NANGINGITI si Aling Gloria na pinapanood ang dalawa sa harapan. Nagpapabebe kasi si Lucas kay Nicolette. Sinadya nitong kumain sila habang nasa byahe. Kaya nagpapasubo siya sa dalaga. “Honey, painom naman oh?” paglalambing nito na inginuso ang juice ng dalaga. Kasalukuyan kasing sumisipsip si Nicolette sa straw ng iced tea nito. “Nasaan ang sa'yo? Dalawa lang ang kinuha mong drinks. Na kay nanay na ‘yong isa.” Tanong ni Nicolette at dalawa lang ang iced tea na binili nito, pero nasa one liter ang kay Nicolette at para sa kanilang dalawa iyon. “D'yan na lang sa'yo, honey. Nauuhaw na ako,” ungot nito na sa kambyo nakahawak ang isang kamay para may rason itong nagpapabebe sa dalaga. “Walang extra straw dito. Nagamit ko na ‘to.” Wika pa ni Nicolette. “It's okay. Sige na. Painom, hon

