Chapter 3

2029 Words
NAPANGUSO si Nicolette na nanatili sa kinauupuan. Kumuha naman si Lucas ng damit nito na pwedeng isuot ng dalaga. Isang white shirt at boxer briefs nito ang dinala niya kay Nicolette na nakaupo sa gilid ng kama. “Here, you can use my clothes. Malinis naman iyan saka–wala akong putok o sakit sa balat. You're safe to use my clothes,” wika nito para makapagbihis na rin ang dalaga. Ayaw mang isuot ni Nicolette ang damit nito–lalo na ang boxer briefs nito, wala naman siyang ibang pamimilian. Wala siyang ibang mapupuntahan sa mga sandaling ito. Wala siyang pera, walang kaibigang mapagtataguan at maski cellphone ay wala. Hindi naman siya pwedeng umuwi dahil tiyak na nag-aapoy na sa galit ang ama niya dahil sa pagtakbo niya sa kasal nila ni Sixto. May parte sa puso niya na nagsisisi siya na tumakbo siya. Pero wala na siyang magagawa at tapos na. “Ayaw mo? So, ganyan na lang ang suot mo, gano'n ba?” untag ni Lucas dito na napipilitang inabot iyon at tumayo. Bakas ang kakaibang lungkot at pag-aalala sa mga mata nitong ikinalunok ni Lucas. Hindi niya pa ito lubusang kakilala. Pero ramdam naman niyang magaan ang loob niya sa dalaga. Pakiramdam niya nga ay gusto niyang alagaan ito at protektahan. Napakaamo kasi ng maliit nitong mukha. Idagdag pang may kaliitan siyang babae at balingkinitan din naman ang pangangatawan. Napalunok ito na napasulyap pa sa cleavage ni Nicolette. Nakalantad kasi iyon dahil off shoulder ang gown nito. Kaya kita kung gaano kabilog ang mga iyon na tila inaakit si Lucas na lamasin niya ang mga iyon! “Sige na, maligo ka na doon. Pagkatapos mong maligo, puntahan mo ako sa kusina. Kumain muna tayo bago pag-usapan ang mga bagay-bagay,” saad ni Lucas dito na marahang tumango. Napangisi ito na nakasunod ng tingin kay Nicolette na nagtungo sa banyo. “Honey, do you need me to scratch your legs?” pahabol nitong nilingon ng dalaga at pinaningkitang napahagikhik. “I'm just suggesting, you know. Baka lang you need my help, I'm willing to scratch your–” “Pervert!” ingos nito na inirapan si Lucas na malutong na napahalakhak. Nagdadabog itong pumasok sa banyo na dinig na dinig pa niya ang malutong na halakhak ng binata. Nag-iinit ang mukha niya na nasungitan iyon. Baka mamaya kasi ay palayasin na siya ni Lucas o kaya ay ipasundo kay Sixto! Napepreskohan kasi ito sa binata. Basang-basa niya kung gaano ito kaloko at ka-playboy. “Honey daw, hmfpt! Pasalamat ka-- gwapo ka.” Ismid nito na inabot ang zipper ng gown nito mula sa likuran. “s**t! Ano ba!?” Nagpapaikot-ikot na siya sa loob ng banyo na hindi niya maabot-abot mula sa likuran ang zipper ng gown nito. Nangangawit na nga ang braso niya pero hindi niya maibaba ang zipper ng gown niya. “Kainis!” sigaw nito na nababanas na. Naalala naman nito si Lucas. Binuksan niya ang pintuan at napasilip. Akma namang palabas na si Lucas ng silid kaya tinawag niya ito. “Hudas, I. . . I need your help,” pagtawag niya sa binata. Napalingon naman si Lucas na napangisi pa. Pinaningkitan ito ni Nicolette. Kung kaya niya lang hubarin ang gown niya na siya lang mag-isa, hindi niya ito tatawagin. Nag-iinit ang mukha nito na nakapaskil ang pilyong ngiti sa mga labi ni Lucas. Nagniningning pa ang mga mata na tila nage-enjoy mang-asar. “Yes, honey? Lucas nga kasi. Don't murder my handsome name. Binabawasan mo ang kagwapuhan ko sa pahudas mo,” natatawang saad nito na nagtaas baba sa dalagang nakabusangot. “Gusto mo bang. . . maligo ulit ako para sabay tayo, honey? Pwede naman. Masarap maligo na may magandang binibining kasabayang maligo e.” Malanding saad nito sabay kagat ng ibabang labi. Napataas ng kilay si Nicolette dito na hindi nagpaapekto sa pang-aakit sa kanya ng binata. Gustong-gusto na niya itong pingutin sa tainga at kurutin ng pinong-pino. Nag-aalangan lang ito dahil hindi niya pa lubos na kabisado ang ugali ni Lucas. “B-bwisit na ‘to. Ang manyakis mo talaga. Ibaba mo lang iyong zipper ng gown ko. H-hindi ko kasi maabot e.” Saad ni Nicolette dito na napasipol pa. “Gusto mong hubaran kita, honey? Iyon lang pala e–” “Hwag nga kasing madumi ang utak mo. Ibaba mo lang ‘yong zipper dahil hindi ko maabot, okay? Saka pwede ba? Hwag kang magpa-cute sa akin. Hindi ako nagugwapuhan sa'yo,” ingos ni Nicolette ditong napahagikhik. “Fvck, honey! Ikaw pa lang ang naglalakas loob na murder-in ang kagwapuhan at pangalan ko a. Don't you know who am I?” bulalas ni Lucas ditong napaikot ng mga mata na tumalikod na dito. “Pakibaba na lang po ang zipper ng gown ko at lumabas ka na. Iyong tyan mo kumakalam na pero heto ka’t nagagawa pang maghasik ng kalandian,” ingos ng dalaga ditong natawa at iling. “Fine.” Aniya na humakbang palapit. Napalunok si Nicolette na pinapakiramdaman ito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na maramdaman ang kamay nitong dahan-dahang ibinababa ang zipper ng gown nito. “Ang ganda mong babae pero ang dami mong pimples sa likod,” biro ni Lucas na dama niyang kabado ito. “H-hoy, hwag kang mag-imbento! Makinis ang balat ko! Kahit singit at kili-kili ko nga ay maputi e!” sikmat ni Nicolette ditong napahagikhik na tuluyang ibinaba ang zipper. Napasipol pa siya na napadila ng labi na mapasadaan ang likuran ng dalaga. Maputi kasi ito at makinis. Kitang-kita niya ang kurbada nito na nakalihis na ang zipper ng gown nito. Mahigpit namang hawak-hawak ni Nicolette ang gown niya para hindi iyon mahulog. “Maputi ang singit mo? Patingin nga, honey.” Tudyo ni Lucas dito na naningkit ang mga matang nagdadabog pumasok at pabalang isinarado ang pintuan na ikinahalakhak ni Lucas. “Damn. Seryoso ba siya? She's not affected or attracted to me? Woah! First time, Lucas boy, first time!” Bulalas nito na kakamot-kamot sa batok na lumabas ng silid. Mahinang natawa si Nicolette na marinig pa niya ang naibulalas ni Lucas bago lumabas ng silid. Naiiling na lamang ito sa kakulitan at kahanginan ng binata. Pero nakakatuwang kahit presko itong kausap ay hindi na siya naiilang dito. Magaan na ang loob niya kay Lucas at unti-unti na rin siyang nagiging komportable na kausap ito. Ni hindi na siya naiilang na magsungit dito dahil sa nakikita niya--mabait ito kahit maloko. Mapait itong napangiti na napahaplos pa sa wedding gown nitong isinabit nito sa hanger. Tiyak niyang sa mga oras na ito ay galit na galit na sa kanya ang pamilya ni Sixto, si Sixto at lalong-lalo na ang kanyang ama. Baka nga mamaya ay isinusumpa na siya ng mga ito na mawala na lang siya. "Mama, gabayan mo po ako. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Gusto ko nang makalaya mula kay papa. Gusto ko na lamang lumayo sa mga oras na ito. Pero napakaimposible namang makaalis ako na wala akong maski anong gamit dito. E kahit piso nga ay wala ako. Kaya paano ako makakalayo nito? Paano ko po ba matatakasan ang gusot na ito?" piping usal nito na naiisip ang ina niya. Napayuko ito na hinayaan ang mga luhang nag-aalpasan sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay lalong sumikip ang lugar na kinaroroonan niya ngayon. Dahil kailangan niya munang magtago hanggang lumamig ang sitwasyon. Hindi na niya alam kung saan siya lalapit para humingi ng tulong. Si Lucas na lang ang nakikita niyang pag-asa niya para makapagtago siya kina Sixto at sa ama niya. Nang mas makalma na nito ang sarili. Nagpahid na siya ng luha na pinakatitigan ang repleksyon sa salamin. Mapait na napangiti na hinaplos ang mukha sa repleksyon nito. "Kaya mo ito, Collette. Ikaw pa ba? Malaki ka na. Kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Malalagpasan mo rin ang kaguluhang ito. Laban lang, self." Pagpapalakas loob nito sa sarili kahit na awang-awa siya sa kanyang sarili dahil wala siyang matatakbuhan sa mga sandaling ito na kailangan niya ng tulong. PASIPOL-SIPOL si Lucas habang iniinit ang ulam na niluto ng tauhan niya kanina. Mabuti na lang at nagluto si Officer Ramos kanina ng tanghalian. Kaya hindi na siya magluluto pa at kumakalam na ang sikmura nito. Idagdag pang pagod ito sa ilang oras nilang pag-apula sa sunog kanina sa warehouse. Hindi kasi biro ang humawak ng hose para mag-apula ng nagliliyab na apoy! Habang hinihintay uminit ang ulam nilang chicken adobo at beef broccoli, naghain na ito ng kanin at juice sa mesa na para sa kanila ni Nicolette. Alam niyang malaking gulo kapag mapag-alaman ng pamilya niyang may babae siyang itinatago sa unit niya at isa pa itong run-away bride ng kaibigan niya! Pero sa nakikita kasi nito, walang ibang matatakbuhan ang dalaga. Kaya pinapakiramdaman niya muna ito at susubukang alamin kung bakit hindi nito itinuloy ang kasal nito at kung anong plano nito. Kung nasa katwiran naman ang dalaga at kailangan niya ng tulong ni Lucas, malugod niya itong tutulungan. Nakatitiyak naman siyang nasa likuran niya lang ang pamilya niya na nakahandang protektahan siya kung sakali. Alam niyang malaking gulo kapag nahanap na nila Sixto at ama nito si Nicolette, gano'n pa man, hindi pa rin nagbabago ang isipan nito na tulungan ang dalaga. Hindi niya kayang maatim na paalisin ito sa poder niya para lang hindi siya madamay sa gulong napasok nito. "Uhm, pwede na 'yong ulam, hudas." Wika ni Nicolette na hindi nito namalayang nakalapit na sa lalim ng iniisip nito. Napabalik ang naglalakbay nitong diwa na marinig ang dalagang nagsalita. Nagmamadali pa itong kinuha ang ulam na naghain sa mesa. Naiiling naman si Nicolette na naupo at nagsalin ng juice sa baso. Kahit mainit kasi ang ulam, tila hindi manlang napaso si Lucas na kunin iyon. Mukhang sanay na nga ang palad nitong humawak ng mainit dahil bumbero ito. "Honey, Lucas nga kasi. Hwag mo namang papangitin ang pangalan ko," naiiling saad ni Lucas na ipinaglagay sa plato ang ulam si Nicolette. "Call me Collette kung gusto mong pangalan mo ang itawag ko sa'yo. Hindi nga kasi honey ang pangalan ko e." Ingos ng dalaga ditong natawa. "Ayoko. Mas bagay sa'yo ang honey." Sagot nitong ikinataas ng kilay ni Nicolette dito. "E 'di ayoko rin. Mas bagay sa'yo ang hudas kaysa Lucas." Saad nitong ikinahagikhik ni Lucas na napailing. "Pasalamat ka, mabait ako sa magaganda, honey." Aniya pa na kumindat sa dalaga nang magsalubong ang mga mata nila. Napangisi lang naman si Nicolette dito. Kahit sa maiksing panahon na nakakasama niya ito, ramdam naman niyang hindi mahirap pakisamahan si Lucas. Ni hindi nga ito napipikon na sinusungitan niya ito. Bagay na lihim niyang ikinangingiti sa isipan. "Sinasabi mo bang maganda ako?" tudyo ni Nicolette ditong napangisi. "Did I say it?" balik tanong naman nito sa dalaga. "E bakit mabait ka sa akin?" tanong ulit nito na ikinatikhim ni Lucas at nagsimula na ring kumain. "Mabait na ba ako sa lagay na to, honey?" tanong naman ni Lucas dito na nagsubo na rin. "Mabait ka naman. Medyo nakakabwisit ka lang saka mukha kang manyak." Walang prenong saad ni Nicolette ditong nasamid at sunod-sunod na napaubo! Natawa naman si Nicolette na inabutan ito ng tubig. Namula pa ang mukha ni Lucas sa pagkakasamid nito. Napainom ito ng tubig na ilang beses napatikhim at tila bumara sa lalamunan ang nilunok nito. Pinaningkitan nito ang dalagang napalapat ng labi na nag-iwas ng tingin. "Hwag ka namang masyadong prangka, honey. Baka mamaya e, maamin mo biglang may gusto ka sa akin. Ikaw rin--baka sunggaban kita," kindat ni Lucas ditong napakurap-kurap na ikinahagikhik ni Lucas. "Ha ha. . . ang kapal ha? Ang kapal-kapal ng mukha mo, hudas." Nakangising pambabara nitong ikinaubo ng binata. "Fvck! Honey naman e!" parang batang reklamo nitong ikinahagikhik ng dalaga. Natatawa na rin itong napakamot sa batok na naiiling sa kamalditahan ng dalaga sa kanya. Sa nakikita niya kasi, hindi na naiilang o natatakot si Nicolette sa kanya. Unti-unti nang nagiging komportable ang dalaga sa kanya at hindi na natatakot o nag-aalangan na sungitan ito o barahin. Bagay na ikinangingiti nito sa isipan at napapaamo na niya ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD