Butterfly 1: My School

1229 Words
"Leah! Anak! bumaba kana anjan na ang school bus male-late kana!" Anak ang tawag sakin ni manag kahit pa di niya ako totoong anak ay tinuturing niya akong parang anak, siguro sa kadahilanang kaming dalawa lang palagi dito at namimiss na siguro neto ang kanyang mga anak.  "Pakisabi po, dipo muna ako sasabay mag co-commute na lang po ako" Mas gusto kong mag commute kesa sa sumabay sa napakaingay na estudyante na akala mo naman ay sampung taong di nagkita. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam kay manang. "Iha, simula na naman ng klase ngumiti ka naman at makipag kaibigan nami-miss ko na yung ngiti ng alaga ko" haynako manang kung alam mo lang mas gugustuhin ko pang mapagisa kesa sa makipagkaibigan sa mga kaklase kong napakaingay. "Mauna na po ako, siguro po malate ako sa paguwi di pa po kasi kompleto gamit ko bibili po muna ako" nagpaalam din si manang sakin at heto na ako ngayon nagaantay ng bus papuntang school.  As usual napakaraming estudyante tulak dito tulak doon makasakay lamang dahil paniguradong mala-late sila pag dipa sila nakasakay, 7:30 na kasi at kadalasan 8:00 nagsisimula ang klase. Mabuti na lang at maaga ako kung kaya't maswerte akong nakaipo ngayon. Ang iba kasi'y nakatayo at naka kapit sa deretsong bakal sa itaas ng bus. "Pamasahe po, Pakiabot na lang po, makikiraan po" Dahil sa siksikan sa bus ayan di tuloy makaraan ng maayos ang konduktor para maningil ng pamasahe. "Excuse po pasingit,hehehe sorry po ate" Banggit sakin ng babae na nilingon ko lang at di pinansin. Ayun lang ang eksena sa bus, halo halong amoy ang meron sa loob, mas okay na to mejo mas maayos ang ganto dahil mejo tahimik kesa naman sa school bus na sobrang ingay.  Ringgg~~ Ringggg~~~ Sabay sabay na nagsitakbuhan ang mga estudyante dahil sa flag ceremony pero ang iba ay chill lang na naglalakad gaya ko. First day of class pa lang naman kaya dipa gaano ka strikto. "Stand Straight! Kamay sa dibdib!" Sigaw ng isang guro at sabay sabay kaming kumanta ng National Anthem, Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, Provincial Hymn, Municipal Hymn at School Hymn.  "Grr...Ako lang ba yung nangangalay ang paa sa napakatagal at napakaraming kanta sa Flag Ceremony isabay mo pa ang mga announcement na hindi naman pinapakinggan ng estudyante,chismis doon chismis dito, saka lang makikinig pag ang usapan ay program, activities at suspension" Hay sa wakas natapos din "Go back to your respective classrooms, enjoy your whole school year" enjoy nga ba?  "Good morning Mercury, so I'm Miss Venice Luna your adviser and English teacher. You can call me Ma'am Venice or Miss Venice. I hope we can get along together and welcome back or welcome to Soar High Academy." Or shall I say welcome back to hell dahil sa napakaraming activities na di maubos hanggang sa matapos ang school year. Bale grade 12 na ako isang taon na lang graduate na ako.  Introduce yourself muna kami since first day of class pa lang naman ayun may mga bagong classmates ang iba ay dati na. Ayun turn ko na bale sasabihin yung name, address, age at motto sa buhay. " My name is Leah Shai, I'm half american pero di ako tumira doon, Quezon City at My Land Village, 17, Motto is You better shut your mouth if nothing's good to bluster" Wala namang reaksyon ang iba kong mga kaklase ko dahil alam naman na nilang di talaga ako nakikipagdaldalan. "Since mabait naman ako, pero ngayon lang hahayaan ko muna kayong gawin ang gusto niyo. We will start our real class tomorrow so see you again and good bye" Isa si Miss Venice sa pinakaayaw mong maging guro sa lahat, bukod sa napakaraming activities sakanya ay mahilig pa mag pa-surprise quiz.  "Uhh, Hi! Kate nga pala. Bago lang ako dito walang pang kilala pwede ba makipagkaibigan sayo?" Bulalas ng babaeng katabi ko, hayst hindi ba neto naintindihan ang sinabi ko kanina? Pansin kong hinihintay neto na makipagkamayan ako sakanya pero yumuko na lang ako at kunwaring tulog at nang di maistorbo. "Ay hehe, oo nga pala naalala ko yung motto mo kanina sorry" narinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko dahil sa nakita nila at inaasahan nilang ayokong makipag usap sa kahit na sino. Natapos ang klase ng wala lang dahil nga sa first day of class pa lang naman. Dumeretso na ako sa School Supplies Store para kompletuhin ang mga gamit ko sa school. Bumili na din ako ng sketch supplies at ilang libro na magsisilbing panlibang ko sa sarili ko. ------------- Nagdoor bell na ako sa bahay para pagbuksan ako ng gate ni manang. "Magandang gabi anak,nakapagluto na ako sa kusina dumeretso kana sa kusina ha isasarado ko lang pinto" kahit kelan napakabait talaga ni manang sakin kung kaya't ayokong palitan siya nina mommy kahit na sinasabi nilang dapat kumuha na nag pamalit dahil mejo tumatanda na siya sampung taon na si manang samin at ayoko. "Opo" "Iha magusap daw kayo ng mommy mo tumawag ka raw saknya paguwi mo" Ano na naman bang sasabihin ni mommy. Miss ko na sila pero anong magagawa ko eh mas mahal nila ang trabaho nila. Ayun tumawag ako kay mommy habang kumakain. Mona Shai Ringing~~~ "Hello anak,musta ang unang pasok sa eskwela?" Bati sakin ni mama pero di nakatingin sakin dahil kahit na kausap ako trabaho padin ang kaharap, sanay na ako sa ganto pero miss ko na sila. " Okay lang po" matipid na sagot ko  " Ah anak sabi pala ni manang kanina na mukhang wala kana talagang balak sumakay sa school bus" At ayun sa wakas lumingon si mommy sakin. "Opo mom, bakit po?"  "At bakit naman anak? sayang naman ang pambayad mo dun" Eh para saan pa ang mga pera niyo nakakalimutan niyo na nga ako. "Ayoko po sa maingay, nakakarindi parang nakakabasag sa utak" Tumango lang si mommy bilang sagot neto  "Ah sige mga 2 months pa kasi bago ulit kami makauwi ng daddy mo,mag dedeposit kami ng pera sa card mo bumili ka ng sasakyan at kami na ang bahalang mag hire ng driver mo para dika mahirapan sa pagbyahe" Ayun! Bongga mejo natuwa ako dun. Ganyan ang nagagawa nang pera parang barya kung iwaldas,dina ako magtataka since 7 years old ako hanggang sa ngayon 17 na ako busy padin kayo sa trabaho gaano na kaya ang naipon niyo. "Sige po, mom asan po si daddy?" kung di niyo naitatanong daddy's girl ako lagi kong hinahanap si daddy si ate naman mommy's girl. " Dipa umuuwi ih,andun pa sa office may meeting na ginaganap. Bakit nak?" Ayun business again. " Ahh wala po mom" Kung alam niyo lang miss ko po yung parents ko. "Sige nak bye na sa susunod ulit" Doott.  7 mins. with Mona Shai. Call Again. Nagmamadaling paalam ni mommy di manlang ako nakapag I love you pero syempre mas love nila ang mga papel. Umakyat na ako sa taas at nag goodnight na kay manang. Nakakapagod na araw 8:45 pa lang dipa ako inaantok. Nag shower na ako at kung ano ano. 10:00 na gising padin ang diwa ko ilang oras akong nakatitig lang sa kawalan hanggang sa dinatnan na ako ng antok " Whaaaa~~~" Hikab ko --------------- "Wag mong gawin sakin to please...wag mong sabihin saknya!!" Pagmamakaawa sakanya ng isang babae habang umiiyak sa ginta ng daan malapit sa malawak na palaruan. Tumatakbo at pilit netong hinahabol upang maabutan sabay hawak sa braso neto. "Mahal kita per----" At biglang nawala ang lahat dahil sa napakalas na.... DugDugDug~~~ --------------- ( Pero ano? Dahil ano? Kasi ano? Kasi may mahal ka na bang iba?)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD