Chapter 6

775 Words
Nanlaki ang mga mata ni Dei ng makita ang lalaking nakaupo sa buffet table kasama ang pamilya niya. Alam niyang pinsan ito ni Fierce pero ang mapatunayan ito ay iba parin pala. Ngumiti ang mga magulang niya at ng magulang ni Fierce ng makita siyang papalapit sa kanila. "Hello Mom, dad, Tito, Tita" nakangiting wika niya. Hihilain sana niya yung upuan sa tabi nila ng biglang tumayo si Ayden at hinila ito, saka siya nginitian at iminuwestrang umupo. "Don't tell me, you already know each other?", nagtatakang wika ni Tito Leandro ng makita ang ginawa ni Ayden. Ngumiti ang binata bago siya tinignan. "Actually--" magsasalita sana ito ng putulin niya. "A-actually po aksidenteng nagkakilala lang po kami kahapon sa park", medyo nau-utal na wika niya. Tinignan siya ni Fierce, at ewan niya pero galit yata ang nasa mga mata nito. "Oh? That's nice then. Hindi na natin kailangan ng formal na introduction", nakangiting wika ni Tita Amarie, mama ni Fierce. "Yup tita. Actually po hinatid ko siya kahapon sa kanila, it's just that nagmamadali ako kaya hindi na ako pumasok to say hi to Fierce", biro nito. Fierce' face become serious. Oo nga't malayo ang upuan niya since si Ayden ang katabi niya, but she still feel suffocated sa tingin nito. "Shouldn't we eat? And I don't know na ikaw pala naghatid sa ASAWA ko kahapon since she failed to tell me kung sinu yung lalaking naghatid sa kanya ng tanungin ko siya para sana ipinagtimpla man lang kita ng kape", nakangising wika nito nito bago siya tignan. Lihim siyang napangiwi. "That- I'm sorry. G-gusto kasi kayung isurprise ni Ayden, kaya hindi ko na nabanggit ang pangalan niya" nakayukong wika niya. Tinapik siya ni Ayden sa balikat. Tumingin siya dito. Ngumiti ito sa kanya. "Sorry 'bout that cousin' It's my fault. I told her not to tell anyone that I'm here, since I want to surprise you", sabi nito saka itinaas ang dalawang kamay at tumawa. "And you did!", agaw ni Tita. "By the way, ladies and gentlemen let's eat na at marami pa tayong gagawin now that approved na ng board ang pagiging Operational Manager mu Ayden. I really hope you two will work together" nakangiting wika ni tita. "Cheers for that" nakangiting wika ni Dad na ikinatawa ng lahat. Everyone enjoyed the meal except Fierce na kanina pa tahimik kahit na ngayon na pauwi na sila sa kanila. Napatingin siya sa asawa habang tutok na tutok ito sa kalsada at seryoso sa pagmamaneho. "Don't look at me like, I did something wrong" wika nito na ikinasulyap niya. She know na galit ito sa kanya. Kaya pumikit na lamang siya hanggang sa makauwi na sila. Agad siyang bumaba sa sasakyan pagkarating nila. Mabilis na pumasok siya sa loob pero bago pa siya makaakyat sa hagdanan ay biglang may humila sa braso niya. It was Fierce. "Let's talk!" seryosong wika nito. "Bakit?", tanung niya sa inaantok na boses. "Ayden" wika nito. "What about him?", kunwa'y wala siyang ideya sa sinasabi nito kahit pa ang totoo ay nahihintakutan siya sa nakikitang kaseryosohan ng mukha nito. "Tell me about your lies yesterday, when I am asking who fetched you" wika nito. "Is he, one of your boys?" nag-uuyam na wika nito. Whoa! Alam niyang galit sa kanya si Fierce pero ang sabihan ng ganon ang pinsan nito- it's too much. "Please stop. I'm really tired Fierce" wika na lamang niya pero mas sumama pa ata ang mukha nito. "You know how I hate liars, Deidara. I'm warning you, huwag na huwag mong subukang dumihan ang pangalan ko", diretsong wika nito. Dumihan ang pangalan? "What do you mean, Fierce? Ayden is your cousin? Why think of him like that?", hindi niya maitago ang inis sa sinabi nito. At ang dumihan ang pangalan daw nito? "Because, He is the same as you", wika nito. "He loves attention and of course lahat ng bagay na pinagsawaan ko", nakangiwing wika nito. "Hindi ba dapat sa sarili mo yan dapat mong sabihin, Fierce? The way you bring your women here? At kung anuman ang galit mo sa akin, Ayden is out here", nagtitimping wika niya sabay kalas sa mga kamay nito sa braso niya. The hell with that man. Siya na nga itong nagdadala ng mga babae dito sa kanila, Ito pa ang may ganang pag-isipan siya na nanlalaki! Kinapa niya ang sariling puso. Konti na lang talaga susuko na siya. Hinawakan niya ang tiyan ng biglang sumakit ito. Oo nga pala, Hindi pa niya nasasabi dito ang sitwasyon niya. Pero paano pa kaya kapag sabihin niya. Will he believe her? Will he accept her child? Nakatulogan na lamang niya ang pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD