4

1050 Words
HE WAS running as fast as he could. Kahit parang sasabog na ang mga baga niya ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo. He had never been so scared in his whole life. If he were to be honest with himself, he was terrified. He had to get away from there. Hindi niya hahayaang patayin siya ng mga taong iyon. He had to save his life no matter what. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo pero pakiramdam niya ay hindi siya lumalayo. Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan, nakita niyang tila hindi nagbabago ang tanawin sa kapaligiran niya. Nasa isang bukid pa rin siya at walang-katapusang patag na lupa ang nakikita niya. Mabuti na lamang ay walang tanim ang lupa kaya walang gaanong hadlang sa pagtakbo niya nang mabilis. Wala siyang ideya kung nasaan siya. He had been kidn*pped the night before. Hindi niya mapaniwalaan na madali siyang natangay ng masasamang-loob sa mismong parking lot sa building ng kompanyang pinamamahalaan niya. Hindi niya inakala na hindi ganoon kahigpit ang seguridad ng building niya. May sapilitang ipinaamoy sa kanya ang mga dumukot sa kanya kaya nawalan siya ng malay. Nang magkamalay siya, nasa isang kubo na siya. Nakangising mukha ng mga lalaking mukhang goons ang namulatan niya. Nagwala siya ngunit mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay at paa niya. Pasinghal na tinanong niya kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya. “Trabaho lang, Boss, walang personalan,” sagot ng lalaking balbas-sarado at mahaba ang buhok. Papasang terorista ito. “Sumusunod lang kami sa utos ng amo namin. Manahimik ka na lang diyan at i-enjoy mo ang sariwang hangin dito sa bukid. Baka ito na ang huling pagkakataon mong sumagap ng hangin.” Naghalakhakan ito at ang mga kasamahan nito. Pero nakatakas siya dahil sa tulong ng isang nakonsiyensiyang tauhan ng kung sinumang nag-utos na ipadukot siya at ipapatay. Nasa kasagsagan ng pag-iinuman ang mga lalaki sa labas ng kubo nang pumasok ang isang may-edad na lalaki. Nagulat siya nang dali-daling kinalas nito ang mga tali niya sa kamay. “Hindi ako masamang tao, Boss. Nagipit lang ako kaya pumayag akong ipagamit ang kubong ito sa pinsan ko. Akala ko, simpleng k********g lang ito. Akala ko, pakakawalan ka rin nila kapag nakuha na nila ang ransom sa pamilya mo. Itutumba ka pala nila at hindi ko kayang dalhin iyon sa konsiyensiya ko.” “Maraming salamat po,” sabi niya. Kahit paano ay nagpapasalamat pa rin siya sa kabutihan nito. Nagkaroon siya ng pag-asa na makatakas sa lugar na iyon. Palinga-linga ito sa pintuan ng kubo. “Malayo ang kubong ito sa mga kabahayan. Malayo ang tatakbuhin mo. Tumakbo ka lang nang tumakbo. Huwag kang titigil. Baka makarating ka sa bahay ni Mayor. Maraming mga bantay roon at matutulungan kang makabalik sa pamilya mo.” Itinuro nito ang bintana. “Sige na, Boss. Umalis ka na.” “Maraming salamat po talaga. Ano po’ng pangalan n’yo?” “Carding. Sige na ho.” Maingat na sumampa at tumalon siya sa bintana. Tumakbo siya nang mabilis. Malayo-layo na siya sa kubo nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril. Sandaling napatigil siya at nilingon ang pinanggalingan niya. Nais niyang bumalik upang alamin kung ano ang nangyari sa taong tumulong sa kanya, ngunit alam niyang hindi iyon ang dapat niyang gawin. Sinunod niya ang bilin ni Mang Carding. Tumakbo siya nang tumakbo palayo. Hindi niya hinayaan ang sarili na masyadong mag-isip. Wala na rin naman siyang magagawa kung nasawi na si Mang Carding. Ang mahalaga ay mabuhay siya upang magkaroon ng katuturan ang pagkamatay nito... Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na tumatakbo nang makatanaw siya ng isang malaking bahay. Lalo niyang pinaspasan ang pagtakbo. Baka iyon na ang sinasabing bahay ni Mang Carding sa kanya. Baka may tao roon na maaaring tumulong sa kanya. Pagkatapos ng halos walang patid na bukirin, nakarating siya sa bahay. Sa palagay niya ay sa likurang bahagi ng malaking bahay siya humantong. “Tao po! Tao po!” malakas na sigaw niya. Wala siyang nakikitang kahit anong nakabukas na ilaw. Tahimik na tahimik ang paligid. Tila walang tao roon. Nais niyang manlumo. Sigurado siyang hindi iyon ang bahay na sinasabi ni Mang Carding sa kanya. Kinalampag niya ang pinto. “Tao po! Tulungan n’yo po ako!” He was still so scared. Nanginginig ang buong katawan niya, ang bawat himaymay ng laman niya. Sa tindi ng pagnanais niyang mailigtas ang sarili, nilakasan pa niya ang pagbayo sa pinto. Marahil dahil sa tindi ng adrenaline rush niya kaya nabuksan niya ang pinto. O sadyang hindi iyon nakakandado dahil madali niyang nabuksan? Walang pagdadalawang-isip na pumasok siya sa loob. Tumawag uli siya pero halos sigurado na siyang walang tao roon. Madilim na madilim ang paligid kaya nangapa siya. Ilang beses siyang natumba hanggang sa maaninag niya ang isang hagdan. Umakyat siya roon. Naisip niyang magtago muna sa bahay na iyon na tila inabandona na ng may-ari. Magpapalipas muna siya roon nang magdamag at saka siya hihingi ng tulong pagsikat ng araw. Mahirap humanap ng tutulong sa kanya kapag ganoong gabi at madilim. Pag-akyat niya, hindi niya magawang pumasok sa isa sa mga silid. Napasandal siya sa dingding sa hallway at padausdos na umupo siya sa sahig. Pagod na pagod na siya. Tila hindi na kakayanin ng mga binti niya ang pagod. Pero pinilit niyang huwag maging kampante. Walang kasiguruhan na ligtas na siya. Kailangan niyang manatiling alerto. Kailangan niyang talasan ang lahat ng pandama niya. Hindi malabong matunton siya ng mga lalaking dumakip sa kanya sa bahay na iyon. May naaninag siyang chest drawer sa dulo ng hallway. Salamat na lamang at maliwanag ang buwan at walang kurtina ang mga bintana kaya medyo may nakikita siya sa kapaligiran niya. Pagapang na nilapitan niya ang chest drawer at inabot ang three-pronged candleholder na nakapatong doon. May-kabigatan iyon at tila solido ang pagkakayari. Magagamit niya iyon para maipagtanggol ang kanyang sarili kung sakaling mahanap siya ng mga kidnapper. Alam niyang walang panama ang candleholder sa mga baril ng mga ito, ngunit hindi niya hahayaang basta na lamang siya mapatay ng mga ito. Lalaban siya hanggang sa huling hininga. Halos sumabog ang dibdib niya sa kaba at takot nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa candleholder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD