Prologue

391 Words
Nakakainis naman ayaw talaga sagutin, ring lang nang ring yung kabilang linya. Sobrang nasasaktan na ako. Kagabi ko pa siya tinatawagan pero ayaw pa din akong sagutin. Tinawagan ko ulit siya at sa wakas ay sinagot din. "Hello?" aniya na parang bagong gising lang at walang interes sa kausap. "Bakit ngayon mo lang sinagot? Saan ka galing kagabi? Sila ba kasama mo ha?" sunod sunod na tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Ahh ganon? Silence means yes? Puta! Naiiyak na ako kasi alam kung tama nga ako, kasama niyang umiinom yung mga babae sa bar kagabi. Ang masaklap pa ay siya lang yung lalaki dun. "Hoy! Bakit hindi ka makasagot? Tama ba ako? Kasama mo nga ba talaga yung mga babaeng yun?"  Hindi ko na napigilang mapasigaw sa galit. Pati  ang mga luha ko ay kusa na ring tumutulo. Ang bigat na sa puso. "Oo, I'm sorry."  mahinang sagot niya. Napahagulhol ako sa nalaman ko. Syempre mga babae yung kasama niya at ilang araw niya na akong hindi kinakausap. Uminom pa talaga sila. Ewan ko nalang kung anong ginawa nila pagkatapos. Ayoko nang isipin, masakit na masyado. "Bakit hindi kita nakita?"  Umiiyak na ani ko. Napabuntong hininga siya. "Nakita kita, kaya tumakbo ako paalis at nagtago." Wow. Tinaguan pa talaga ako. Hindi ko na ma explain kung gaano kasakit yung mga nalaman ko ngayon. Pagod na pagod na akong humingi ng oras. Pagod na akong magpasensya, pero mahal na mahal ko siya. Hindi naman siya ganito dati. Bakit bigla ka nalang nagbago? "Bakit mo nagawa yun? Wala naman tayong problema diba, babe?" nasasaktan man pero nagbabakasakali pa din akong magiging okay kami. "Ayoko na, Zharm." malamig na tugon niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang aabot sa ganito ang usapan. Wala kaming pinag-awayan, bigla nalang siya naging cold at hanggang sa hindi na nga nagpapakita at nagpaparamdam.  "H-hindi mo na ba ako mahal?" natatakot man akong malaman ang sagot pero kailangan ko paring itanong. Please sabihin mong mahal mo pa rin ako Axel. "I --" putol niya at bumuntong hininga. "dont love you anymore." bakas sa tono ng boses niya ang pagiging seryoso.  Lalo akong napaluha ng sabihin niya ang huling katagang iyon. Hindi na niya ako mahal? Namuo ang halo-halong emosyon sakin. Nandoon na ang sakit, poot at galit.  "I don't know what to feel. I-i can't take this shits anymore. Okay, Let's break up!" Humahagulhol na sigaw ko. "Okay." Deritsang sagot niya bago pinutol ang linya. Nanlulumo akong napa upo sa sahig  ng aking kwarto. Parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko. Ganon nalang ba yon? Bakit ang dali-dali para sa kanyang pumayag na magbreak kami? Bakit hindi mo man lang ako pinigilan? Bakit hindi mo na ako mahal? Bakit, Axel? A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD