Pagsapit nga ng umaga inilibing na nga si tatay na kaunti lang ang nakipaglibing. Hindi ko na rin pinagtakhan ang bagay na iyon dahil nga maraming tao na ang malaki ang pagkadisgusto sa aming pamilya. Nasarhan man na ang nitso hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko kahit mag-isa na lamang ako roon. Naiwan ako sa sementeryo habang nakatitig sa pangalan ng tatay ko na nakaukit sa lapida. Bumuhos pa ulit ang ulan na para bang nakikisama iyon sa aking pagluha. Sa lakas ng bawat patak gumawa iyon ng ingay sa hawak kong payong na kulay itim. Nang dumating ang dalawa kong kaibigan inalis ko ang aking tingin sa lapida. Maging ang dalawa ay may kaniya-kaniyang dalang payong panglaban sa ulan. "Naroon nga iyong lalaking may pilat sa tambayan nila," pagbibigay-alam ni Ryan sa akin. "Nakabantay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


