Kinagabihan ay wala ako sa sariling naglalakad. Hindi ako kumain ng tanghalian at hapunan. Pakiramdam ko nama'y hindi ako nagugutom. Hindi ako pumasok nang hapon. Wala akong kinausap sa mga magulang ko na gusto akong kausapin. Pero wala akong kibo sa kanilang pagsasalita. Kahit ang pangungulit ng kapatid ko'y hinayaan ko lang. Napapatingala ako sa langit kung saan naroon ang mga tala. Mabuti pa ang kalangitan nagniningning samantalang ako'y nagmistulang nauupos na kandila. Tahimik ang paligid na nagpapalala sa nararamdaman ko. Sa sobrang tahimik ang mga isipin ay dumidikdik nang matindi sa aking utak. Gusto kong mawala ang mga bagay ng nagpapabigat sa akin. Nais kong makalimutan na nagkagusto ako kay Greg kaya kahit des oras na nang gabi'y nasa labas parin ako. Walang kasigla-sigla ang

