KABADO si Nicolette habang nasa condo siya ng binatang tinawag ng kasama nitong bumbero na captain. Ibig sabihin, Fire Captain ang binatang iyon. Mataas ang ranggo niya sa pagiging bumbero.
"Uhm, ma'am, gusto niyo po bang magmeryenda? Pasta ho?" magalang tanong ng bumbero na kasama niya sa condo.
Pilit ngumiti si Nicolette na tumango dito at nagugutom na rin siya.
"Carbonara po, sir. Ayoko po kasi sa spaghetti e. Okay lang po ba?" nahihiyang sagot nito dahil professional ang kausap.
Ngumiti naman ang lalake na tumango. "Oo naman po, ma'am. Ipaghanda ko lang po kayo. Uhm, pwede po kayong manood d'yan sa TV ni captain para hindi kayo mainip." Saad pa nito na lumapit at inabot ang remote sa mesa na binuksan ang TV.
Iniabot niya kay Nicolette ang remote para ito na ang mamili ng panonoorin. Iniwan niya na muna ang dalaga at naghanda ng meryenda nito. Inihabilin kasi ito ng kanilang captain. Kaya kailangan niyang alagaan at asikasuhin ang dalaga. Dahil siya ang malilintikan kay Lucas kapag nagutom ito o napahamak.
Tahimik namang nakaupo si Nicolette sa sofa. Nanonood sa TV para magpalipas ng oras. Wala siyang dalang cellphone kaya wala itong ibang paglilibangan. Napatuwid ito ng upo nang mag-breaking news ang isang reporter sa TV na ibinabalita nitong may sunog sa malapit sa kanila dito sa BGC!
"Oh? Si captain!" usal nito na namilog ang mga mata na mahagip sa camera ang binata kanina na siyang nangunguna sa pag-apula sa sunog!
Nakatulala ito na namamangha kung paano apulahin nila Lucas ang malakas na apoy sa isang warehouse. Hindi nito namalayan na nakalapit na ang kasamang bumbero na may dalang pasta at orange juice para dito. Napangiti pa ito na malingunan ang team niya sa palabas sa balita.
"Ang galing ni Captain Lucas noh? Hindi lang siya pagwapo sa team namin. Alam mo, ma'am? Ang totoo niya'n ay mayaman si captain. Barya nga lang ang sweldo niya'n sa totoong yaman nilang pamilya e. Ewan ko ba kung bakit mas ninais niya pang maging fireman kaysa maupo sa opisina niya at mag-manage ng malaking kumpanya nila. Nagkakakalyo lang ang mga kamay niya at paminsan-minsan, napapaso din siya sa tuwing gan'tong may sunog kaming aapulahin," naiiling pagkukwento ng binata na naupo kaharap si Nicolette dala ang plato nitong may carbonara.
"Lucas pala ang pangalan niya," piping usal ng dalaga na lihim na napangiti.
Inabot nito ang plato nito sa center table na nakamata sa TV at sina Lucas pa rin ang laman ng palabas. Naka-live pa nga ito para ipakita sa mga manonood ang nangyayaring pag-apula ng sunog ng mga bumbero.
"Uhm, sir, si Captain Lucas ba. . . may girlfriend na?" wala sa sariling tanong nito sa kasama na nasamid at napaubo!
Nag-init ang mukha ni Nicolette na nahihiyang ngumiti sa binata at napainom ito ng juice matapos masamid! Napatikhim pa ang binata na napailing at ngumiti dito.
"Wala pa pong girlfriend si captain, ma'am. Pero maraming nakapila d'yan na nililigawan siya. Gusto niyo po bang pumila sa mga babaeng nakapila at naghahangad maging boyfriend si captain? Sakto naka-gown na kayo. Tatawag na ba ako ng mayor na magkakasal sa inyo ni captain pagdating niya mamaya dito?" pabirong saad ng binata ditong lalong namula ang pisngi.
"Ngeee. Hindi ko naman type ang captain niyo e. Ni hindi nga kami magkakilala niya'n. Nagkataon lang po na sasakyan niya ang sinakyan ko kanina kaya naisama niya ako sa station niyo. Iyon lang po iyon, sir." Sagot ni Nicolette ditong natawa pa na napatango-tango.
"Pasensiya na, ma'am. Naka-wedding gown po kasi kayo e. Para kayong run-away bride sa itsura niyo. Katulad sa mga palabas na tatakbo ang bride at hindi itutuloy ang kasal niya," saad pa ng binata na ikinangiwi nito at totoo namang run-away bride siya!
MATAPOS magmeryenda, nakadama na ng pagkabagot si Nicolette. Mabibilang lang kasi na mag-usap sila ng kasama niya. Nahihiya ito sa kasama kahit na mabait naman ito at magalang makipag-usap sa kanya.
Ilang beses itong napahikab na makadama ng antok. Napuyat kasi ito kagabi. Idagdag pang maaga siyang ginising ng yaya niya para makapaghanda sa araw ng kasal nila. Maaga ring dumating ang hairstyles at make-up artist na siyang nag-ayos sa kanya kaninang umaga sa bahay nila. Kaya kulang na kulang pa siya ng tulog.
Napansin naman ng kasama nito na inaantok ang dalaga. Bakas sa mga mata nitong mapupungay ang pagod, stressed at antok. Gusto niya sanang tanungin ang dalaga kung bakit ito naka-wedding gown pero nahihiya siya at baka masabihan pang kalalakeng tao pero chismoso.
"Uhm, ma'am, magpahinga na muna kayo sa silid ni captain. Mamaya pa iyon darating," magalang saad nito sa dalaga.
"S-sigurado po kayo, sir? Okay lang po bang sa silid niya matulog?" nahihiyang tanong nitong ikinatango ng kasama.
"Opo, ma'am. Doon na muna kayo." Sagot nito na itinuro pa ang silid ni Lucas.
"Salamat po, sir." Magalang sagot ni Nicolette na pumasok na sa silid.
Namamangha pa ito na napakalaki ng silid ni Lucas. At lahat ng gamit dito ay halatang mamahalin. Nasabi naman sa kanya ng tauhan ni Lucas na mayaman ang binata. Pero hindi niya alam kung gaano ba ito kayaman. Hindi kasi ito pamilyar sa kanya. Kaya wala itong idea sa katauhan ni Lucas.
Napanguso ito na naupo sa gilid ng malambot at malaking kama ni Lucas. Naigagala ang paningin sa kabuoan ng silid. Kitang panlalake ito sa plain ng pintura at mga display niya. Maging ang amoy nito ay panglalake. Naghubad ito ng sandals na dahan-dahang humiga sa kama. Napangiti pa ito na makadama ng kakaibang comfort sa lambot ng kama ni Lucas. Naaamoy niya pa sa kumot at unan nito ang amoy ng binata na napakasarap samyuhin dahil hindi matapang ang gamit nitong pabango.
"Bahala na. Hindi naman siguro siya magagalit kapag naabutan niya akong nakitulog dito sa kama niya. Ayoko namang sa sahig ako humiga," usal nito na napapikit na at niyakap ang isang unan.
Dala ng pagod at puyat, kay bilis nitong nakaidlip. Malamig kasi ang silid ni Lucas. Idagdag pang mabango dito at tahimik. Kaya unti-unting naging panatag ang isip at puso nito na nagpatangay sa matinding antok.
PASADO alauna na ng hapon nang dumating si Lucas sa condo nito. Alasdose na kasi nang tuluyang maapula ng team nito ang sunog sa warehouse. Tumuloy siya sa condo niya na maalala ang bride ng best friend niya na nandoon. Tiyak na malaking gulo ang kinakaharap ngayon ng kaibigan niya at hindi dumating ang bride sa kasal nila!
Napahawi pa ito ng buhok na may mga uling sa mukha at uniform nito mula sa sunog kanina. May ilang na-trap kasi na tao sa loob ng warehouse. Kaya pumasok sila ng mga kasamang firefighter para masaklolohan ang mga na-trap ng nasusunog na bodega.
Pagbukas niya ng pintuan, naabutan nito ang kasamahan na nasa sala. Nakahilata sa mahabang sofa habang nanonood ng soccer sa TV.
"Captain!" anito na kaagad tumayo na malingunan si Lucas na dumating na.
Tinanguhan naman ito ni Lucas na naghubad na din ng jacket nito at naiinitan ito sa kapal ng suot.
"Where is she?" tanong nito na sunod na hinubad ang boots nito.
"Uhm, nasa silid po, Captain. Doon ko na muna pinatuloy at inaantok siya kanina." Magalang sagot nito na ikinalingon ni Lucas sa silid niya.
Iisa lang kasi ang silid sa condo nito. Kaya tiyak na sa silid niya tumuloy ang dalaga. Napabuntong hininga ito ng malalim na inabot ang juice sa mesa at saka ininom iyon dala ng uhaw nito. Napangiwi naman ang bumberong kasama nito. Juice kasi iyon ni Nicolette at nainuman na ng dalaga ang juice na iyon. Pero heto at ininom ni Lucas na inubos pa.
"Salamat sa pagbabantay sa kanya, Ramos. Ako na ang bahala sa kanya. You may go now. And please, let's keep this private," wika ni Lucas dito na tumangong tumayo na.
"Makakaasa po kayo, Captain. Mauna na po ako." Sagot nito na tinanguhan ni Lucas.
Napahilot ng sentido si Lucas na napapikit. Iniisip ang kaguluhan sa simbahan na hindi dumating ang bride.
"Damn. Ano ba kasing iniisip niya? Why did she run-away on the day of their wedding?" usal nito na hinihilot ang sentido na naiisip ang dalaga at kaibigan niya.
Ilang minutong tumambay na muna si Lucas sa sala bago napagpasyahang pumasok ng silid niya para maligo at makapagbihis na rin. Napalunok pa ito na mabungaran ang dalaga na nahihimbing sa kama niya. Nakasuot pa rin ito ng wedding gown.
"Why did you ruined your own wedding? Ano ba'ng problema mo?" usal niya na naku-curious sa katauhan ng dalaga.
Hindi kasi ito pamilyar sa kanya. Ni hindi niya pa ito nakikilala kahit matalik niyang kaibigan si Sixto. Ang alam niya lang, biglaan ang pagpapakasal ni Sixto. Inakala nga niya na nabuntis ng kaibigan ang nobya niya kaya nagmamadali na silang ipakasal ang dalawa. Pero heto at ang bride pa ang mismong sumira sa kanilang kasal.
Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ni Lucas na humakbang palapit sa dalagang nahihimbing sa kama niya. Ito ang unang beses na may ibang babaeng nakatapak sa unit niya, maliban sa mommy at mga kapatid niya. Nakikipag-fling naman ito at one night stand. Pero hindi sa unit niya dinadala ang babae kundi sa hotel o ibang lugar. Wala pa itong nagiging kasintahan dahil ini-enjoy nito ang buhay binata niya. May hinihintay na kasi ang puso nito. Si Mika, isang international model sa Paris na mas inuna ang career kaysa ang love life. Kaya tinanggihan nito noon si Lucas nang alukin siya nitong maging kasintahan ang dalaga. Dahil bukod sa may matayog itong pangarap--matalik din silang magkaibigan.
Napanguso ito na pinagmamasdang maigi ang maamong mukha ng dalaga. Para itong anghel na nahihimbing lalo na't naka-white gown pa ito.
"Should I call my best friend and tell him that his bride is here?" usal nito na naiisip si Sixto.
Napailing ito na napahaplos sa ulo ng dalaga. "Bahala na. Wala naman akong kinalaman e. Aalamin ko na lang muna kung bakit tumakbo ito sa kasal nila," aniya na napangiting matitigan ang dalaga kung gaano ito kaganda lalo na sa malapitan.
"Silly girl. Pasalamat ka--maganda ka. Mahilig akong tumulong sa mga magagandang binibini e." Naiiling saad nito na napakamot sa pisngi.
