Kabanata Singko

1799 Words
“Pumapatol ka sa special child, ano?” nakalolokong tanong ni Mosaic sa lalaki kaya naman ay nanlaki ang mga mata ni Hazza sa narinig. Tinawag niya akong special child? Aba! “Sinong special child?” tanong pa ni Hazza kay Mosaic ngunit hindi na sumagot si Mosaic. Hindi na pinansin ni Mosaic ang nangungulit na si Hazza at agad na itinulak ang lalaki kaya naman ay napaupo ito sa sahig. Hindi rin naman nakakatulong si Hazza sa kanya kaya para saan pa? Polpol talaga... Ito ang naiisip ni Mosaic. Sa laki ng katawan ng maangas na lalaki ay hindi mo iisiping kay dali nitong matumba sa isang tulak lang. 'Di hamak na mas malaki ang katawan nito kaysa sa kaniya kaya naisip tuloy ni Mosaic na hindi yata siya pagpapawisan sa gagawing pakikipaglaban sa mga ito lalo na't maliliit na ang tindig ng iba. “Teka, Mosaic! Bawiin mo ang sinabi mong special child ako, pinapahiya mo ako, eh!” alma ulit ni Hazza kaya naman ay sinamaan ito ng tingin ni Mosaic at agad na nasalo ang nag-aambang suntok ng isang kasama ng lalaki na para sana kay Hazza. "Huwag ka puro dada!" singhal ni Mosaic dito. Muntikan na iyon, ah! Sapol sana sa mukha ni Hazza ang kamao ng kalaban kaya medyo naiinis si Mosaic lalo kay Hazza. Hindi lang malakas si Mosaic, mabilis din ang kanyang mga kamay at mas lalong matalas ang kanyang pakiramdam. Masiyado na siyang sanay sa mga ganitong eksena kaya kahit siguro paghinga ng kalaban ay alam na niya. Hindi na pinalampas ni Mosaic ang pagkakataon at agad na isa-isang nilabanan ang mga kasama ng lalaking rumeresbak. Nasa apat ang mga ito habang mag-isa niya lang na haharapin dahil alam niyang wala siyang aasahan kay Hazza na ngayon ay tila walang nangyari at nakatayo lamang katabi na ng isang babae! Shit ka, Hazza! Nagawa mo pang makipaglandian sa kabila ng pag-aaway? “Babalatan ko talaga ang pagmumukha ng Hazza’ng ‘to,” ani Mosaic sabay sugod sa lalaking may suot na sandong itim at agad itong tinadyakan. He also punched the face of the other one while gave a flying kick to the other man who was approaching at his back. Kung hindi lang sana nagpasimula ng gulo itong si Hazza ay hindi siya mapapagod ngayon at mapag-uusapan nila ang plano ngayon, pero mukhang mapapaliban at mapapakaunti na lang ang ihahabilin niya dito dahil ayaw niyang makasama ito nang matagal. Sino ba ang gaganahan makipagsama sa lalaking ito na gulo lang din ang hatid? Sanay naman sana siya sa ganitong pakikipag-away ngunit masyadong labag sa loob niya dahil unang-una, hindi siya ang kalaban ng mga ito, pangalawa, sino ba ang gaganahang magtanggol sa lalaking tila walang pakialam? At ang kapal pa ng mukha, relax na relax na para bang wala ng nangyari. Sa kabilang banda naman ay relax nga lang si Hazza na pinapalamig ang bote ng beer niya sa bucket na puno ng ice. Alam naman niyang kaya ito ni Mosaic kaya hindi na kailangan ng tulong niya. At isa pa, masiyado siyang guwapo para sayangin ang mukha niya sa pakikipagsuntukan. Reserve lang ang lakas ko sa s*x, at hindi sa pakikipag-away. Sa isip niya ay masisira lang ang kanyang mukha kung lalaban pa siya at saka, 'di siya sanay sa basag-ulohan, basagan ng puwerta ang natatangi niyang alam. Naaalala niya bigla ang bukol na ginawa ng babaeng pulis na iyon. Sisiguraduhin din niyang makukuha niya ang babaeng iyon at tuturuan niya nang napakasarap na leksyon. Siyempre, ayaw niyang manakit ng pisikal sa babae, ano. Bad iyon! “Hindi mo ba tutulungan ang kasama mo, pogi?” tanong babaeng katabi niya. Nginisihan niya lang ito at tiningnan si Mosaic na nakikipaglaban at nakikipagsuntukan sa mga mukhang goons na lalaki. “Sus! Kaya na niya iyan, para saan ang silbi ng muscles ng lalaking iyan kung hindi natin susubukan, hindi ba?” Hindi makapaniwalang umiling-iling ang babae at tila nanonood ng isang action movie - live nga lang. “Pak, pak, pok!” panggagaya ni Hazza sa pagsuntok-suntok ni Mosaic kanina na sinasabayan pa ng sound effect gamit ang sariling boses. Matapos na patumbahin ni Mosaic ang apat at balian ang mga buto ng mga ito ay agad na niyang hinila palabas ang kasama para makalayo na sa gulo. Mas lalo lang siyang naaasar dahil habang siya ay sumasakit na ang kamao sa pagbigwas sa matitigas na mukha ng mga kalaban, nagpapasarap pa si Hazza’ng nakikipaghalikan sa isang babae kaya walang ano-ano ay hinila niya ito gamit ang likod ng kuwelyo ng t-shirt nito. “Ayos iyong moves mo.” Sinamaan niya ito ng tingin at huminto para maharap. “Ang alin doon?” Agad na napatigil si Hazza at pinalobo ang isang pisngi. “Ito naman, iyong suntok-suntok.” “Huwag mo akong pinagloloko, Hazza. At isa pa, ihahatid na kita agad sa inyo para makapaghanda ka mamayang gabi. Ngayong umaga ay tutungo ako sa orphanage kaya ihanda mo na dapat ang mga device na kakailanganin natin.” Pumalatak ang pilyong binata at binuksan ang pinto ng kotse niya. “Ako pa? Genius ako sa mga ganyan. At saka, sa gabi mo naman ako kailangan, ‘di ba? May pupuntahan din ako sa umaga.” Kininditan pa siya ng binata kaya mas lalong kumukulo ang dugo niya. Lukot ang noo ni Mosaic na tiningnan ang binata. “Saan? At sa gabi ka lang buhay, ha? Himala!” Ngumisi lang si Hazza sa kanyang sinabi at pumasok na sa loob. Hinatid nga niya ito sa mansion at hinintay pa na makapasok. Hinabilin niya pa sa dalawang guard na huwag ng palabasin si Hazza dahil kung ano na naman ang mangyari sa lalaking iyon ay siya pa ang mananagot. Sa kanya pa naman hinabilin ng boss niya si Hazza. At kung paano kung 'di agad ito makabalik kung sakaling makaalis? Papalpak na naman ang plano nilang dalawa? Nang nakonteto at nakasiguro na nakapasok na nga ito ay roon pa siya umalis at umiling-iling. “Para talagang kindergarten si Hazza.” Narating niya ang apartment na tinitirahan niya kasama ang nakababatang kapatid na babae. Dalawa na lang silang namumuhay dahil matagal ng patay ang kanyang mga magulang. Masaya na siya ngayon. Ang gusto niya lang ay maprotektahan ang kapatid. Iyon lang. Bago niya nahanap si Zeynep ay patay na ang mga ito kaya siya na ang tumayong magulang ng kapatid. Itinaguyod niya ito at sa awa ng Diyos ay nakapagtapos sa pagiging pulis pa. Ironic! Siya na gumagawa ng mga illegal na transaksyon habang ang kapatid ay nanghuhuli ng mga katulad niya. Ngunit hindi niya puwedeng pigilan ito lalo na't ito ang gusto nitong propesyon. Hindi alam ni Zeynep na nagtatrabaho siya sa isang malaking dealer ng mga baril at pasabog. Ito na ang naging bread and butter niya simula nang maulila siya. Sa paraang din ito nahanap niya si Zeynep mula sa pagkakadukot ng limang taon kaya pinangako niya sa sarili na hindi siya bibitiw. Magkamatayan man ay hindi niya iiwan si Marco na tumulong sa kaniya noon pa. Isinilid niya ang susi sa door knob at nang nabuksan niya ito ay tumambad pa ang kanyang kapatid na abalang nakaharap sa laptop. Nakakunot pa ang noo nito at tutok na tutok sa screen ng monitor. “Zeynep?” Mukhang serysoso ito kaya natatawa siyang pumasok. Parang pusang nahuling nangunguha ng pagkain si Zeynep sa sobrang gulat. Agad pang isinarado ang laptop at tumayo na tila ba takot na takot sa pagdating ni Mosaic. “K-Kuya…” “Ano iyang tiningnan mo?” tanong ni Mosaic na akmang sisilipin ang laptop pero nakasara naman na. “P-po?” “At bakit gising ka pa?” Sobrang kaba ni Zeynep na hindi niya alam kung saan paglalagyan ang takot nang dumating ang kuya. Masyados siyang concentrate sa tinitingnan kaya ‘di niya namalayang dumating na pala ang kapatid. “Uhm… k-kuan… r-report.” “Report? Patingin?” Agad na nanlaki ang mga mata niya at niyakap ang laptop para ‘di makuha ng kuya niya. Hindi puwedeng makita ito ng kapatid at siguradong malilintikan siya. Nagtataka pa itong tiningnan siya kaya agad siyang kumambyo para hindi siya mahalata. “K-kasi… may report akong tinitingnan. Isang criminal na nahuli namin kanina.” His brother look was too evident that she was not a good liar. Kaya naman ay lakas ang loob niyang inabot ang laptop para hamunin ito. Ayaw niyang magduda ito kaya kahit takot ay inabot niya ang laptop. Huwag mong kunin… dasal niya sa loob-loob. Sandaling napatitig si Mosaic sa laptop kaya nang itinaas nito ang kamay at kinuha ang laptop ay agad siyang nanlambot. Lagot siya! Makikita nito ang… tinitingnan niya! “Stop staying at this hour, Zeynep. Hindi maganda na nagpupuyat ka.” Ibinaba nito ang laptop sa lamesa at nilapitan siya. Kaya naman ay tila lumabas lahat ng init sa kanyang katawan dahil akala niya, mahuhuli siya. Siguradong isusumpa siya ng kapatid at baka ilagay sa kumbento kung nagkataon! Hinalikan siya nito sa noo at tinapik ang kanyang pisngi. “Sleep now. Ipagpabukas mo na iyan. Alas dos na, oh!” anitong pinakita pa ang relo na nasa kamay nito. Kinakabahan siyang ngumiti at tumango. “P-papasok na po ako ngayon.” Tumango ang kapatid at mulis siyang hinalikan sa ulo. Tumungo na rin ito sa silid kaya sobrang lakas ng pagbuga niya ng hininga nang nawala na ito. Napaupo pa siya sa silya dahil akala niya ay katapusan na niya. “Tss! Kasi!” Asar niyang ginulo ang buhok niya sa may likod at kinuha ang laptop at buksan ito. “Kolera ka!” sigaw niya nang mahina nang pagbukas pa lang ay tumabad sa kanya ang hubad na katawan ng lalaking taning kabibe lang ang nakatikim sa hinaharap. “Ikaw kasi!” paninisi niya sa inosenteng litrato dahil muntikan na siyang mahuli. Nais lang naman sana niyang tingnan ang background nito ngunit umabot sa pang-i-stalk na ng mga larawan at nakita nga niya na isa pala itong modelo. “Putcha! May brand na pala ang kabibe ngayon?” aniya sa sarili. Hindi niya mawala-wala ang tingin sa kabibe at iniisip kung... ano ang hitsura sa loob. Para kasing ito ang… agad na makikita lalo na’t ito lang din ang pantakip sa padodong niya. “Uf!” Akma niyang isasara ang laptod dahil kahibangan na manood ng ganitong klaseng litrato lalo na’t babae siya. Wala rin siyang interes sa lalaki. Lalong-lalo na kay Hazza! Ngunit… tila hinihila siya ng hayok na larawan na ito na tingnan pa ang iba. Bakit kay ganda ng katawan nito? Bakit para itong diyos na nakatayo at... "Putek ka, Hazza!" Alam niyang hindi siya interesado sa lalaking ‘to. Ngunit bakit… hindi niya matanggal ang mga mata sa tila diyos na katawan ni Hazza?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD