NANIGAS si Nicolette sa kinatatayuan na hindi makagalaw! Para siyang lumulutang sa alapaap sa mga sandaling ito habang salitang sinisipsip ni Lucas ang mga labi nito. Napakasuyo ng halik nito na tila ingat na ingat ang bawat paghagod. Nangingiti naman sa isipan si Lucas na patuloy sa masuyong paghalik sa dalaga na hindi ito makakilos sa kinatatayuan. Ni hindi ito makatugon na halatang wala pang experience. Napakatamis ng mga labi nito at hindi nanghihinayang si Lucas na inangkin ang mga iyon. Dahil kahit marami na siyang naikamang babae ay wala pa ni isa ang nakakahalik sa kanyang mga labi! Hindi ito nagpapahalik sa mga labi. Iyon ang unang-unang kondisyon niya sa isang babae bago niya ito ikama. Hindi rin siya sumisisid ng talaba kahit gaano pa kaganda ang babaeng katalik nito. Dahil

