Iminulat ko ang aking mga mata nang dahan-dahan. Nararamdaman ko ang tila malagkit na likidong kumakapit sa aking mga kamay. Laking gulat ko nang malamang ang likido'y dugo. Nahugasan ng dugo ang aking mga kamay. Umupo ako't lumingon-lingon ngunit wala akong makitang iba kundi pader ng kuwartong aking kinalalagyan. Bumababa ako ng kama habang pinagmamasdan ang aking kamay na balot ng dugo. Hindi ko malaman kung saan ko nakuha iyon. Tumayo ako't balak ng humakbang ngunit hindi ko naituloy dahil sa nakahandusay na bangkay sa lapag ng kuwarto na walang saplot. Lalo pa akong nagulantang sa aking nakita. Mabilis akong lumuhod sa tabi ng bangkay. Si Greg na wala ng buhay ay nakatingin pa ang mga mata sa akin. Sa tabi niya'y ang kutsilyong pinangsaksak na may guhit ng dugo sa dulo. Hinawakan

