silabasan kami ng pitaka, char wala pala akong pitaka.
“two hundred fifteen lahat” ang laki, two weeks na baon ko na yan.
“seventy two samin ni kyla tapos seventy one sayo para sakto two hundred fifteen lahat” swerte ko naman, char.
“bet ko yarn” kumuha ako ng one hundred sa bulsa,hindi kasi abot yung barya.
“hindi umabot yung barya, one hundred lang dito” binigay ko kay kyla ang one hundred.
“mamaya ko nalang ibigay ang bente nwebe mo”nag ok sign lang ako rito.
Pagkatapos namin mag bayad ay agad inasikaso ni ate aya ang order namin, habang nag hihintay ay nag chikahan muna kami.
“te, di mo sinabi na mag kakilala
pala kayo ng may ari ng skwelahan natin”
“boss siya ni papa atsaka diba pumunta ako sa trabaho ni papa nun, doon kami naging close” tumango ang dalawa.
“may anak ba yun te? Sure ako na gwapo pag meron”
“agree, kahit matanda na si mr. lavio ay gwapo parin ito kaya sure akong sobrang gwapo ng anak nito” nag kibit balikat lang ako, hindi ko kasi alam kung may anak ba ito.
Nag patuloy kami sa chikahan hanggang sa dumating na ang order namin, habang inaayos nila ang lamesa ay pumunta ako sa ref at kumuha ng tatlong pepsi. Dumadami ang mga tao kaya ako nalang ang kumuha, dalawa lang sila ni aling sawi dito kaya sobrang busy nila.
“kumuha na ako ng tatlong pepsi te” nag ok sign ito at pumunta sa isang lamesa.
Nag simula na kaming kumain tatlo, grabe nakakagutom ang ginawa namin kanina. Kami ang nag ayos sa program tapos kami din ang nag ligpit, abah ang swerte naman ng iba.
“hinayhinay lang mga bata baka mabilaukan kayo” sabi ni aling sawi habang may suot pang apron.
Linunok ko muna ang pagkain na nasa bibig bago nag salita.
“Napagod kami kanina aling sawi, ang kapal kasi ng mukha ng ibang studyante doon. Pag katapos ng program ay nag si uwi agad, di man lang tumulong sa pag liligpit” sumbong ko dito.
“so kayo ang nag linis?” tumango kami tatlo.
“oo, kasama ang mga ssg officers”
“ang bait ha, wag kayong mag alala. May ginawa akong mangofloat kanina bibigyan ko kayo” pumalakpak ang tenga ko sa sinabi nito.
“ay bet”sabay naming sabi tatlo kaya nag tinginan kami at sabay na natawa.
May bagong dumating na costumer kaya umalis ito, kami naman ay nag patuloy sa pagkain.
“tapos na ako”sabi ni andie habang hawak ang tyan.
“ako din” sabi ko, si kyla nalang ang wala pa.
“hintayin nyo ko” sabi nito, gagi hindi naman kami tatakbo.
“yung manggofloat hihintayin namin”sinamaan ng tingin ni kyla si andie kaya napatawa ako.
Saktong tapos na kumain si kayla nang dumating si aling sawi na may dala ngang manggofloat.
“akala ko scam yun aling sawi” umiling iling lang ito.
“ubusin nyo yan, minsan lang ako manglilibre” agree, once a year lang.
Ang sarap talaga ng manggofloat, lalo na pag libre.
“masarap nay, pabili nga isang karton”birong sabi ko kaya binatukan ako nito, sadista.
“wala kaming isang karton, pero may isang tupperware ng manggofloat kami dito”
“ebebenta sana ni aling sawi kay rosya kaso nabalitaan niya na gumawa din pala yung babaita ng manggofloat”singit ni ate aya sa usapan, wala ng masyadong tao kaya nakipag chikahan na itong dalawa samin.
“magkano benta mo te?”tanong ko kay aling sawi na nakaupo na sa isang silya, napagod yata kakatayo.
“one hundred” mahal, kaso gusto kong padalhan sila mama.
“bilhin ko te” tumaas ang kilay nito.
“dami mo yatang pera ngayon ethiel, may nahanap kanang sugar daddy” tumawa sila kyla sa sinabi ni aling sawi.
“gagi, hindi no”nag kibit balikat ito at hindi na nag tanong.
“kukunin ko lang mamaya te kapag paalis na kami, tatambay muna kami dito”nag ok sign ito, tamad mag salita.
“balik muna ako sa kusina, manghuhugas pa ako. Aya, punasan mo muna yung mga lamesa at kayong tatlo naman ay mag pahinga muna diyan” tumango kaming apat.
Umalis na si ate aya para mag punas, kami naman ay iniligpit ang pinagkainan. Pagkatapos naming magligpit ay tinulungan din namin si ate na mag punas, aayaw sana ito kaso sinabi naming naboboring kami kaya pumayag din ito.
Alas syete ng mapag desisyonan naming umuwi na, pumunta muna ako sa kusina para kunin ang manggofloat at mag bayad pagkatapos ay sabay kaming lumabas tatlo. Tinawagan nila kyla ang sundo nila, hinintay ko munang dumating sundo nila bago ako umuwi.
Nag paalam ang dalawa sakin ng dumating na ang sundo nila, sana oll diba may sundo. Kumaway sila sakin sa bintana ng kotse kaya kumaway din ako. Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ay nag simula akong maglakad, napatingala ako sa langit ng makitang dumidilim na.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa habang naglalakad pero binalik ko din iyon dahil baka may biglang humablot. Nakakatamad kayang habulin ang humablot atsaka hindi ako pwedeng tumakbo kasi busog pa ako.
May naramdaman akong presensya na nakasunod sakin kaya binagalan ko ang lakad ko. Nang maramdamang papalapit ito sakin ay naging alerto ako, sana naman walang dalang kutsilyo. Ayaw ko pang ma deads, marami pa akong gustong gawin atsaka hindi pa ako nagkakajowa.
Nang parang aakbayan ako nito ay tumalikod ako para suntukin ito, kaso tumigil ang kamao ko sa ere ng makita kung sino ang taong aakbay sana sakin. Walang emosyon itong nakatingin sa kamao kung ilang dangkal nalang ang layo sa mukha nito.
“oh, ikaw pala pare” binaba ko nag kamay at nakapamulsang hinarap ito.
“yeah, bat naglalakad kang mag isa?” nakakunot ang nuo nito habang nakatingin sakin.
“ lonely aketch, ganern” umiling iling lang ito sa sinabi ko.
Mag sasalita na sana ito ng hawakan ko ang gilid ng labi nito, may sugat kasi doon.
“napaaway ka?” hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kunting galit habang nakatingin sa sugat nito.
“yeah” sabi nito bago umiwas ng tingin, kinuha ko ang kamay ko at nag patuloy sa paglalakad.
Sumabay ito at inakbayan ako, putik ang bigat talaga ng braso.
“bat nagabihan ka? yung pinsan ko na nag aaral sa skwelahan nyo ay maagang nauwi kanina” lumingon ako dito ng bigla itong mag salita.
“ tumulong ako sa pagliligpit at may date ako kanina” pwede namang tawaging date nuh kahit tatlo lang, ma search nga mamaya.
Tinanggal nito ang braso na nakaakbay sakin kaya napahinto ako sa paglalakad.
“uuwi na ako”sabi nito ng walang emosyon ang mukha at umalis.
Anong nangyari don? Nag kibit balikat nalang ako at nag patuloy sa paglalakad. Tumigil ako saglit para kunin ang hindi naubos na mogu mogu kanina sa bag pagkatapos ay nag lakad ulit.
Malapit na ako sa amin ng may maaninag akong tao sa labas ng munting gate namin, ng humarap ito ay nakita kong si kuya iyon. Nakita ako nito kaya kumaway ako.
Nang makalapit dito ay nakataas ng isang kilay na tumingin ito sakin, parang bakla talaga.
“bakit?” tanong ko, para kasing naiinis ito.
“bat ngayon kalang? Malapit ng mag alas otso”sabi nito habang nakatingin sa relo na nasa kamay.
“kumain pa kami nila kyla ila aling sawi”tumango ito bago pumasok sa gate, sumunod naman ako rito.
“so, tapos kanang maghapunan” malamang.
“oo”
“sana oll” tumawa ako sa sinabi nito, nag tatampo yata ang kurimaw.
Nang makapasok sa bahay ay nakita ko si mama na nanonood ng tv habang nakadekwatro. Sosyal ni madam, dumiretso ako sa kusina para ilagay ang manggofloat.
“ano yan” nasa tapat na ako ng ref habang bitbit ang tupperware na may laman na manggofloat ng mag salita si kuya.
Nilingon ko ito, at ipinakita ang tupperware.
“manggofloat, binili ko kay aling sawi” humarap ako ulit sa ref at inilagay sa loob nito.
“ inubos mo pera mo?” sinarado ko ang ref bago humarap kay kuya.
“wala, di ko nga nadala pera ko eh” umiling iling ito at di na nag tanong.
Alas onse na ng gabi pero di parin ako inaantok, putik buti nalang alas dyes klase namin bukas. Nagtataka parin ako kung bakit parang nawala sa mood si pareng crid kanina, tanongin ko nalang siya sa susunod. Ay, nasa akin pa pala pitaka niya.
Bumangon ako at kinuha ang bag na nasa paanan, binuksan ko ito at kinuha ang pitaka. Buti di nawala, wala pa naman akong ganito kalaking pera baka buhay ko yung singilin.
“ ang dami talagang laman” bulong ko sa sarili, normal lang naman sigurong mag salita mag isa.
May nakita pa akong limang atm card, putik sana oll. Malaki na nga sakin ang one hundred, ito pa kayang tig lilibo. Noong bata nga ako kapag binibigyan ako ng isang libo ay umiiyak ako kasi mas gusto ko yung isang daan, napaka bobo ko talaga noon.
Ibinalik ko sa bag ang pitaka atsaka humiga ulit, gusto ko nang matulog haystt.