Nagtungo ito sa banyo na naghubad ng mga kasuotan at inilagay ang mga iyon sa laundry basket niya. Pumasok siya sa shower room at nagbabad sa malamig na tubig. Naka-day off naman siya ngayon kaya hindi na siya magdu-duty ngayong hapon.
Samantala, narinig ni Nicolette ang paglagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo. Senyales na may naliligo sa shower room. Napalunok ito na tuluyang nagising. Bumangon siya sa kama at naisip na baka si Lucas na ang dumating.
Napalunok ito na biglang binundol ng kakaibang kaba sa dibdib! Napuyat siya kagabi kaya naman nakaidlip siya kanina pagkatapos nilang kumain. Mabuti na lang at mabait ang tauhan ni Lucas na nagbantay sa kanya. Inasikaso siya nito ng maayos at pinatuloy pa sa silid para doon magpahinga.
Napalingon ito sa may pintuan nang dahan-dahan iyong bumukas. Kapwa pa sila natigilan ni Lucas nang magsalubong ang kanilang mga mata! Bumilis ang t***k ng puso ni Nicolette na mapatitig sa binata. Naka-topless kasi ito na tanging puting towel lang ang nakabalabal sa baywang! Nag-init ang mukha nito nang mapangisi si Lucas na huling-huli siyang napalunok! Kaagad itong nag-iwas ng tingin na mahinang ikinatawa ni Lucas na nagtungo sa closet at kumuha ng maisusuot nito.
"Gosh! Ang bastos!" impit na tili nito sa isipan na basta na lamang naghubad si Lucas sa sulok kung saan ang closet nito.
Sobrang pula tuloy ng mukha ni Nicolette at ito ang unang beses na may lalakeng naghubad sa tabi niya! Pasipol-sipol pa ito na napapasulyap sa dalagang hindi makatingin sa kanya at nananatiling sa ibang direction nakamata.
"Don't you like the view here, Ms? Maganda naman a." Tudyo ni Lucas ditong napairit na tumalikod kay Lucas.
Malutong itong napahalakhak na inabot ang towel at dinala sa basket nito. Nagtungo siya sa vanity mirror sa silid niya at tinuyo saglit ng hair blower ang buhok nitong basang-basa. Tila nang-aasar pa ito na pasipol-sipol dahil hindi pa rin makatingin ang dalaga sa kanya.
Matapos nitong patuyuin ang buhok, lumapit na ito sa dalagang nakaupo sa gilid ng kama. Tumayo siya sa harapan nito na dahan-dahang nag-angat ng mukha na napatingala sa kanya. Napangiti naman si Lucas at nakikita nitong kabado ang dalaga. Naglahad pa siya ng kamay dito.
"I'm Lucas Payne. Ikaw, what's your name, Ms?" pormal nitong pagpapakilala.
Napalunok pa si Nicolette na napasulyap sa kamay nitong nakalahad. Parang may sariling pag-iisip ang kamay nito na inabot ang kamay ni Lucas na sabay nilang ikinatigil na napatitig sa isa't-isa at parehong tila nakuryente sila sa paglapat ng kanilang mga kamay!
Bumilis ang t***k ng puso ni Lucas na bahagyang napisil ang malambot nitong palad. Bagay na ikinabilis din ng kabog ng dibdib ni Nicolette at tila nakamagnet na ang kanilang palad.
"N-nicollete. Collette for short." Nauutal na sagot ng dalaga nitong napangiting tumango-tango.
"Nice to meet you, Collette. Your name suits you. But I think 'honey' suits you more. What do you think?" saad ni Lucas ditong napakurap-kurap na ikinangisi ng binata at hawak-hawak pa rin ang kamay nito.
"H-ha?"
"Bungol ka?"
"Hmfpt! Hindi ako bungol! Ang hudas na 'to," ingos nitong ikinaubo ni Lucas na natawa.
"Hey, it's Lucas not hudas. Don't murder my name--honey."
"Che!"