Chapter 22

1455 Words

Nagmamadaling umuwi si Dean nang araw na 'yon mula sa binyagan ng anak ni Krizzia na inaanak na niya. Balak kasi ng binata na puntahan ulit si Joanna. Kaninang umaga lang sila huling nagkita pero namimiss na niya 'agad ang dalaga. Pati na rin si Ton-ton. Kaya desidido na si Dean sa plano niyang hindi babalik ng Maynila hangga't hindi kasama ang mag-ina. Mas tumindi ang kagustuhan ni Dean na alisin sa kasalukuyang buhay si Joanna dahil sa dami ng masasakit at mahihirap nitong pinagdaanan. Pagkatapos ng mga nalaman niya kagabi kay Joanna, ay lubos na niyang naintindihan kung bakit sa mga nakalipas na taon ay hindi ito nagparamdam sa kaniya. Kahit papaano ay nakabawas ang katotohanang iyon sa sakit na ilang taong nanirahan sa puso ni Dean. At sa sakit na unti-unting nawawala sa tuwing magkas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD