Chapter 5

3326 Words
“inaantok ako” sabi ko at humiga sa couch, ang lambot. “nope, mamaya kana matulog turuan muna ako nito” pangungulit ni crid sakin, bakit ba ako pumayag na maging tutor nito. Wala akong magawa kundi bumangon at umupo sa sahig, binuklat nito ang science book at kumuha ng papel. Sinimulan ko nang turuan ito, pang collage ang mga topic kaso alam ko na iyon lahat. Ang mga libro kasi ni kuya noong first year collage pa niya ay binigay niya sakin at binasa ko yun lahat. Last week, bigla nalang akong hinablot ni crid ng pauwi na ako galing skwelahan. Buti di ko kasama sila kyla nun, baka mag report iyon sa pulis lalo na at mukhang kidnapper ang pormahan ni pareng crid nun. Naka jacket ito kahit sobrang init at nakasuot ng cap kaya hindi makita ang mukha niya. Dinala ako ng kurimaw sa isang café at nagpasama mag aral dahil may exam daw sila. Matutulog lang sana ako ng ma curious ako sa binabasa nito, para kasing problemado ang gago. Nagkakamot kasi ng ulo habang nag babasa, kaya sinubukan kong basahin ang binabasa nito. Nang malaman niya na may alam ako sa pinag aaralan niya ay namangha ito pagkatapos ay nakiusap siya sakin na I tutor ko daw siya. Naisip ko na hindi naman ako masyadong busy kaya pumayag ako kaso ngayon ay nag sisisi na ako. Fast learner naman si crid kaso napaka reklamador, ang sarap itapon sa Bermuda Triangle. Simula noon ay pumupunta na ako dito sa condo niya kapag may vacant ako para I tutor siya. “e highlight mo lang yung mga words na importante at yun ang tandaan mo” sabi ko bago humikab. Inaantok talaga ako, sumandal ako sa balikat nito habang nag hahighlight ito ng mga salita. Inakbay naman nito ang braso sakin, gusto ko nang matulog. ====== Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising lang ako na nakahiga sa couch habang nakaunan sa binti ni crid. Tumingin ako sa labas at nakitang hindi pa naman madilim kaya nakahinga ako ng maluwag. “anong oras na?” tanong ko kay crid na abala sa pag babasa, ang gwapo nito sa suot na anti rad. “three” ah maaga pa pala, akala ko alas singko na. “ di ako nakatulog kagabi kaya sobrang inaantok ako kanina” tumingin ito sa akin bago hapitin ang bewang ko at inilapit ang katawan ko sakanya. “I’m sorry if I didn’t let you sleep a while ago” “ok lang, nakatulog din naman ako” tumitig ito sakin, putik baka may muta ako ha. “ you want to eat something?” ng magtanong ito ay saktong umingay ang tiyan ko. “sinagot ka na ng tiyan ko”tumawa ito ng malakas dahil sa sinabi ko. Pumunta kaming kusina para mag luto, I mean siya lang pala. Umupo lang ako sa isang silya na maatas at pinanood ito, hindi ko pa alam lulutoin nito pero ma clue na ako. “ano lulutoin mo?” tumingin ito sakin habang nag susuot ng apron, gagi may design pang spiderman. “chiken curry” sana oll, mali pala hula ko. “sana oll” tumingin ito sakin at ngumisi, putik ang gwapo mo lods pwede kabang jowain? Habang busy ito sa pagluluto, busy naman ako kakatitig sa kanya. Buti di siya naiilang sa titig ko, tumingin ako sa ref ng makaramdam ng uhaw. Tumayo ako at pumunta sa harapan ng ref, binuksan ko ito at napaawang ang labi dahil puno iyon, sana oll ulit. Kumuha ako ng isang bottled water, wala siyang pitsel mare. Sinarado ko ang ref at bumalik sa dating inuupuan. Ilang minuto din ay natapos na ito sa pag luluto, sawakas. May kanin naman kaya di na kailngang mag saing. “hand me the bowl please” tumayo ako at kinuha ang mangkok, pagkatapos ay binigay sa kanya. Inilagay nito ang chicken curry sa mangkok kaya kumuha ako ng dalawang plato at nilagyan ng kanin. Pagkatapos nun ay inilagay ko ang dalawang plato sa lamesa, si crid naman ay dahan dahng inilagay ang bowl na may chicken curry sa gitna. “lets eat” umupo ako sa isang silya habang siya naman ay sa katapat ko. Inilagay ko sa gilid ng lamesa ang aking cellphone. Nag simula kaming kumain habang nag chichikahan, ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napa tingin dalawa ni crid doon, si kuya ang tumatawag. Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag habang kumakain parin, si crid naman ay tumigil sa pagkain at tumingin lang sakin. “Bakit?” hindi uso sakin ang hello, ganyan talaga pag maganda, charot. ‘asan ka?’ “Nasa condo ni crid” nakita kong kinagat ni crid ang pang ibabang labi nito, ang hot putik. ‘ah, yung nagpapa tutor sayo?’ “oo” kinuha ko ang bottled water na kinuha ko kanina at uminom doon. ‘anong oras ka uuwi?’ “mga 5, ikaw nasaan ka?” tumaas ang isang kilay ni crid kaya tinaasan ko din siya ng kilay, dalawa nga lang sakin. ‘nasa bahay ng kaklase ko, walang tao sa bahay kaya umuwi ka ng maaga’ “okie, sige bye na kumakain pa ako” ‘sige’ In end nito ang tawag kaya inilagay ko sa lamesa ang cellphone at tumingin kay crid na nakatingin parin sa akin. “sino yun?” “kuya ko, pinapauwi ako ng maaga kasi walang tao sa bahay” tumango ito sa sinabi ko. “so your brother know me?” lumunok muna ako bago sagutin ito, mahirap na baka mabulonan. “oo, nakita nya kasi tayo nun sa café kaya ng makauwi ako ay tinanong niya kung sino ka daw” may maliit ng ngiti sa labi nito, saya siya? “marunong kabang mag sinungaling? ” tumaas ang kilay ko dahil sa biglang tanong nito. “hindi, noong bata pa kami ni kuya ay sinabihan kami ni papa na never mag sinungaling kaya nasanay na din kaming sabihin yung totoo pag tinatanong kami” tumango tango ito. “so, can I ask you something?” tumango ako bilang sagot, ngumunguya pa kasi ako. “ may nagugustohan kaba ngayon” lumunok muna ako bago nag salita. “ meron” tumango tango ito at uminom sa bottled water na kinuha ko kanina, indirect kiss ackk. “ikaw” tumingin ito sakin bago binaba ang bottled water. “me? meron din” huh? mali yata pag kakaintindi niya. Nakaramdam ako ng lungkot sa sagot nito sakin pero binalewala ko nalang iyon. “sana oll” umiling iling ito. Alas singko ng hapon ng maka uwi ako samin, tahimik ang bahay at madilim. Mamaya pang alas syete uuwi si mama at si kuya naman ay mukhang doon matutulog sa bahay ng kaklase nya. Ni lock ko ang pinto bago umakyat sa taas, pumasok ako sa kwarto ko para mag bihis at bumaba pag katapos para mag saing. Ano bang magandang lutoin para haponan? may karne at isda pa naman sa ref. Habang nag iisip ay may biglang mag text sakin, si mama. Sabi nito ay siya lang ang mag dadala ng ulam, mabuti naman. Nang maluto na ang kanin ay tumambay lang ako sa sala habang nag hihintay kay mama. Mamaya ay dadating nadin iyon, malapit na kasing mag alas syete. “ETHIEL” napabalikwas ako ng marinig ang tawag ni mama, nakatulog pala ako sa couch kanina. Tinungo ko ang pintoan at binuksan iyon, ni lock ko pala kanina. Bumungad sa akin si mama na nakataas ang kilay habang may bitbit na plastic. “kanina pa kita tinatawag” napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi nito. “nakatulog ako kakahintay sayo maricar”binatukan ako nito bago pumasok, mashakit. “ wala pa ang kuya mo?” sabi nito at nilagay ang dalang plastic na hawak sa lamesa. “wala, mukhang doon yun matutulog sa bahay ng kaklase nya” binuksan ko ang plastic na dala nito at nakitang ulam ang laman. “ahh, ay oo nga pala anak” tumingin ako dito. “sinabi ng kuya mo kanina na galing ka sa condo ni crid kanina” tumango ako bilang sagot dito, kilala niya din si crid chismosa kasi si mama. “ gwapo ba yun anak?” curious na tanong nito, lumapit pa ito sakin. “sobrang gwapo ma, kaso may nagugustohan na daw siya” ngumuso ako ng maalala ang sinabi sakin ni cridd kanina, sayang. “ay sayang anak, akala ko magkaka jowa kana para di kana asarin ng pinsan mo na isa kang tibo” lumukot ang mukha ko, hindi naman ako naasar sa kanila pero nakakarindi lang minsan. Pa ulit ulit kasi nilang sinasabi na tibo daw ako, di naman yun totoo. “hindi naman ako tibo, crush ko nga si crid eh” tumango ito, sumasang ayon sa sinabi ko. “tanongin mo nalang si crid kung may kaibigan siyang gwapo katulad niya, baka maipasa yang pagka crush mo sakanya sa kaibigan niya” ganon ba yun? Di ko alam. “sige ma, bukas ko tatanongin” nag thumbs up ito sakin. Pagkatapos naming kumain ay nag laro muna kami ng chess ni mama bago matulog, magaling si mama mag laro kaya seryoso ang laban namin kanina. Nang matapos kami sa laro ay umakyat na kami para matulog, ako ang panalo syempre. Noong mga bata pa kami ni kuya, parating kinekwento saamin ni tito ang pagiging siga ni mama noong highschool palang siya. Takot daw ang mga studyante sa skwelahan nila mama sakanya noon dahil parati daw itong nasasama sa mga gulo, hindi din siya ma expel dahil siya parati ang pambato ng school sa mga contest. Sabi pa ni tito na nag bago daw si mama simula nang makilala niya si papa, sana oll. Minsan nalang daw nasasama sa gulo si mama dahil parati itong sumasama kay papa na mag aral. Maraming nangyari noong highschool palang sila mama, yung ibang kwento ni tito ay nakalimotan ko na. Matagal na kasi noong kinwento yun samin, bata palang kami atsaka hindi matalas ang memorya ko. =============== Maaga akong nagising dahil sa ingay ni kuya, ang kurimaw ang aga magpa music. “tarantado ka kuya, ang aga pa” sabi ko nang makababa habang nag tatangal pa ng muta. “magandang umaga bunso” sabi nito atsaka ngumiti, jusko mukhang maganda ang mood nito. “maganda yata mood mo ngayon kuya, pahenge nga bente” Umawang ang labi ko ng dumukot ito ng pera sa bulsa at ibinigay sakin, nakakagulat mga kabayan. “MAMAAA” sigaw ko habang naglalakad papuntang kusina. “oh?” sabi nito habang nangangape, hindi man lang ako tinignan. “anong nangyari kay kuya? Bakit maganda mood nun?” tumingin ito sa akin at tiniklop ang diyaryong binabasa. “sinagot na daw siya ni gisha” sino yun? “sinong gisha?” nag kibit balikat ito kaya bumalik ako sa sala para makichismis kay kuya. Nang makarating sa sala ay nandoon si kuya kumakanta, jusko yan ba ang epekto ng isang gisha? “kuya, itigil mo yan baka umulan” sinamaan ako nito ng tingin at nag patuloy sa pagkanta. “by the way kuya, chika ka naman kung sino si gisha nayan” tumingin ito sakin bago umupo, umupo din ako sa isang couch. “nililigawan ko last month tapos sinagot ako kahapon” sabi nito na nakangiti, sana oll. “bat di mo sinabi sakin na may nililigawan kana” tumingin ito sakin at tinaasan ako ng isang kilay. “di kanaman nag tanong” oo nga naman. “tama ka naman, pero kaklase mo yang si gisha?” umiling ito. “schoolmate” ahh. “eh so si gisha yung tinext mo noon na ‘magagalit ba si mader earth kung gagawin kitang mundo’” namula ang mukha nito kaya napatawa ako. “tinuro sakin yun ng isa sa tropa ko” mga kakornihan pala tinuturo nila dito. “ang daming kakornihan, so sino mas maganda samin ni gisha kuya” sabi ko atsaka nag pogi pose. “ikaw, kasi magkamukha daw tayo sabi nila kaya kung sasabihin kong panget ka eh pangit din ako kung ganon” “tama, ikaw daw kasi ang boy version ni ethiel sabi nila” pagsingit ni mama sa usapan, nakahanda na ito papuntang trabaho. “baka kambal talaga kami ma” sabi ko at umakbay kay kuya. “baka nga” pagsasang ayon ni kuya sa sinabi ko. Napatampal nalang ng noo si mama atsaka nag paalam na aalis na, alas syete na pala. Pagkaalis ni mama ay pumunta na ako sa taas para matulog ulit. Linggo ngayon kaya walang klase syempre, napakasarap sa pakiramdam. Pipikit na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, putik. Nagdadabog na tumayo ako at nag lakad sa lamesa at kinuha ang cellphone doon. “bakit?” hindi ko na tinignan kung sino tumawag, bumalik ako sa kama at humiga ulit. ‘where are you?” Boses palang ay alam ko na kung sino, ang aga mambulabog ng gago. “nasa bahay” sagot ko dito habang nakapikit. ‘pupunta ako jan mamaya’ “sige, dala ka banana cue pre” sabi ko sabay end ng tawag at natulog. =============== Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin, minulat ko ang mata at nakita si crid na sobrang lapit ang mukha. “bakit?” inilayo nito ang mukha sakin at tumayo. “a-ah your kuya told me to wake you up” sabi nito na naka pamulsa. Bumangon ako at umalis sa kama, inayos ko muna ang hinigaan. Kumapit ako sa braso ni crid at hinatak siya papuntang baba. Hahakbang na sana kami pababa ng may nakalimutan ako. “bakit?” tanong ni crid ng humunti ako. “di ba halata” kumunot ang noo nito. “what?” tumingin ako sa dibdib ko kaya napatingin siya doon, agad naman siyang umiwas habang namumula. “wtf?” sabi nito habang nakaiwas ng tingin, lumayo ito sa akin at tinulak ako nito pabalik sa kwarto ko. “namumula tenga mo pre” asar ko dito pero sinamaan lang ako ng tingin kaya tumawa ako ng malakas. Pumasok ako ulit sa kwarto at nag suot ng bra, hindi naman kasi ako nag babra kapag nasa bahay ang uncomfortable kaya. Tuwing lalabas lang talaga ako nag susuot, minsan ay hindi kapag malapit lang na tindahan. Tinatakpan ko lang gamit buhok ko, kaya okey lang. “tapos na” sabi ko ng makalabas, tumango ito at naunang maglakad pababa. Nang makababa ay nakita ko si kuya sa sala na nanonood ng tv habang kumakain ng banana cue. Putik, sakin yun ha. “huwag mong ubusin kuya” tumingin ito sakin. Tumingin ito sa banana cue na hawak at tumingin ulit sa akin at nag thumbs up. “ mag agahan kana unggoy” nag ok sign ako at hinatak si crid sa kusina. “nag agahan kana? ” tumango ito at umupo sa isang silya. Sumandok ako ng kanin sa rice cooker at pumunta sa lamesa. Umupo ako sa gilid nito at binuksan ang ulam na may takip at nakitang hotdog at itlog ang ulam. “ipagtimpla mo nga ako” natawa ako ng sumunod ito sa sinabi ko. “gatas ha” tumingin ito sakin at nag ok sign. “nakakaliit daw kasi ng s**o ang kape” tumawa ako ng malakas ng umubo ito, nabilaukan yata sa sariling laway. “kaya pala malaki yang sayo” mas lalo akong natawa dahil sa sinabi nito, namumula ang mukha ng gago. Nang matapos ako sa pag kain ay umakyat ako sa taas para ma ligo, si crid naman ay nasa sala nanonood sila dalawa ni kuya ng nba. Nang matapos maligo at magbihis ay bumaba ako para kainin yung banana cue na dala ni crid. Pagkababa ko ay akala ko nanonood pa ang dalawa, nag lalaro na pala sila ng chess. Tumabi ako kay crid na seryoso na nag lalaro, kumuha ako ng banana cue at pinanood sila. “checkmate” sabi ni kuya, hindi na nakakagulat. “you’re so good at playing chess bro, hindi ko alam na ikaw pala yung nag champion sa school noon kaya pala sikat ka sa school” sana oll sikat. “ may kilala akong mas magaling sakin” hindi makapaniwala ang mukha ni crid, oa naman ng baklang itow. “really? siya ba ang nag turo sayo mag chess” hangin yata ako dito,di man lang ako pinapansin. “yep” tumango si crid. “mag kakilala ba kayo?” sabay na tumingin sakin ang dalawa, ngayon lang yata ako napansin. “yeah, but we’re not close” sabi ni kuya, napapa english nadin ito. “your brother and i are part of the school officers” sabi ni crid, tumango lang ako. Nag laro sila ulit ng chess habang ako ay nanonood lang, ng matapos ako kumain ay kinuha ko yung baraha sa taas. Hinintay ko silang matapos sa pag lalaro bago ko sila niyaya mag baraha. Ala una nang matapos kami mag laro at sakto din na dumating na si mama. Galing kasi ito kila tita, nag bonding ang dalawa. “oh, ito ba si crid anak?”tanong ni mama sakin, nag mano si crid kay mama. “yep, gwapo diba” nag thums up si mama sakin habang tumango. Si crid naman ay parang nahiya, umupo si mama katabi ko habang si kuya at crid naman ay mag katabi din. “iho, may kaibigan kabang kasing gwapo mo” ay oo nga pala, yung plano namin ni mama. “meron po pero ako ang pinaka gwapo, bakit po pala” napaka honest, bet ko yarn. “ipakilala mo naman dito sa anak ko, para naman magka jowa na ito”nangunot ang noo ni crid sa sinabi ni mama, tumayo ito pero umupo rin ulit. “a-ako nalang tita” tumaas ang kilay naming dalawa ni mama, si kuya din ay napatingin dito. “I-I mean, ako nalang po piliin nyo maging jowa ng anak nyo” sabi nito at yumuko, nagkatinginan kami ni mama. “eh? sabi ni ethiel may nagugustuhan ka na daw eh” tumingin si crid sakin, tumango ako bilang sang ayon sa sinabi ni mama. Sinabi niya naman talaga yun, kahapon. “siya p-po tinutukoy ko nun”kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang ngiti, eke fele yen char. Napalayo ako kay mama ng kurutin ako nito sa gilid, si crid ay ay namumulang umiwas ng tingin. “ay ganern ba? Sana oll kina crushback” napatampal ako sa noo dahil sa sinabi ni mama. ============= Hapon na ng umuwi si crid, wala naman siyang ginawa dito buong mag hapon kundi tumambay. Bukod din sa tumambay ay nakipag laro ito kay mama, tinuruan siya ni mader kung paano gumaling sa chess. Si mama ang una kung inaya makipag laro ng chess ng maka uwi ako dito sa pinas noon. Nagulat nga ito nung una pero pumayag din. Namangha ito sakin ng matalo ko ito, wala pa daw kasing nakakatalo sa kaniya noon palang. Tinanong niya ako kung sino ang nag turo sakin, syempre sinabi ko na si pareng stebin. “matulog na kayo” sabi ni mama sa amin ni kuya na nanonood ng movie. “mamaya ma, pagkatapos nito” nag thumbs up ito samin at humihikab na umakyat. Umabot kami ng alas onse kakanood, pagkatapos kasi ng isang movie ay nanood kami ng iba kasi di pa kami inaantok. Na una na akong umakyat kay kuya dahil maaga pa ako bukas, inaantok na din ako. Pagkapasok sa kwarto ay agad akong humiga sa kama, ang sarap matulog. Alas syete klase namin bukas tapos may PE pa, iniisip ko palang na marami kaming gagawin bukas ay tinatamad na ako. Ilang minuto ang nakalipas ay di ko namalayang nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD