Chapter 1

1116 Words
Nagising ako dahil sa lakas ng alarm ko. Napatingin ako sa orasan at "Pucha alas syete na!" napasigaw akong nang mapagtanto ko kung anong oras na. Dali-dali akong napabangon at pumunta sa cr upang maligo. Alas otso pa naman klase ko. First day na first day o-oh, malalate ako. Nice! Pagkalabas ko ng cr ay agad akong pumunta sa closet ko at pumili na ng magandang susuotin. Simple lang yung napili kong suotin, wala ako sa mood magpasexy ngayon kaya I choose an oversized T-shirt and paired it with a high waist jeans. Ininsert ko ito at sinuot ang aking designer belt. I looked into my shoe rack to choose what to wear and I ended up with my white Nike sneakers.  Kinuha ko ang suklay ko na kasalukuyang nasa side table. Pumunta agad ako sa may vanity mirror para magpaganda. I combed my straight and color brown caramel hair, napangiti ako dahil sa natural na bagsak ng buhok ko. I put a little make up on my beautiful almond brown eyes. Isa ito sa mga paborito kong parte ng mukha. Dumadagdag sa ganda nito ang aking mga mahahaba at makakapal na pilik mata. For my final look, i put some reddish lip tint. I do prefer lip tint than lip stick though. Kinuha ko sa cabinet ang aking Montale perfume with a scent of vanilla. Inispray ko ito sa buong katawan, hmm ang tamis ng amoy ko.  Tiningnan ko pa muna ang itsura ko sa vanity mirror. s**t, ang ganda ko talaga. Para akong baliw ditong naka pose sa harap ng salamin. Nang makontento ay agad ko ng kinuha ang aking brown tote bag at nagmadaling umalis ng bahay. Nag commute lang ako papunta sa school. Hindi naman masyadong malayo ang school ko. I can be there for just 15 minutes kung hindi traffic, at mabuti naman ay nakisabay ang swerte sa akin dahil walang traffic. Wala naman siguro kaming masyadong gagawin  ngayong first day. And I know for sure na magpapakilala lang naman ng paulit ulit. Every student's weakness, well for me it's okay.  Actually, nasa 3rd year college nako and I'm taking up BS in Chemistry. Yes gustong gusto ko talaga maging Chemist ever since nag high school ako. I like to experiment things, i like to invent products and I wanted to be inside a laboratory mixing some stuff there like chemicals, you know? Kakarating ko lang sa school nang biglang nagvibrate yung phone ko. Si Steph pala yung best friend ko tumatawag. "Oh bakit?" "Wow! Good morning din."  sarcastic na sagot niya. Natawa ako. "San kana? Nasa field nako." masaya akong naglalakad sa field at kapag may nakakakasalubong na kakilala ay todo bati naman ako. Kilala kasi ako dito for being pretty! And of course, I'm so friendly kasi. Kaya siguro madami akong friends kasi makapal yung mukha ko, hindi ako nahihiyang kumausap ng tao.  But even though I have a lot of friends, I only have 2 very very close friends. Si Francine Ramos and Steph Gonzales. They are my treasures to be kept. Magkakaiba kami ng personality pero naging magkaibigan pa rin kami, ganyan talaga siguro. Our differences led us to build a unique and incomparable friendship.  Francine is a very shy type girl, sa ibang tao lang pero kapag kami yung kasama niya, kalog din yun. Steph on the other hand is like a mega phone. Ang ingay-ingay ng bunganga niya and she prefers small circle of friends than a big one. And me, ako lang naman ang pinakamaganda sa kanila. Just kidding, lahat kami magaganda. Ang pinagkaiba ko sa kanila ay ang pagkakaroon ng umaapaw na confidence. Well, hindi naman sa to the  point na nagiging mayabang ako noh! What i mean is, hindi ako nahihiya sa lahat ng bagay, especially sa pakikipag-usap ng tao. Friends na kaming tatlo since 1st year high school. Pagdating namin ng college ay nahiwalay na samin si Francine. Sa Cagayan University kasi siya nag-aaral and she's taking up Architecture. While kami ni Steph ay dito sa Mindanao University of the Philippines (MUP) same course kami. Sa totoo lang, dahil sa kanya ako nagkaroon ng interest sa pagiging Chemist. Lagi kasi itong nanunuod ng mga videos related Chemistry. "Kaya nga ako tumawag no kasi nasa field na din ako, antagal mong babae ka!"  nailayo ko agad sa tenga ko yung phone dahil sa lakas ng boses niya. Puta ang sakit sa tenga. Pinutol ko na agad ang linya nang makita ko siyang nakaupo sa bench at ang sama nang tingin sa akin. "Sorna, napasarap ang tulog eh." nagpapacute na sabi ko. Hindi naman ako natitiis nito eh. "Tse! Ang usapan 7:15 daw magkikita eh 7:45 na baliw!" naasar na ani nya. HAHAHAHA. Di ko na napigilan ang matawa. Di pa kasi siya nasanay eh lagi naman akong Filipino time. Naglakad na kami papunta sa building namin, hindi naman nawawala yung mga bumabati sa akin kaya pagdating sa room eh nangangalay na yung panga ko kakangiti. Sakto naman ang dating ng Prof namin na si Mr. Del Rosario sa Chemistry III. Kilala na namin siya ng mga old students dito dahil naging teacher na namin ito dati. Isa siya sa mga paborito kong prof kasi napaka approachable. Wala daw muna siyang e lelesson ngayon, so magpapakilala nalang daw muna kami sa isa't-isa dahil may iilan sa amin na mga new students. Nagpakilala na yung ilan sa mga ka blockmates ko, halos lahat naman kilala ko na. Yung apat lang na bagong students ang hindi ko kilala. Si Steph na yung kasalukuyang nagpakilala sa harap at ako na yung sunod kanya. Tumayo agad ako pagbalik ni Steph sa upuan niya, naglakad ako at ngumiti sa lahat. Yung pinakamagandang ngiting alam ko. "Good Morning. I'm Zharmella Vera. You can call me ganda. Nice meeting you all." masiglang pagpapakilala ko. Natawa naman ang karamihan sa kanila at yung ibang boys pa sa likod ay tinatawag nga akong ganda. Duh, I know right. hahaha Sa dalawang subject na nagdaan ay ganun lang ang ginawa namin ng paulit-ulit. Buti naman at free namin ngayon dahil wala kasi yung prof namin sa Biochemistry na subject namin. "Ter, punta tayo food hub. Gutom na ko." malakas na sabi ni Steph habang himas yung tiyan. Iyan na naman yung nakakarinding boses niya. Hindi ata to napapaos kahit buong araw magsalita nang pasigaw.  "Tara!" sabi ko sabay tayo at lumabas sa pinto nang may nakabunggo ako. Natapakan ko pa yung puting sapatos niya. "Aray! ano ba yan di kasi tumitingin eh." pagalit na sigaw ng lalaking nakabunggo ko habang pinapagpag ang nadumihang sapatos.  Familiar sa akin ang kanyang malalim na boses. Pag angat ko ng ulo para tignan kung sino yun ay gulat na gulat kami pareho nang makita din niya ako. Nawala din agad yung gulat ko at napalitan ng inis nang mapagtanto ko kung sino ito. "Oh, bakit kasi ang laki laki ng daan eh dito mo pa talaga napiling dumaan!" inis na ani ko.  Lumalabas ang pagiging mataray ko dahil isa lang namang manlolokong nilalang ang nakabunggo ko. Yes sino pa ba? Walang iba kundi si Axel Sy, ang pinakamamahal kong ex. "I-ikaw pala yan Zharm, s-sorry" nauutal na ani niya. Parang di makapaniwalang magkikita kami dito.  Pati ako ay hindi rin makapaniwala dahil sa loob ng apat na taon, ngayon ko lang uli nakita ang pagmumukha niya. To be continued. A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD