Waves appear as the dancing hem of a long and flowing robe. Her childhood memories ride the top of jolly waves. So beautiful… Tila kay payapa ng kalooban ni Zeynep habang walang kurap niyang pinagmamasdan ang alon ng dagat. Hindi man siya pamilyar sa lugar pero napakapamilyar ng kanyang nararamdaman. Para bang... totoo ang lahat ng kanyang nakikita. Matatama na ba niya ang pagkakamali? “Zeynep…” wala sa sarili niyang sambit habang maluha-luhang niyang naalala ang nakaraan. Masakit sa kanya ang nangyari. Masakit na masakit. Kung maaari lang sana niyang matama ang lahat. Kung makakabawi lang sana siya sa kaibigan. "Ate..." narinig niya ang umiiyak ang isang batang babae. Nang tingnan niya ito ay nasa gitna ito ng dagat lulan ng isang bangka habang hawak ng dalawang lalaki ang kamay n

