NAMUTLA si Anton sa nalaman kung bakit siya kinausap ng magkapatid na Lucas at Matteo nang masinsinan! Kanina pa paulit-ulit na nagri-replay sa isipan nito ang sinaad ng magkapatid. Pero tila hindi iyon mag-sink-in sa utak niya! "Hwag ka sanang mailang sa asawa ko, Gov. At kung mapatunayan natin na magkapatid nga kayo ni Colette, sana hwag mong ipagtabuyan ang asawa ko. She suffered too much ever since she was a child. Dahil abusado at mahigpit sa kanya ang kinilala niyang ama. Ngayon lang naranasan ni Collette maging malaya at mahalin siya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil lumaki ito sa poder ng ama-amahan niya na ikinukulong siya at palaging sinasaktan. Hangga't maaari ay ayoko nang masaktan pa ang asawa ko. Tama na iyong mahigit dalawang dekada na nagdudusa siya sa kamay ng ama-am

