“YOU KILLED him, Meggie!” patiling sabi ni Jay habang pababa sila ng hagdan. Dinampot nito ang candleholder at sinindihan ang mga kandila. Nanginginig ang buong katawan niya. Nananalangin siya na sana ay humihinga pa ang lalaki. Hindi kayang dalhin ng konsiyensiya niya kapag namatay ito. Kahit pa sabihing masamang tao ito. Kahit pa sabihing trespasser ito at intruder. Kahit kasalanan nito in the first place ang nangyari. Kahit paulit-ulit niyang sabihin na kung hindi niya ginawa iyon ay baka ito naman ang gumawa nang hindi maganda sa kanila ni Jay. Hindi pa rin niya kayang isipin na nakapatay siya ng tao. Pagbaba nila ng hagdan ay agad na tiningnan ni Jay ang lagay ng lalaki. “Oh, my God!” bulalas nito. “He has so much blood on his head.” Iniangat ni Jay ang ulo ng lalaki. Lalo siyang na

