NAGING napakasaya ni Margarette sa piling ni Rosendo. Lubos siyang nagpapasalamat dahil hindi pa umuuwi si Jay bagaman halos gabi-gabi itong tumatawag sa kanya. Napapansin na nito ang pagbabago sa tinig niya pero pilit niyang itinatanggi ang mga akusasyon nito. She didn’t want him to ruin everything. Pilit na kinakalimutan niya ang mga alalahanin. Tuluyan na niyang pinaniwala ang kanyang sarili na totoo ang lahat ng namamagitan sa kanila ni Rosendo. He made her extremely happy. Kahit ang pagbebenta ng bahay at lupa ay hindi na niya inaasikaso. Nainis na yata sa kanya si Mr. Punzal dahil lagi siyang nagka-cancel ng usapan. Hindi na ito tumatawag sa kanya at tila hindi na ito interesado. Ganoon din ang ibang mga buyer. Ang sabi ni Rosendo ay okay lang iyon dahil hindi talaga nito gustong ibe

