MULA nang araw na iyon, na-depress na si Margarette. Galit na galit siya kina Alyssa at Bernard. Halos isumpa niya ang dalawa sa ginawa ng mga ito sa kanya. Ipinangako niya sa sarili na gaganti siya sa mga ito. Hindi nga lang niya alam kung paano dahil nalugmok siya sa depresyon. Napabayaan niya ang pag-aaral niya. She hated her appearance—she even hated herself. Kung hindi sana siya mataba at pangit, hindi siya mapaglalaruan nang ganoon.
She was a loser. She was fat and ugly. She wasn’t worthy of his love.
Isang araw ay nagulat siya nang kausapin siya ng kanyang ama tungkol sa grades niya. Kaibigan nito ang dean ng college nila kaya nalaman nito na pabulusok pababa ang mga marka niya. Tinanong siya nito kung bakit at wala siyang ibang naging choice kundi magsabi ng totoo. Sa unang pagkakataon, pinagalitan siya nang matindi ng kanyang ama. Bakit daw siya magpapaapekto sa mga taong makitid ang utak? Bakit daw niya hahayaang sirain ng mga salita ang kumpiyansa niya sa sarili? Hindi raw por que mabigat siya ay hindi na siya tao. Kung patuloy siyang magpapaapekto, talong-talo siya. Mula noon ay isinaayos niya ang buhay niya. Sinikap niyang makabawi sa pag-aaral para tumaas ang grado niya. Tama ang kanyang ama. Bakit niya hahayaang masira ang disposisyon niya sa buhay dahil lamang sa mga walang-kuwentang tao?
Nang matapos siya sa kolehiyo, nag-migrate na sila sa Amerika. Matagal na iyong plano ng kanyang ama. Halos lahat ng mga kamag-anak nito ay nasa Amerika na, silang mag-anak na lamang ang naiwan sa Pilipinas. Hindi pa yata siya ipinapanganak ay pinaghahandaan na ng kanyang ama ang pagtungo nila roon. Tinulungan sila ng mga kamag-anak nila para makapag-migrate. Ayaw mang lisanin ng mama niya ang Pilipinas at iwan ang taniman sa San Pioquinto, sumunod pa rin ito sa gusto ng kanyang ama. Naniniwala rin kasi ito na mas magiging maganda ang buhay nila sa Amerika. Hindi nga lang nito nais na ipagbili ang taniman na minana nito sa mga magulang nito. Kumuha ito ng katiwala na magsu-supervise doon. Kumuha rin ito ng caretaker ng ancestral house nila.
Naisip niyang magkakaroon siya ng panibagong buhay sa ibang bansa. Makakalimutan na rin niya ang sinapit niya kay Bernard. Kahit kasi pilitin niya ay nahihirapan siyang buuin uli ang self-confidence niya. Pakiramdam pa rin niya ay hopeless na siya. Ang masaklap, tuwing nahihirapan ang kalooban niya, sa pagkain siya bumabaling. Tuwing stressed out siya, napaparami ang kain niya. Palagi niyang sinasabi sa sarili na magpapapayat na siya pero hindi niya magawa. She found comfort in forbidden food. Tamad siyang magpunta sa gym o mag-exercise sa bahay.
Lalo siyang tumaba nang nasa Amerika na siya. Nakasama uli niya si Jay na madalas siyang sawayin sa pagkain nang marami, ngunit palagi niya iyong binabale-wala. Her work in a software company involved a lot of sitting in front of the computer. Ang mga daliri lamang yata niya ang payat at maskulado. She wasn’t really that bad. She was two hundred pounds and she was five feet-seven inches tall.
“Honey, you’re not in good shape, you’re obese.”
Iyon ang laging sinasabi sa kanya ni Jay. So she admitted to herself that she was in a bad shape—really, really bad. Kahit saang datos niya tingnan, kahit saang reference, at kahit paano niya i-measure ang body mass index niya, obese na siyang maituturing.
She had just started in a serious diet when her mother asked her to come home and arrange something for her. Plano na nitong ibenta ang taniman at ancestral house nila sa San Pioquinto tutal ay nasanay na rin daw ito sa buhay nila sa Amerika. Nais sana nito na ito ang umuwi para kausapin ang mga taong interesadong bumili sa bahay at lupa nila pero kailangan ito ng kanyang ama. Isa pa ay may maliit ding flower shop ito sa Amerika na hindi nito maiwan.
Nagulat pa siya nang makita sa listahan ng mga dapat niyang kausapin ang ama ni Bernard. Hindi siya sigurado kung kaya na uli niyang harapin ito. Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito at ni Alyssa sa kanya kahit limang taon na ang lumipas. Minsan ay napapanaginipan pa niya ang eksenang iyon at hindi niya maiwasang umiyak tuwing maaalala niya ang lahat. Sa kabila ng magandang trabaho na mayroon siya, mababang-mababa ang self-confidence niya. Pakiramdam niya ay pangit pa rin siya. Sinikap niyang sumunod sa sinabi ng kanyang ama na huwag magpaapekto pero hindi siya nagtagumpay.
Isinama niya sa pag-uwi si Jay sa Pilipinas. Ayaw sana nitong sumama dahil abala ito sa pagtupad ng pangarap nito na maging sikat na fashion designer. Pero dahil mahal siya nito, sinamahan siya nito. Naisip din nito na matagal na itong hindi nakakauwi sa Pilipinas. Baka rin daw makakuha ito ng inspirasyon.
Ikalawang araw pa lamang niya sa Pilipinas nang may tumawag sa kanya, representing Armando Punzal, Bernard’s father. Nais daw sana siyang makausap nito tungkol sa pagbebenta nila ng taniman. Nais daw nito na ito ang unang buyer na makausap niya kaya bago pa man siya makauwi sa San Pioquinto ay nag-set na ito ng meeting. Nagpaunlak siya. Mabuti nang sa Maynila pa lamang ay makausap na niya ito o ang sinumang representative nito para hindi na niya kailanganing pumunta sa mansiyon ng mga ito sa San Pioquinto. Natatakot siyang makita si Bernard. Hindi pa talaga siya nakahandang makita ito lalo na kung nobya pa rin nito si Alyssa.
Kaya anong gulat niya nang malaman niyang si Bernard ang representative ni Mr. Armando Punzal. Ito na raw ang inutusan ng ama nito dahil magkaklase sila noong high school at inakala ng matanda na magkaibigan sila ng anak nito. Ang mas nakakagimbal, kasama nito si Alyssa nang magkausap sila sa restaurant. Mag-asawa na ang dalawa. Halos sigurado na siyang hinding-hindi niya ibebenta sa mga Punzal ang lupa nila. Lalong tumibay ang desisyon niya sa naging takbo ng usapan nilang tatlo...
“How have you been, Margarette?” masayang tanong sa kanya ni Bernard na para bang wala itong nagawang kasalanan sa kanya. Kung umasta ito ay parang dati silang magkaibigan. The audacity of this man!
“I’ve been fine, Bernard. Life has been good to me,” pormal na sagot niya. Nais na niyang matapos ang usapan. Ayaw niyang makita ito at ang asawa nito. Nadudurog ang pride at puso niya na punong-puno pa rin ng galit dito.
“That’s good to hear, Margarette,” ani Alyssa. Nakangiti ito pero halatang-halata naman na hindi iyon totoo. Tila nais pa nga siyang kutyain nito sa uri ng tingin nito. Mukha pa ring maldita ito sa paningin niya. “We’re married now. Isn’t that great?”
“Yeah,” matamlay na sabi niya. Dapat lamang na magkatuluyan ang mga ito dahil bagay na bagay ang mga ito.
“You’re not bitter, are you?” tanong ni Alyssa sa kanya.
Muntik na niyang masuntok ito. Did she really need to ask her that? After what she had done to her, she still had the gall to ask her that? She was unbearable! “Of course not!” mariing sabi niya. “It has been years. I got over it a long time ago.”
“That’s good to hear,” sabi ni Bernard.
“I know this is kinda rude but I have to say this, Margarette,” ani Alyssa. “Ang taba mo, girl! Bakit hinayaan mong maging ganyan ang katawan mo? Paano ka magkakaroon ng love life kung ganyan ka?”
Tuluyan na siyang napundi rito. Hindi ito marunong rumespeto sa damdamin ng ibang tao. She truly hated her. “Alyssa, it’s very rude for you to presume that I have no love life. `Yong mga payat lang ba ang may karapatang magkaroon ng maganda at masayang love life?” Wala siyang pakialam kung mahimigan nito ang inis sa tinig niya. Magpasalamat ito at hindi siya pinalaking eskandalosa ng mga magulang niya. Dahil kung hindi ay naisaboy na niya rito ang isang baso ng juice na nasa harap niya.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Bakit, mayroon ka bang boyfriend sa Amerika?”
Alam niyang masama ang magsinungaling, pero ayaw rin niyang bigyan ito ng kaligayahan. Kung kinakailangang mag-imbento siya ng kuwento ay gagawin niya. Nginitian niya ito nang matamis. “I got married recently.”
“Really?” anito sa tinig na halatang hindi naniniwala.
“Really.” Hindi siya nagbigay ng kahit anong senyales ng uneasiness sa mga ito. Baka kasi mahalata ng mga ito na nagsisinungaling siya. She had to be very convincing.
“Where’s the ring, honey?” tanong sa kanya ni Bernard.
Natigilan siya. Na-realize niyang mali ang napili niyang kasinungalingan. Dapat ay sinabi na lamang niya na may boyfriend siya o fiancé, hindi asawa. Ngunit nasabi na niya iyon at hindi na niya mababawi. Nag-isip siya ng dahilan kung bakit wala siyang suot na singsing. Ibinalik niya ang ngiti sa kanyang mga labi. “My ring is at the jeweler’s. It’s being resized. I had been in a lot of stress while planning the whole wedding. When I’m stressed out, I eat a lot. Tumaba ang mga daliri ko kaya hindi na nagkasya ang singsing sa `kin.” Nakahinga siya nang maluwag nang masabi niya iyon nang deretso.
“What’s his name?” tanong ni Alyssa. “Pilipino rin ba o Amerikano na mahilig sa mga babaeng exotic ang hitsura?”
It took a while before she answered. “He’s a Filipino. He’s name’s J—Rosendo. Yes, Rosendo Abalos.” Ang “Rosendo” ay apelyido ni Jay samantalang ang “Abalos” naman ay middle name nito. Si Jay lamang ang naisip niyang maaaring magpanggap na asawa niya. Alam niyang bading ito pero wala siyang choice. Kailangan niyang mag-imbento ng pangalan ng kanyang asawa.
“That’s great. Sana ay maipakilala mo siya sa amin sa San Pioquinto. I’m sure kasama mo siyang umuwi dahil recently lang kayo ikinasal. Kami ni Bernard, kahit hindi na bagong kasal, gusto pa rin namin na laging magkadikit. Imbitado kayo ng husband mo sa blessing ng bagong bahay namin sa San Pioquinto. I hope you could come. Gusto ko kasing makilala ang asawa mo.”
Hindi niya gusto ang paraan ng pagkakasabi ni Alyssa ng “husband” at “asawa.” Tila ipinaparating nito sa kanya na hindi ito naniniwala na may asawa siya. Tila hinahamon siya nito. Mamamatay muna siya bago siya magpatalo. Hindi pa niya nakakalimutan ang pangako niya sa sarili noon na pamumukhaan niya ang mga ito. Makakaganti rin siya.
She raised her chin. “We’ll be there. I’ll introduce you to my husband...”
INIYAKAN nang husto ni Margarette si Jay para lamang mapapayag niya itong samahan siya sa San Pioquinto. Hindi pa niya ito lubos na napapapayag na magpanggap na asawa niya kahit ilang araw lamang. He said the idea was stupid—impossible. Kahit paano raw nito itago, mahahalata na bakla ito. Hindi ito mahilig mag-cross-dress. Hindi rin ito mahilig magpahaba ng buhok at maglagay ng makeup. It was the way he moved. Hindi raw nito kayang pigilan ang pagpilantik ng mga daliri nito, ang mahinhin at malambot na kilos nito. Hindi ito closet gay. His family had accepted him for what he was ever since he was a little boy. Hindi kasi ito ang unang gay sa pamilya nito.
“Hush now, Margarette,” pag-aalo nito sa kanya.
Tama nga yata ito. Hindi siya dapat nag-imbento ng kuwento na may asawa na siya. Hindi niya dapat pinairal ang bugso ng damdamin niya. Lalo lamang niyang ibinaon sa problema ang sarili. Kahit ano pa yata ang kahantungan ng lahat, siya pa rin ang masasaktan sa huli. Hindi nga niya sigurado kung mapapamukhaan niya sina Bernard at Alyssa sa gagawin niya. Tumahan na siya sa pag-iyak. Kaya niya iyon. Lilipas din ang lahat. Babalik din siya sa Amerika at makakalimutan niya ang lahat.
“Are we going back?” tanong sa kanya ni Jay.
Kumalas siya sa yakap nito at pinahid niya ang kanyang mga luha. “Gabi na, Jay. I know you’re tired. Mas malapit kung tutuloy tayo sa San Pioquinto. I also want to finish everything as soon as possible. Gusto ko nang bumalik sa Amerika. Gusto ko nang matapos ang lahat ng dapat gawin para hindi na ako bumalik dito. Nakakapagod na.”
Nginitian siya nito. “Magpapanggap pa rin ba akong asawa mo?”
Umiling siya. “You’re right, mahahalata rin nila ang totoong ikaw. Ayoko na ring magsinungaling. Hindi ko pa alam kung paano sila lulusutan pero makakaisip din siguro ako ng paraan.”
Niyakap uli siya nito. “I love you, Meggie. Alam mo naman `yon. Alam mo rin na handa akong gawin ang lahat para sa `yo kung sa tingin ko ay makabubuti sa `yo. Sa palagay ko, hindi ito makabubuti. Ikaw lang ang masasaktan. Lalo ka lang maaapektuhan sa mga walang-kuwentang nilalang na `yon. Someday, the right man will come. He’ll love you just the way you are.” Hinagkan nito ang kanyang pisngi.
“Thank you, Jay. I love you, too. Thank you for bearing with me. Thank you for always saying the right words.”
Kumalas na ito at muling pinaandar ang sasakyan. “You’re always welcome.”
Tumingin siya sa labas ng sasakyan. Ginabi na sila dahil hapon na sila nakaalis ng Maynila. Jay had to do something for a designer friend who was making a huge name for himself in the Philippine fashion industry. Ayos lang kahit gabihin sila. San Pioquinto was a very peaceful place. Halos walang naire-report na krimen sa bayang iyon. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung aasa siya na may darating pang lalaki na magmamahal sa kanya nang totoo. Isang lalaki na kayang yakapin ang size niya. Iyong tatanggapin siya bilang siya at hindi lamang katabaan niya ang makikita. Katulad din naman siya ng mga tipikal na babaeng naghahangad ng mala-fairy tale na love at romance. Nais niyang magmahal at mahalin. Kung may lalaki mang magmamahal nang totoo sa kanya, sana ay dumating na agad iyon sa buhay niya.