TAHIMIK na umiiyak ang ginang na nakasuksok sa sulok ng kama. Hubo't-hubad ito na tanging ang kumot ang nakabalot sa katawan. Diring-diri ito sa sarili na muli siyang pinagsawaan ng asawa niya kahit labag sa loob niya. Halos labinlimang taon na rin siyang nakakulong sa silid na iyon. Alam niyang wala na siyang kawala kay Larry. Dahil wala itong laban sa asawa niya. Idagdag pang ikinakadena siya nito na iniiwan sa silid at sinisigurong naka-double lock ang pintuan para hindi ito makalabas. Nagdadala naman ang asawa niya ng pagkain at inumin sa kanya. Pero sa sitwasyon niya, wala siyang kagana-ganang kumain kahit gaano pa kasarap ang mga dadalhin sa kanya ng asawa niya. Hindi na masikmura ni Nicole ang kahayupan ni Larry noon. Kaya plano na sana niyang itakas noon ang anak na si Nicolett

