Years later “MARIA Rosenda Margarita Montevidez! Are you going to behave or shall I s***k you na?” banta ni Margarette sa anak niya na kanina pa nagmamaktol sa loob ng condominium unit nila. Lukot ang magandang mukha nito habang padabog na umupo sa sofa. Humalukipkip ito. Usling-usli ang mga labi nito at salubong na salubong ang mga kilay nito. But she still looked so adorable. “Don’t call me by my full name. I hate you, Mom!” naiinis na sabi nito. “You don’t have the right to talk to your mother like that, young lady,” sabi ni Jay sa anak niya na naglalabas na ng kung ano-ano mula sa kahon. “Hmp!” sabi ng anak niya. Nakasimangot pa rin ito. Napailing-iling siya habang nakatingin dito. Minsan daw, kailangang hindi pansinin ang isang bata kapag nagmamaktol ito para malaman nito na hin

