5

1027 Words
“IT LOOKS like a haunted house to me, Meggie,” sabi sa kanya ni Jay. Umibis si Margarette mula sa sasakyan. Nasa ancestral house na sila. Labag man ang kalooban niya, sumang-ayon siya sa sinabi ni Jay na tila haunted house na ang bahay nila. Kahit hindi pa nila gaanong nakikita iyon dahil malalim na ang gabi, mukha iyong haunted house na maraming namamahay na multo sa loob. Hindi iyon ganoon dati. Kahit luma iyon, maganda pa ring tingnan dahil regular ang maintenance niyon. Siniguro ng kanyang mama na nakakapagpadala ito ng pera sa caretaker para patuloy ang maintenance niyon. Pero sa nakikita niya nang mga sandaling iyon, tila hindi naaalagaan ang bahay nila. Wala na ang mga halaman sa harap ng bahay. Naaalala niya na mahilig magtanim noon ng mga halamang namumulaklak ang kanyang ina sa harap ng bahay nila. Marami ring mga punong-kahoy sa paligid. Pero ngayon ay iilan na lamang ang mga puno roon. “Let’s go in,” yaya niya kay Jay. Baka madilim lang kaya hindi niya nagugustuhan ang aura ng bahay nila. Baka sa liwanag ay hindi iyon mukhang haunted house. Tinulungan na niya si Jay sa pagbibitbit ng mga gamit nila. Ang alam niya ay stay-in ang caretaker kaya tumawag sila at kumatok sa malaking front door. “Mang Carding?” tawag niya. Nang ilang minuto na at wala pa ring sumasagot, nilakasan pa niya ang kanyang boses. Mapapaos na yata siya pero hindi pa sila pinagbubuksan ng caretaker. “Wala yata siya, Meggie,” ani Jay na kinakalabog na rin ang pinto. Sinubukan niyang pihitin ang antigong doorknob. Ayaw gumalaw niyon. Naka-lock ang bahay. Kung wala nga sa loob si Mang Carding, paano sila makakapasok? “Wait here,” ani Jay bago ito lumakad sa gilid ng bahay. Malamang na tinitingnan nito kung may nakabukas na bintana o pinto sa likod na bahagi ng bahay. Ilang saglit lang ay bumalik ito. “Bukas ang pinto sa likod,” sabi nito. Nagtungo sila sa likod at sa back door dumaan. Tinulungan siya nito na ipasok ang mga gamit nila. Nalukot ang ilong niya nang salubungin sila ng hindi kaaya-ayang amoy. Mukhang hindi nalilinis ang buong bahay. “There’s no light,” sabi ni Jay. Kinapa-kapa pa nito ang dingding para hanapin ang switch ng ilaw. “Sinubukan ko nang magbukas ng ilaw kanina pa kaya lang wala talaga. Wala yatang kuryente.” “What?!” Biglang sumakit ang ulo niya. Hindi niya inasahan na ganoon ang madaratnan niyang bahay. Paano siya makakapagpahinga kung walang kuryente? Dahil nasanay na ang katawan niya sa klima sa ibang bansa at dahil na rin marahil mataba siya, madali siyang mainitan at pagpawisan. Naiirita siya nang husto kapag naiinitan siya. “Wala tayong magagawa sa ngayon,” ani Jay. Gamit ang ilaw na nanggagaling sa cell phone nito, naghalungkat ito sa mga chest drawer. Kung ano-ano ang mga binuksan nito hanggang sa makakita ito ng candleholder. “Can I use this? This looks expensive.” “If you can find a candle here, sure,” tugon niya. Ang alam niya ay antique ang candleholder na iyon. “That’s not really expensive. Mukha lang mamahalin. It’s an antique but it doesn’t really cost a lot. Mabigat `yan kaya hindi noon madalas nagagamit.” Wala nang gaanong mamahaling antique sa bahay nila dahil bago sila umalis noon ay kinuhang lahat ng kanyang ina ang mahahalagang gamit doon at dinala ang ilan sa Amerika. Muling naghalungkat si Jay. Nakarating ito sa kusina sa paghahanap ng kandila. Naririnig na niya ang pagmumura nito. Tila nauubusan na ito ng pasensiya sa paghahanap. Naiinis na tinulungan na niya ito. Saan ba napupunta ang mga ipinapadalang pera ng kanyang ina kay Mang Carding? Sa wakas ay nahanap din nila ang lalagyan ng mga kandila. Nagsindi sila ng tatlo. “I so hate my life,” aniya habang paakyat sila ni Jay sa grand staircase. Masyadong mataas ang kisame ng first floor ng bahay. Halos dalawang palapag na ang katumbas ng unang palapag. Dahil kulang na kulang siya sa exercise, madali siyang hingalin sa simpleng pag-akyat sa hagdan. “Stop that,” saway sa kanya ni Jay. “Pareho lang tayong pagod. Wala tayong magagawa ngayon.” Naiinis na napabuntong-hininga siya. Nais na naman niyang umiyak sa matinding frustration. Ang akala pa mandin niya ay may mauuwian silang matinong bahay. Sa pamamagitan ng liwanag na nanggagaling sa mga kandila, nakikita niya ang sapot ng mga gagamba at agiw sa kisame at mga bintana. Para nga silang pumasok sa isang haunted house dahil parang matagal nang hindi nalilinis ang bahay. Sa umaga ay kakausapin niya si Mang Carding. Kailangan niya ng paliwanag. Hindi na niya tinawagan ito para sabihin na parating siya dahil lubos ang tiwalang ibinigay rito ng kanyang ina. Inaasahan niyang madaratnan niyang maayos na maayos ang dating bahay nila. Sino ang magnanais na bumili niyon sa ganoong hitsura? Nagpasalamat siya nang makarating sila ni Jay sa itaas ng bahay. Hinihingal na siya. Napapitlag siya nang biglang tumili si Jay. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang malaking lalaking palapit sa kanila. Sigurado siyang hindi si Mang Carding ang lalaking ito. May hawak itong candleholder na tila handang ihataw sa kanila. “Sino ka? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya sa mataas na tinig ngunit kababakasan ng matinding takot. Si Jay ay tila nanigas sa takot sa tabi niya. Hinila niya ito paiwas sa malaking lalaki nang lumapit ito sa kanila. Patuloy niyang hinila si Jay paiwas hanggang sa magkapalit sila ng posisyon—ito na ang nasa tapat ng hagdan. “Tulu—” Hindi niya hinayaang matapos sa pagsasalita ang lalaki. Inagaw niya ang candleholder na hawak ni Jay at inihataw niya iyon sa lalaki. Hindi inasahan ng lalaki ang pagkilos niya kaya nawalan ito ng panimbang. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nagtuloy-tuloy ito sa pagbulusok sa hagdan. Nanginig siya sa takot habang pinanonood ang paggulong ng intruder pababa ng hagdan. Wala na itong malay pagdating nito sa landing. “What did you do?” patiling tanong sa kanya ni Jay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD