HINDI nagtagal sa munisipyo si Margarette dahil hindi siya mapakali. Pag-uwi niya sa bahay ay wala pa roon si Rosendo. Naghintay siya sandali bago niya napagdesisyunan sunduin na lamang ito kina Manang Ising. Pagdating niya ay natatarantang sinabi nito sa kanya ang nangyari. “Ano po ba talaga ang nangyari, Manang Ising?” natatarantang tanong niya. Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin niya, kung ano ang unang iisipin niya. Nawawala si Rosendo at hindi niya alam kung saan niya ito hahagilapin! “Hindi ko talaga alam, Ma’am. Bigla na lang po siyang nanginig at namutla. Tinatanong ko siya kung ayos lang siya pero tila wala siyang naririnig na anuman. Takot na takot ang hitsura niya. Hindi ko inasahang tatakbo na lang siya bigla palabas ng bahay. Sinubukan namin siyang sundan ngunit mabi

