"FOR YOU!" Napakunot-noo naman si Marinela ng marinig niya ang boses na iyon ni August. Lalo pa at inabutan siya nito ng tatlong piraso ng white roses. Kahit sabihing tatlo lang iyon ay nakaayos naman iyon, like a small bouquet.
Wala namang problema sa bulaklak. Kaya lang kailan pa, o papaano nagkaroon ng bouquet si August. Lalo na at alam naman niyang hindi pa rin naman nito nagagawang makalabas.
Nasa mahigit isang buwan na rin siyang nakatira sa bahay ni August kasama ang anak nito. Ganoon rin ang mag-asawang katulong ni August sa bahay.
"T-thanks," nauutal pa niyang saad. Inamoy muna niya ang bulaklak. Fresh ito at napakabango. Bago, siya muling nagbaling ng tingin kay August. "As if nakalabas ka sa lagay mong iyan? Hindi man lang kita napansin."
"Mowning Dada," bati naman ni Augusta sa ama.
"Good morning baby. For you!" ani August sabay abot ng halos busò pa na white roses na naka ayos din na bouquet.
"Thenk chuu Dada! I love you pu!" sagot naman ni Augusta at humalik pa sa pisngi ng ama. Bumalik na rin naman ang bata sa pwesto nito kanina. Sa may sahig at naglalaro ng kung anu-ano.
"Thank you sa pa flowers mayor. Kaya lang saan naman galing ito? Ang aga-aga ha. Huwag mong sabihing lumabas ka para lang bumili ng bulaklak?"
Natawa naman si August sa reaksyon ni Marinela. Nakataas kasi ang kilay nito. Mukhang nagtataray na naman.
"Smile ka na po mis----sis. Matatabunan ang ganda pag nakataas ang kilay mo. Sige ka!" biro pa ni August ng hampasin siya ni Marinela sa balikat.
Napangiwi na lang siya. Sa liit kasing babae ng dalaga ay sa bigat naman talaga ng kamay nito. Isama pa ang paa nitong sinasadyang sanggiin o sipain ang injured niyang paa.
"Hoy Augusto hindi pa tuluyang magaling ang paa mo. Isa pa ay hindi lang naman iyan ang kailangan mo lang pagalingin. Napakarami mo pang gasgas at pasa-pasa sa katawan. Gusto mong dagdagan ko kung hindi ka mananahimik sa isang tabi at magpapahinga?"
"Relax lang mis----sis ko. Ikaw naman. Wala pa ngang nangyayari sa atin. Huwag mong sabihin na buntis ka na kaagad. Ang tinik ko naman talaga," tudyo pa ni August.
Napatuwid sa pagkakaupo si Marinela. May kung anong damdamin sa puso niya na hindi niya maipaliwanag ng banggitin ni August ang salitang buntis. Ngunit agad niyang ipinagsawalang bahala ang bagay na iyon ng mapagtanto ang itinatawag nito sa kanya at ang sinasabi nito.
"Baliw ka! Sinasabi mo? Anong misis? Akala mo ba ay hindi ko napapansin iyang mga sinasabi mo. Isa pa, bibig mo. Hindi ka na nahiya sa bata. Until now, bitbit mo pa rin ang kaharutan mo. Hay naku ka Augusto," sermon ni Marinela.
Akmang sisipain na naman ni Marinela ang paa niya. Mabuti na lang at medyo nasasanay na siya sa mga ganoong paninja moves ng dalaga. Kung hindi ay malamang na talagang baka hindi na gumaling ang sugat at crack ng buto niya sa paa.
"Ang harsh mo talaga sa akin. Parang hindi mo naman ako mahal."
"Hep! Magkaiba ang mahal kita, sa gusto kong sipain ka sa paa dahil madalas gago ka. Aba't lumalayo na tayo sa ating pinag-uusapan. Saan galing ang mga bulaklak at ang aga-aga ay mayroon ka nito. Ingatan mo naman ang sarili mo. Nakakainis kang talaga." Mababakas ang pagkainis ni Marinela kay August. Ngunit lamang ang pag-aalala.
"Dyan lang ako galing sa likod bahay. At kung hindi mo napapansin, ka uuwi lang ng mag-asawang Tessa at Julio. Galing silang palengke at wala na ring stock ng pagkain. At ayon na nga. Nagpabili ako ng bulaklak. Hindi man kita mabilhan ng bulaklak, kaya nagpabili naman ako. Hindi naman kasi maaaring dahil okay na tayo, iyon na 'yon. Gusto kong iparamdam pa rin sa iyo na hindi lang simpleng pagmamahal ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal kita Mari. Mahal na mahal. Kayo ng anak natin."
Ilang beses namang napalunok si Marinela, dahil sa sinasabi ni August sa kanya. Ramdam niyang totoo at mula sa puso. Ngunit ang pigil niyang pag-iyak ay napalitan ng pagtataka dahil sa huling sinabi ni August sa kanya.
"A-anak natin?" ulit pa niya sa sinabi nito.
Napansin niya ang paglikot ng mga mata ni August. Ganoon rin ang ilang beses nitong paglunok.
"Y-yeah. O-oo? T-tama ka, anak natin!" nauutal pa nitong sagot. "Di ba ikaw naman talaga ang mommy ni Augusta."
Doon lang napansin ni Marinela na hindi na pala sa kanya nakatingin si August. Kundi sa anak nitong nakatingin sa kanila. Napabuga siya ng hangin. Ngayon nauunawaan na niya ang sinabi ni August.
Pero wala na siyang balak magpanggap na mommy ni Augusta. Dahil pwede niyang akuing anak ang bata. Mahal na niya si Augusta. Mahal na mahal katulad ng ama nito. Hindi naman niya ipagkakait sa bata kung sakaling bumalik ang mommy nito. Pero hindi rin niya hahayaan na basta na lang bumalik ang mommy ni Augusta. Dahil ipaglalaban niya ang mag-ama.
Matagal na rin ang ilang taong ipinaubaya niya si August dito pero ito ang nawala. Ito ang umalis. Sa ngayon na siya ang narito. Ipaglalaban niya ang karapatan niya lalo na at siya ang mahal ni August. Kaya puso sa puso, kanya lang si August. Ang karapatan lang nito ay ito ang nagluwal kay Augusta. Pero ngayon desidido na siyang magpakaina sa bata. At si August panghahawakan niya ang pagmamahal nitong sinasabi at ipinaparamdam sa kanya.
"Syempre naman. I love you baby," aniya. Matamis na na ngiti naman ang isinagot ni Augusta sa kanya.
"I love you pu, mommy pu," sagot naman ng bata sa kanya.
Nang bumalik ang bata sa paglalaro ay nilapitan niya si August. Tumuko pa siya rito at hinalikan ang lalaki sa pisngi. Tapos ay binulungan niya si August.
"Tama ka, anak ko si Augusta. Ako ang narito at ako ang kanyang ina. Mahal ko ang anak mo at mahal kita. Walang makakapagpabago noon. Hindi ko kilala ang mommy ni Augusta. Pero kahit siya ang ina, ipaglalaban ko ang karapatan ko sa iyo at sa anak natin. Hindi ko siya aalisan ng karapatan bilang ina. Pero hindi ko siya bibigyan ng karapatan sa iyo. Kilala kita August, na babaero ka noon. Pero once na niloko mo pa ako. Hindi na kita kailaman patatawarin pa. Mahal kita, pero kaya ko ring mahalin ang sarili ko."
"M-mahal," nauutal pang sambit ni August.
"Ayan ka na naman. Mahal na naman ang tawag mo sa akin. Alam mo bang lalo lang akong naiinlove sa iyo. Kainis ka."
Halos panlakihan naman ng mga mata si August ng itulak siya ni Marinela. Given na kinilig si Marinela. Sana lang walang tulakan. Abot-abot tuloy ang t*bok ng puso niya. Paano ba naman ang hindi? Muntik ng matumba ang wheelchair na kinauupuan niya.
"I'm sorry. Kinilig ang person eh."
Wala na talaga siyang masabi. Kahit talagang palagi na lang siyang hinaharas at pinagmamalditahan ni Marinela ay ayos lang sa kanya. Mahal naman kasi talaga niya ang dalaga. Matagal na. Noon pa.
"Okay lang naman pero---." Binitin ni August ang pagsasalita. Tinitigan niya ang dalaga. Mata sa mata, habang seryoso ang mukha niya. Lalo na at seryoso talaga ang sasabihin niya.
"Ano 'yon? Bakit nakakakaba ka naman? Hoy!"
"M-magpapakasal ka na ba sa akin? P-pakakasalan mo na ba ako? Para mapatunayan ko sa iyong totoo ang sinasabi ko. Na mahal na mahal kita. At ang dating August na kilala mo, matagal na siyang nagbago. Nagbago siya dahil sa pagmamahal niya sa 'yo."
Natigilan si Marinela. Gusto sana niyang sabihin na joke ba ang sinabi nito. Dahil sobrang bilis naman. Ilang buwan pa lang mula ng bumalik si August mula sa ibang bansa. Mahigit isang buwan pa lang mula nang malaman niyang may anak si August sa iba.
Oo nga at mahal niya ang bata. Pero sobrang bilis para sa kanya kung magpapakasal kaagad sila ni August. Oo nga at gusto niya ang makasal sila. Pero may kung anong bumabagabag sa kanya sa usaping kasal. Naguguluhan siya.
Tumayo siya ng tuwid. Inalis ang bikig sa kanyang lalamunan at ngumiti kay August. "Baliw ka ba? Uunahan mo pa si Fabio di nagwala ang isang iyon. Hoy mister! Kahit sabihin mong hindi kami magkapatid ni Fabio ay magkadugo pa rin kami. Magkapatid ang nanay namin kaya mommy ko na rin ang mommy niya. Sumatotal, sukob ang kasal na iniisip mong herodes ka!"
Nakahinga ng maluwag si Marinela ng masabi niya ang bagay na iyon. Hindi kasi niya alam kung paano tatanggihan ang alok ni August. Gusto niyang tanggapin. Kasal na iyon eh. Kaya lang gusto niyang tanggapin ang alok nito, pagnawala na ang agam-agam sa puso niya na hindi niya malaman kung saan nagmumula.
Napakamot na lang sa ulo si August. "Akala ko kasi makakalusot. Dapat kasi tayo ang nauna eh. Mas matanda ka naman sa kanya di ba?" reklamo pa ni August.
"Oo mas matanda ako sa kanya, pero mas matanda ka sa aming dalawa. Oops, huwag kang komontra. Isang taon rin ang tanda mo sa amin. At huwag ka na pating magpaliwanag. Umalis ka ng matagal at pag-uwi mo may baby ka ng kasama. Kahit alam ni Fabio at nina mommy at daddy ay wala akong alam. Kaya galit ako sa iyo noon kasi iniwan mo ako ng walang dahilan. Sa ngayon magtiis ka. Dapat mas maunang makasal si Fabio, lalo na at ready na halos ang kasal nila. Ay ikaw?"
"Kasi inuna kong hanapin love life niya. Hindi ko naman iyon mahindian. Marami akong utang kay Fabio. Kaya naman inuna ko siya. Kahit dapat itong pag-uwi ko. Uunahin ko sanang itama ang dapat itama. Kaso si Fabio nga ang inuna ko. Kung ikaw inuna ko, di tayo dapat ang mauuna. Hindi sila ni Ria niya."
"Nanisi ka pa nga?"
"Hindi naman, masaya akong masaya na si Fabio sa babaeng para sa kanya. At ako, mahalaga lang sa akin ay kasama kita. Mahal na mahal kita Marinela."
"Mahal din kita August. Kaya lang pagaling ka muna. Bago mo ako ayaing magpakasal, dapat nakakatakbo ka na. Para hahabol ka na lang at hindi ka na sisigaw pag sinipa kita."
Natigilan na lang si August. Nakagat yata niya ang dila niya. Nasundan na lang niya ng tingin ng bigla na lang mawala sa harapan niya si Marinela, ganoon rin ang anak niyang tinangay ng dalaga patakbo sa kusina. Hanggang sa unti-unti niyang maramdaman ang sidhi ng kirot nang paa niyang hindi na naman pinalampas ng babaeng mahal niya.
"Marinela!"