"Pumasok ka na sa kotse Gregory!" singhal ng daddy ni Greg. Nagtataglay ang utos nito ng pagbabanta na kung hindi sumunod si Greg dito'y siguradong mayroong mangyayaring hindi kanais-nais sa aming dalawa o posibleng sa akin lang. Sa itsura pa lang ng daddy ni Greg makikitang lasing ito, magulo ang buhok at wala sa ayos ang pagkabutones ng polo shirt nito. Iyon na siguro ang katumbas ng aking kaba't panaginip. Wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na iyon kundi takot. "Hindi, maglalakad lang kami ni Levi," ani Greg na tila iyon ang pinakasimpleng sabihin sa daddy niyang nagaalburoto. Hinawakan niya ang aking mga kamay, pinagtagpo ang aming mga daliri't palad. Pakiramdam ko'y hindi daddy ni Greg ang kaharap namin na tila baga nag-ibang tao ito. Wala na iyong relax na daddy ni Greg na

