Chapter 4

2003 Words
HABANG magkaharap silang kumakain ay inaaral ni Lucas ang ugali ng dalaga. Sa nakikita naman nito ay hindi ito maarte sa pagkain. Kitang gutom na gutom din ito at napakaganang kumain. Ni hindi alintana kung tataba siya na nakatatlong ulit din ito maglagay ng rice sa plato. Ibang-iba ito sa mga babaeng nakaka-fling na ni Lucas. Ang mga iyon kasi ay pawang maaarte na kahit sa pagsubo ng pagkain ay pakeme-keme. Pero kung isubo naman ang sandata niya, daig pa nila ang mga boldstar sa palabas! Matapos kumain ay tinulungan ni Nicolette na magligpit ng mga pinagkainan nila ang binata. Nahihiya pa ito dahil aminado siyang hindi siya marunong sa mga gawaing bahay. Magagalit kasi ang ama niya kapag nakikialam siya sa kusina nila. Dahil may mga binabayaran daw silang katulong na gagawa sa mga gawaing bahay. "Ako na dito, honey. Doon ka na lang sa sala. Kaya ko na ito," wika ni Lucas dito. "S-sigurado ka?" tanong ni Nicolette ditong matamis na ngumiti at kumindat pa sa dalaga. "Aha. Sige na." Anito na nagsimula nang banlawan ang mga hugasin. Napanguso namang tumango si Nicolette na iniwan na ito. Naparami rin kasi ang nakain niya dahil maganang kumain si Lucas. Naiwan naman si Lucas na nangingiting naghuhugas ng mga plato. Naiiling pa ito na hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit napakagaan na kaagad ng loob niya kay Nicolette. Na parang may connection siya dito kahit ngayon niya pa lamang nakakasalamuha ang dalaga. Matapos maghugas ng mga pinagkainan nila si Lucas, nilinisan na muna niya ang kusina. Pinunasang maigi ang mesa at countertop para makatiyak na malinis ito. Nag-vacuum at mop din siya ng sahig bago sumunod sa dalaga na nasa sala. May dala pa itong anim na beer in can at gusto niyang irelax na muna ang katawan. Nanonood naman ng werewolf movie si Nicolette na tinabihan nito–ang Twilight Saga na palabas nila Robert Pattinson at Kristen Stewart. Naupo si Lucas sa sahig kung saan paanan ng dalaga. Inilapag niya sa center glass table niya ang mga dalang beer. Nakatutok naman si Nicolette sa palabas. Kitang kinikilig pa ito sa kanyang pinapanood. Inabot ni Lucas ang isang beer na binuksan iyon. “You want some?” alok niya na napatingala sa dalagang nakaupo ng couch. “Hindi, okay lang. Hindi kasi ako umiinom e. Ikaw na lang,” sagot nito na sa TV nakatuon ang attention. Napatango-tango naman si Lucas na tinungga iyon habang nakatitig pa rin sa dalaga. Ngayon niya lang kasi mas natititigan ang mukha nito. Mas maganda pala ito kung walang make-up. Kitang-kita ang natural niyang ganda at kakinisan. Lihim na napangiti si Lucas habang kinakabisa ang mukha nito. Hindi kasi siya napapansin ni Nicolette at nakatutok ito sa palabas. Napapangiti pa ito na kinikilig sa dalawang bida sa kwento. “Forbidden love,” ani Lucas na ikinalingon ni Nicolette dito at nagsalubong ang mga mata nila. “Ha? Ano iyon?” ulit nitong tanong na muling sa TV natuon ang attention. Napailing naman si Lucas na tinungga ang beer nito at bumaling na rin sa palabas. “Forbidden love ang story na ‘yan. Bawal na pag-ibig. Pero ipinaglaban nila ang isa't-isa kasi pareho silang nagmamahalan. Magwo-work lang talaga ang tinatawag na pag-ibig–kung pareho niyong mahal ang isa't-isa.” Wika ni Lucas na ikinalunok nitong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Tumingala ulit si Lucas dito nang ilang minutong kapwa sila natahimik. Kitang nagbago na rin ang mood ng dalaga. Nakabusangot ito na bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata. Nangingibabaw sa mga iyon ang matinding lungkot. “You are not alone, Collete. If you need my help, then be honest with me. Malaking gulo itong pinasok mo. At dahil sa akin ka sumakay para makatakas ka sa kasal niyo ni Sixto–damay na rin ako. Hindi na nga ako magugulat kung ako ang pagbintangan nila balang araw na tumangay sa'yo para hindi matuloy ang kasal. Kahit na hindi ko naman sinasadyang matangay ka, nand'yan na iyan. Hindi natuloy ang kasal niyo dahil tumakbo ka.” Pagsisimula ni Lucas na nagseryoso na din para makausap ng masinsinan ang dalaga. Napalunok si Nicolette. Biglang pinagpawisan ng malapot dahil kita nitong seryoso na si Lucas. Hindi naman ito galit. Pero nakakakaba pala kapag gan'tong serious mode siya. Mas magaan siyang kausap kapag umiiral ang kakulitan at kahanginan nito. Hindi siya kinakabahan na kausap ang binata. Umayos ng upo si Lucas sa tabi nito. Malamlam ang mga matang tumitig sa dalagang kita nitong natatakot at kabado. Napababa ang tingin niya sa kamay ng dalaga na mahigpit na nakahawak sa laylayan ng shirt nito. Akmang hahawakan niya iyon nang napakamot si Nicolette kaya sa hita nito dumapo ang kamay ni Lucas na sabay nilang ikinatigil na napatitig doon at namilog ang mga mata! “H-hey, it's not what you–” “Pervert ka talaga!” sikmat ni Nicolette na malakas itong binatukang muntik pang sumubsob! Napahawak si Lucas sa batok na namimilog ang mga matang sinamaan ito ng tingin na kaagad nag-iwas ng paningin sa binata at pinamumulaan ng pisngi! “Batok kaagad? Hahawakan ko sana ang kamay mo kasi kabado ka pero nagkamot ka kaya hita mo ang nahawakan ko. May mga kuto ka ba? Pahamak naman ang mga iyan e!” reklamong paliwanag ni Lucas ditong napalapat ng labi. “Wala akong kuto noh? Palusot ka pa,” ingos nito para pagtakpan ang guilt nitong nabatukan ang binata. Naiiling umayos ng upo si Lucas na nakamata ditong hindi masalubong ang mga mata. Namumula ang pisngi nito na kitang pigil-pigil ang sariling mapangiti. “Seryoso na, honey. Bakit? Why did you run away? Hindi mo ba naiisip na malaking gulo ang ginawa mo? Nadamay pa ako. Mabuti sana kung napadaan lang ako doon pero–damn, Sixto is my best friend since college. Paano ‘to? Anong sasabihin ko sa kanya? Paano ako magpapaliwanag sa kanya na hindi siya magagalit sa akin? Honey, parang kapatid ko na si Sixto. Baka naman dahil sa ginawa mo e–masisira ang isang dekadang friendship namin,” seryosong saad ni Lucas dito na napalapat ng labing hindi nakaimik. Napabuntong hininga ng malalim si Lucas na wala siyang nakuhang sagot mula sa dalaga. Inubos nito ang natitirang laman ng beer nito at saka inilapag iyon sa mesa na inabot ang bago at saka binuksan. Akmang tutunggain niya sana iyon nang kunin iyon sa kanya ni Nicolette at saka tinungga. Napakurap-kurap pa siya dahil nalukot ang magandang mukha nito na kitang hindi sanay sa lasa ng beer. Napailing itong ngingiti-ngiti na nag-abot ng bagong beer at binuksan na tinungga. Ilang minutong natahimik ang mga ito. Magkatabing umiinom habang nagpapakiramdaman. "Nagbago ang isip ko. Bagong magkakilala pa lang kasi kami ni Sixto. Aminado naman akong may kasalanan ako kasi pumayag akong magpakasal kami nang alukin niya ako. Kanina noong tinitignan ko siya sa harapan ng simbahan, para akong nahimasmasan. H-hindi pa pala ako nakahandang magpakasal. L-lucas, mahigit isang buwan pa lang kaming nagdi-date ni Sixto. Pero dahil boto ang mga magulang namin sa aming dalawa, kaya napunta sa kasalan ang kabago-bago naming relasyon." Mababang saad ni Nicolette na ikinatigil nitong dahan-dahang napalingon sa dalagang sa malayo nakatanaw ang malungkot nitong mga mata. Napalunok si Lucas sa nalaman. Oo nga't magkaibigan sila ni Sixto. Pero dahil abala siya sa trabaho, hindi niya na naitanong pa sa kaibigan kung saan nito nakilala ang bride at kung gaano na sila katagal. May parte sa puso niya na nalungkot para sa kaibigan niya. Dahil hindi biro ang kinakaharap ngayon ni Sixto na kahihiyan sa publiko na hindi natuloy ang kasal nito. Pero nauunawaan naman niya ang side ni Nicolette na hindi pa ito handang mag-asawa. Marahil ay nagpadalos-dalos lang ang dalawa at sa nakikita naman nito, hindi pa gano'n kalalim ang pinagsamahan nila Sixto at Nicolette. "Do you want to talk to him in private? I can call him for you. Para makapag-usap kayong dalawa ng masinsinan. Maipaliwanag mo sa kanya ang rason mo kaya hindi ka tumuloy sa kasal niyo." Seryosong saad ni Lucas dito na marahang umiling. "N-natatakot ako." Mababang sagot ni Nicolette dito na ikinatango-tango nito. "Fine. Hindi ko muna sasabihin sa kanila na nandidito ka sa akin. Pero--anong plano mo niya'n?" tanong ni Lucas dito na tumungga sa beer na hawak nito. Napangiti si Lucas na muling nalukot ang magandang mukha nito na kitang hindi gusto ang lasa ng beer. "Hindi ko nga rin alam e. Wala akong matatawag na kaibigang matatakbuhan ngayon. Ni wala nga akong dala dito na pera maski cellphone ko. Natatakot akong umuwi sa amin. Alam ko kung paano magalit ang papa. Tiyak na malalatigo niya ako. Iba siya magdesiplina e. Kahit dalaga na ako, nagkakapasa pa rin ako kapag nilalatigo niya ako kasi gano'n siya magparusa sa tuwing nagkakamali ako. Akala ng mga tao, napakabait ng papa ko dahil iyon ang nakikita nila na pinapakita niya sa publiko. Kung sa publiko, palangiti siya at madaling malapitan at mahingan ng tulong? Pagdating sa akin na nag-iisa niyang anak ay napakahigpit niya. Kaya ayokong umuwi sa amin. Natatakot ako. Baka hindi lang latigo ang maranasan ko," mababang saad nito na nakayukong panay ang tulo ng luha na naiisip kung gaano kalupit ng kanyang ama. Natigilan naman si Lucas. Alam niyang umiiyak ang dalaga at dama niya sa boses nito kung gaano ito katakot sa ama niya. Nanginginig pa ang boses at katawan nito habang nagkukwento sa mga karanasan niya sa kanyang ama. Napalunok ito na pinasandal ang dalaga sa balikat niya. Maya pa'y napahikbi na ito na inakbayan nitong marahang hinagod-hagod sa likuran at hinayaang umiyak ang dalaga sa dibdib niya. Hindi niya lang lubos akalaing napakalupit pala ng ama ng dalaga. Ngayon lang siya naka-encounter ng gano'ng uri ng ama sa kanyang anak. Lumaki silang magkakapatid na puno ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. Hangga't maaari ay ayaw ng daddy at mommy nila na nasasaktan sila. Kaya naman mula pagkabata, hindi nawawala sa tabi ng mga ito ang kanilang mga bodyguard na nakahandang protektahan sila sa mga mambu-bully sa kanila. Ni minsan ay hindi nila naranasang mapagbuhatan ng kamay ng kanilang mga magulang. Hindi rin sila nabubulyawan ng mga ito. Kapag may nagawa silang kasalanan, kinakausap sila ng mahinahon ng kanilang mga magulang. Kaya lumaki silang magkakapatid na malaki ang respeto sa mga magulang at hindi mapagmataas. Dahil pinalaki sila na may mabuting puso kahit na kabilang sila sa mga pinakamayamang pamilya ng bansa. "Tahan na. Papangit ka niya'n," biro nito sa dalaga. "Kainis ka," ingos nito na nagpahid ng luha. Natawa ito na tumuwid na ng upo si Nicolette. Namula pa ang pisngi, ilong at mga mata nito dala ng pag-iyak. "Feel better?" aniya na ikinatango ng dalaga. Napahinga ito ng malalim na malamlam ang mga matang nakatitig sa dalaga. Sa kabila pala ng maganda at maamo nitong mukha, may kalungkutang nagkukubli sa pagkatao nito. Kaya siguro wala siyang naging kaibigan dahil na rin sa pagiging istrikto ng ama nito. "Hwag mo akong tignan ng ganyan. Hindi ka gwapo sa paningin ko," kunwari'y ingos ni Nicolette na matiim na nakatitig sa kanya ang binata. Natawa ito na napakamot sa batok. "Pambihira. Gusto mo bang palitan ko 'yang mga mata mo? Para makita mo naman kung gaano ako kagwapo," naiiling saad ni Lucas ditong napataas ng kilay na ngumisi. "Gwapo ka na sa mukhang iyan?" makahulugang tanong ni Nicolette ditong nasamid sa iniinom na beer at napaubo na ikinahagikhik ng dalagang hinagod-hagod ito sa likuran. "Teka--iba na 'yan e. Hinahampas mo na ako e," paninita ni Lucas na halos mapasubsob na siya sa lakas ng hampas nito sa likod niya. Pinaningkitan niya ang dalagang napalapat ng labi na nag-iwas ng paningin sa kanya. "Ganyan ka ba maglambing, hmm? May kakilala kasi akong mahilig mangurot at manghampas e. Iyon pala--gusto niya 'yong lalakeng gustong-gusto niyang hinahampas at kinukurot. Baka gano'n ka rin mag-express ng pagmamahal mo kaya--sige lang, honey. Hampasin at kurutin mo lang ako," nakangising kindat nito sa dalagang napairit na sinabunutan itong malutong na napahalakhak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD