AMSD 34

2838 Words

Makaharap ang puting kabaong ay hindi nga isang magandang bagay. Pinapaalala lang nito na lahat ng buhay ay mayroong hangganan. Kahit ano'ng gawin kong pagdarasal hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala. Ang bagay rin na iyon ay nagsisilbi ring kulungan kapag naibaon na sa ilalim ng lupa. Pinutol niyon ang maliligayang araw na sa buhay ko pa sana ay darating. Hindi ko na makita kung paano na ang bawat araw ko sa mga susunod na buwan at taon. Nawala na ang nag-iisang taong nagtitiwala sa mga kaya kong gawin. Ang taong nagdadag sa kompiyansa ko sa aking sarili. Mula nang ipasok si tatay na nasa loob ng kabaong sa bahay hindi na ako gumalaw sa kinauupuan kong silya sa sulok kasunod lamang ng pintuan ilang hakbang ang layo sa lagayan ng kandila. Kahit na pagod na pagod ang katawan ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD