Chapter 15

2344 Words
"I MISS YOU BABY!" mahinang bulong ni Marinela, ngunit nagngingitngit ang kalooban niya. Ilang beses na rin siyang nagbuga ng hangin. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. Dahil sa totoo lang nagagalit siya. Gusto niyang sabunutan si August. Nais niyang muling sipain ang paa nito hanggang sa madagdagan ang injury nito. Tinitigan niya ang lalaki habang payapang natutulog. Pero ang inis na nararamdaman niya para dito ay hindi kayang pakalmahin ng pagtitig niya sa gwapo nitong mukha. Matagal na rin mula nang tumira siya sa bahay ni August. Ang ibig niyang sabihin ay nang alagaan niya si August. Pero sabagay, doon na nga siya talaga nakatira. Na para bang pinalayas na siya sa kanila. Ang mga damit niya, at gamit niya ay hindi man lahat, pero dinala na roon nina Fabio at Ria. Nabisita na rin siya ng mommy at daddy niya natuwang-tuwa na makita siyang naroroon. Pambihira. Ilang linggo na rin ang lumipas mula noong magkaaminan sila ng kanilang totoong nararamdaman para sa isa't isa. Ilang linggo na rin ang nagdaan noong naging opisyal ang relasyon nila. Ilang araw lang ang umusad mula noong araw na iyon, hindi na natulog sa gitna nila ang anak ni August. Ang sabi ng bata sa kanya ay big girl na raw kasi ito. Kaya dapat may sarili ng room pag matutulog na. For pete sake! Mahigit tatlong taon pa lang si Augusta. Ngunit parang ang laki-laki na kung magsalita. Pero masaya pa rin naman si Marinela kahit hindi na nila kasama sa iisang kwarto ang anak ni August. Lalo na at ang request lang nito ay patutulugin niya ito sa sariling silid nito. At pagtulog na si Augusta ay dapat nasa silid na raw siya ng Dada nito. Para mayroon raw itong kasama, at taga alalay pagkailangan nitong bumangon at mahiga. Napakamaalalahaning bata. Kahit napakabata pa nito ay napakaresponsableng anak. Bagay na mas lalong minahal ni Marinela kay Augusta. Ngunit ang alaalang iyon ni Augusta ay hindi naalis ang inis na nararamdaman niya. Lalo na ngayon ay umilaw na naman ang cellphone ni August. Hudyat na mayroon na naman itong natanggap na mensahe. "Why you didn't reply, baby? Busy? O baka naman nakalimutan mo na ako? Nagpakilala naman ako ah. It's me. The one and only Clemen." Muli ay basa ni Marinela sa ikalawang mensahe na dumating sa cellphone ni August. Kung bulkan lang siya ay siguradong nakasabog na siya. "Ang landi!" hindi na niya napigilang usal. Hanggang sa may mensahe na naman itong natanggap. "But I'm free, tomorrow. I miss you baby. Punta na lang ako sa house mo tomorrow. Okay. I miss our Baby Augusta too. Night baby!" Hindi na napigilan ni Marinela ang pagpatak ng luha niya. "Our baby?" ulit niya. "Ito ba ang mommy ni Augusta?" naitanong na lang niya sa sarili. Muli ay tinitigan niya ang mahimbing na pagtulog ni August. Kanina lang ay gusto na niyang abalahin ang masarap nitong tulog. Pero sa ngayon, gusto na lang niyang takpan ng unan ang mukha ng binata. Para hindi na nito makita pa ang bukas, at ang kung sino mang herodes na nagpadala ng mensahe dito. "Akala ko ba hindi maalala ng ina ni Augusta ang anak at si August. So possible, na hindi ang babaeng iyon ang mommy ni Augusta. Babaero talaga, tapos ang nagpapadala pa ng mensahe ay isang higad na malandi!" asik niya. Pero hindi nakatiis si Marinela. Ipinukpok niya ang cellphone na hawak niya sa ulo ni August. "Hu-whatz happened?" nauutal pang tanong ni August. Nagpigil pa siya ng sigaw, ng bigla na lang niyang mahigit ang paa dahil sa biglaan niyang pagbangon ay nasaktan siya. Napadako ang kanyang tingin sa babaeng katabi niya. Galit ito at parang gusto na siyang itulak pabagsak sa kama. "Hey! What happened?" matuwid na niyang tanong ng magising na ng tuluyan ang diwa niya. Napahawak na lang si August sa kanyang nananakit na ulo. Mukhang alam na niya kung ano ang dahilan ng pagkagulat niya. Parang ang paghampas ng cellphone na hawak nito ang salarin sa biglaan niyang pagkagising. "I don't know what's happening to you, Mahal? Pero ang brutal mo talaga ha. Please explain what happend. Hindi iyong basta ka na lang manghahampas ng cellphone sa ulo ng taong natutulog. Don't get me wrong. Hindi ako galit. Nagulat lang ako kasi nabigla ako. Maayos naman tayo kanina bago tayo matulog. Pero magigising akong parang ayaw mo na akong paabutin ng buhay bukas." "Mabuti alam mo. Balak ko na talaga iyon kanina pa. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Gusto ko na sanang takipan ng unan ang mukha mo. Hanggang sa hindi ka na makahinga." "What? Wait! Bakit ba galit ka na naman? Mahal, ano bang kasalanan ko?" "Mahal? Neknek mo. Hindi mo ako madadaan sa pagtawag-tawag mo ng ganyan sa akin." "Eh ano nga ang problema? Natulog lang tayo pero nagkaganyan ka na," malambing na sagot ni August. Hindi naman kasi talaga siya galit. Mas tamang sabihin na nag-aalala siya kay Marinela. Dahil sabay naman silang natulog at nakayakap pa siya sa dalaga. Pero heto at magigising siyang galit ito sa kanya. "Here!" ani Marinela at inihagis pa sa kanya ang cellphone niya. "Anong gagawin ko dito?" "Ipukpok mo sa ulo mo!" galit na saad ni Marinela. Bago ito tuluyang bumaba sa kama. Nasundan na lang ni August ng tingin ang dalaga nang pumasok ito ng banyo. Pabalibag pa nitong isinara ang pintuan. Bumaba ang paningin niya sa hawak na cellphone. Doon lang niya nagawang buksan iyon. Napakunot-noo naman siya ng makita ang tatlong mensahe kasama ang pagpapakilala ng babae sa kanya. Napahawak pa siya sa sentido. Ngayon alam na niya ang ipinaghihimutok ni Marinela. Inosente siya kahit ganoon ang mga mensahe sa kanya. Nakilala niya ang babae noong nag-aaral pa lang siya. Hindi lang siya sigurado kung nagkakilala na rin ito noon at si Marinela. Tapos ay nagkita ulit sila noon sa ibang bansa. Alam nitong may anak na siya. Ngunit hanggang sa wala raw siyang naiipakilala na asawa ay single pa rin siya para rito. Totoo namang single, single dad nga lang. Mula noon hindi na siya tinigilan ni Clemen. At walang sawa sa pagsasabing aakuin nito ang anak niya. Na ito ang magpapakilalang ina kay Augusta. Hell no! May nanay si Augusta. Ang babaeng hinihintay niya. Naalala na naman ni August ang unang araw na umuwi na silang mag-ama. Habang naiwan sa ibang bansa ang mga magulang niya. Sumunod pa ang babae sa kanila nang makauwi silang mag-ama. Kaya naman sobrang nakukunsumi siya noong mga araw na iyon. Maganda ang babae. Maganda ang katawan at mapapalingon ka talaga pagnilampasan ka. Pero para sa kanya wala pa ring tatalo sa ina in Augusta. Tipid pa siyang napangiti ng maalala niya ang anak. Totoong kamukha niya si Augusta. Pero kung titingnang mabuti. May parteng hawig ito ng kanyang ina. Bagay na hindi niya alam kung bakit hindi napapansin ng taong gusto niyang makapansin noon. Napabuga siya ng hangin ng mapasulyap na naman sa mensahe ni Clemen. Makulit ang babae, at palagi na siyang pinuntahan sa opisina. Pati ang bahay niya ay inalam din nito at nakapunta na rin ang babae roon. Hanggang sa natapos na ang bakasyon nito at bumalik na sa ibang bansa. Hindi niya akalaing nakabalik na ito. Ang masaklap lang, wala naman siyang ginagawang masama. Hindi rin niya alam na alam nito ang numero niya. Pero heto at galit na naman si Marinela sa kanya. Pinilit niyang bumaba ng kama. Kahit naman hindi pa maganda ang lagay ng paa niya ngayon at minsan ay kailangan pa rin niya ng alalay ay naiitapak na niya ang kanan niyang paa. Naiialakad na rin niya iyon. Gamit ang saklay. Ang kaliwa lang naman niyang paa ang labis na nagtamo ng malaking sugat at crack sa buto. Kaya kahit papaano nakakalakad na siya ng paunti-unti. Kahit limitado. "Mahal, alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. Let me explain. Wala naman akong pakialam sa babaeng iyon. Nakilala ko siya noong nag-aaral ako. Although naging fling ko siya. Pero hanggang doon lang iyon. Noong hindi pa kita nakikilala. Pero hindi noong naging malapit tayo sa isa't isa. Hindi rin ako nagpakita ng motibo sa babaeng iyon. Siya lang ang nagbigay. Pero hindi ako bumigay. Fling lang at wala ng iba. Tumigil na rin akong talaga. Nagkita lang ulit kami sa ibang bansa noong nasa ospital si Augusta. Pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Makulit lang talaga siya," paliwanag ni August. Ilang minuto siyang paulit-ulit ng paliwanag. Paminsan-minsan ang pagkatok niya sa pintuan ng banyo. Ngunit walang sagot mula kay Marinela. "Mahal, pag hindi mo binuksan ang pintuan ay ako mismo ang magbubukas nito!" banta niya, ngunit hindi naglipat ang minuto ay bumukas ang pintuan. Malamig lang ang tinging ipinukol sa kanya ni Marinela. Lalampasan lang sana siya nito. Ngunit hindi pa nakakahakbang si Marinela ng sumabit ang paa ng dalaga sa saklay niya. Nabitawan niya iyon. Muntik ng madapa si Marinela. Ngunit nagawa nitong ibalanse ang katawan. Siya naman ay hindi pa ganoong katibay ang pagkakatayo kaya naman patumbang tumama ang likuran niya sa pintuan ng banyo. Hanggang sa padausdos siyang napaupo sa sahig. Sa katunayan ay nasaktan siya. Ngunit mas masakit ang isiping galit sa kanya si Marinela. "August!" bulalas ni Marinela. Mabilis niyang dinaluhan ang binata. Oo nga at galit siya at naiinis siya. Babaero kasi si August noon. Hindi naman siya sigurado talaga kung hindi na ngayon. Pero kung totoong wala talaga itong pakialam sa babaeng nagpapadala ng mensahe dito, ay hindi naman talaga kasalanan ni August na maging gwapo. Kahit nga siya ay nainlove rin sa gwapong mukha nito. Pero aaminin niyang bonus lang ang gwapo. Dahil kahit babaero ito noon. Mabuting tao talaga si August, at iyon ang totoong minahal niya sa binata. "Okay ka lang? Sorry-sorry hindi ko sinasadya." Nakapikit naman si August at kinakalma ang pananakit ng paa na kanyang nararamdaman. Kahit nasasaktan siya ay natutuwa siya sa pag-aalala ni Marinela sa kanya. "I-I'm okay Mahal. Nawalan lang ako ng balanse. Pero okay lang ako. Pero sana paniwalaan mo ako. Wala akong pakialam sa babaeng iyon. Makulit lang siya. At kaya siya nakarating dito noon dahil sinundan niya ako. Pero hindi ko siya gusto. Ikaw ang mahal ko Marinela. Maniwala ka." Hinawakan ni Marinela ang kamay ni August at idinampi sa kanyang pisngi. "I'm sorry. Nagselos lang ako. Hindi ko sinasadya na masaktan ka. Dahil sa pagseselos ko, bumagsak ka pa sa sahig. I'm sorry August. Alam mo at alam kong nararamdaman mong insecure pa rin ako sa sarili ko. Dahil ako ang nauna sa puso mo, pero mas nauna ang mommy ni Augusta sa iyo. Tapos ngayon may ibang babae na naman. Paano kung hindi pa rin pala ako at iyong babaeng na iyon pala. Paano na ako?" Hindi na napigilan ni Marinela ang mapahikbi. Hindi naman siya iyakin. Matapang kaya siya. Pero sa isiping mauudlot na naman ang love story nila ni August ay pinanghihinaan na naman siya ng loob. Hinawakan ni August ang magkabilang pisngi ni Marinela. Tinitigan niya ang dalaga, mata sa mata. Bago unti-unting inilapit ang labi niya sa labi ng dalaga. "Mahal kita Marinela. Mahal na mahal," ani August, bago niya sakupin ang mapulang labi ni Marinela. Natigilan si Marinela. Hindi niya malaman kung tutugon ba siya sa init ng halik na ipinaparamdam sa kanya ni August sa mga oras na iyon. Ngunit bago pa niya magawang tumugon ay huminto si August sa ginagawa. Pinagdikit nito ang kanilang mga noo. "I love you, Mari. Mahal na mahal kita. Palagi mo sana iyong tatandaan. Ikaw lang ang minahal ko. Ikaw lang ang babae dito sa puso ko. Syempre si mommy at Augusta rin. Pero ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay ay ikaw lang at wala ng iba." "Pero paano ang totoong mommy ni Augusta? Ayaw mo ba siyang bigyan ng isang buong pamilya?" "Mauunawaan mo rin ang lahat pagdating ng tamang panahon Mari. Sa ngayon magtiwala ka lang sa akin. Kayong dalawa ni Augusta ang pinakamahalaga. Walang iba o sino mang babae ang makapagpapabago ng nararamdaman ko sa iyo. Ikaw at ikaw lang. Hindi si Clemen o kung sino man." "Trust me, Mahal. Trust me Mari," ani August at muling hinalikan sa labi si Marinela. Hindi naman mapigilan ni Marinela ang paglandas ng mga luha sa kanyang mga mata. Kakaiba ang hatid ng halik ni August sa kanya. May damdamin itong binubuhay. Hindi dahil sa namimiss niya ang halik na iyon. Ngunit sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang may mas higit pang dahilan. Hindi lang niya kayang sabihin o ipaliwanag. "Why are you crying, Mahal?" ani August, habang pinupunasan niya ang luha sa pisngi ni Marinela gamit ang hinlalaki ng kanyang kamay. "I don't know. Basta na lang ako naluha. Isa pa pakiramdam ko, para bang may kung anong bagay akong nakalimutan na hindi ko maalala. Pero alam kong mula nang magkaisip ako natatandaan ko naman ang lahat ng dapat kong matandaan. Pero bakit parang may kulang. Hindi ko maipaliwanag." Nakatingin lang si August kay Marinela. Kahit siya ay parang nawalan ng sasabihin. Hanggang sa nagawa niyang ngumiti sa dalaga. Hinalikan niya ito sa labi at kinabig payakap sa kanyang dibdib. "Huwang kang mag-isip ng kung anu-ano. Siguro ay napagod ka lang at napuyat ka na rin kaiisip sa nabasa mo. Sorry, kahit wala naman akong kasalanan. Kasi alam kong, kung hindi siya nagpadala ng mensahe, hindi ka masasaktan. Tahan na. Sorry ulit, Mahal." Ewan ba niya. Basta napangiti na lang si Marinela. Siguro nga, ganoon talaga kalalim ang pagmamahal niya kay August. Natatakot at nagagalit siya sa posibilidad na may ibang umagaw dito sa kanya. Pero dahil sa sinabi ni August, na kontento na lang siya. Masarap sa pakiramdam na manatili sa bisig nito habang naririnig niya ang t***k ng puso ni August. Pero hindi niya pwedeng hayaan na lang ito habang nakahandusay sila sa malamig na semento. Kaya naman inalalayan na niya itong makatayo. Hanggang sa makabalik sila sa kama. Tinulungan na rin niyang makahinga ng maayos si August. At nahiga na rin siya sa tabi nito. Habang nakaunan siya sa bisig nito at nakayakap dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD