“HIYANG-HIYA na po talaga ako sa inyo ni Ma’am Margarette, Sir. Pagkatapos ng lahat ng nagawa naming pagsasamantala, nagagawa n’yo pa rin pong mag-abot ng tulong. Hindi na po sana kayo nag-abala pa. Maayos naman po kami kahit paano. Nakakaraos pa rin naman po. Nahihiya na akong talaga,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Manang Ising. Nginitian ni Rosendo ang matandang babae. “Wala pong anuman. Maliit na bagay lang naman po ang naitutulong naming mag-asawa.” Naikuwento na sa kanya ni Margarette ang kalagayan ng mga ito. Katiwala raw ng bahay ang asawa nito na napaslang nang gabing maaksidente siya sa bahay. May cancer ang anak nito at naaawa ang asawa niya kaya patuloy ang pagbibigay nito ng tulong. Hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon na lang ang pagtulong ni Margarette sa mga taong ito. His

