Wala ng sasama sa araw ko. Bakit ba hindi kung nalate ka ng gising. Masakit hindi lang ang ulo pati narin ang katawan. Kahapon pa ako nakaramdam ng ganoon dala siguro ng pag-inom ko nang walang humpay. Muntikan pa akong hindi papasukin ng guwardiya. Ako ata ang napagdiskitahan na pagtripan. Porke't hindi ako naka-uniporme na dapat kung suot ay hindi ako mukhang estudyante. Dagdag pa iyong taong makakasalubong ko. Walang iba kundi si Greg. Wala akong masabi sa kaguwapohan niya sa suot niyang unipormeng suot. Nagtatambol na naman ang puso ko. Malayo pa naman siya kaya pinag-isipan ko kung sasalubungin ko siya o lumiko nalang patungo sa library. Hindi ko naman masabi sa kaniya ang dahilan kaya walang dapat mamagitan sa amin dahil hindi ko naman gustong magalit siya sa daddy niya. Panigura

