MAAGANG dumating ang documents na hinihintay nila Lucas. Kaya naman napaaga ang kasal nila ni Nicolette sa opisina ng mayor sa munisipyo. Hindi nakadalo ang pamilya ni Lucas dahil biglaan ang lahat. Gano'n pa man, maayos pa ring nasimulan ang seremonya ng kasal nila ni Nicolette at ang buong pamilya ni Gabby ang naging witness nila sa kanilang pag-iisang dibdib. "Sorry, am I late?" hinihingal na pabulong tanong ni Anton kay Matteo. "You're just on time, Gov. Pasensiya ka na ha? Naabala ka pa namin," sagot ni Matteo na mahina lang at nasa kalagitnaan na ng seremonya ang kasal. "It's okay. Para ko na rin kayong pamilya kaya walang kaso sa akin ito. Isa pa, gusto ko ring makilala ang bagong member ng pamilya niyo," sagot ni Anton na bumeso sa mga kasama nilang nasa opisina. Matapos ito

