Wala ako sa sarili nang sumunod na araw. Ang tamlay ng pakiramdam ko't tinatamad na gumalaw ng katawan ko kaya nga't kahit may klase lumilipad ang isipin ko. Siyempre ang laman lang ng isipan ko'y walang iba kundi si Greg. Hindi ko masisi ang sarili ko sapagkat ginugulo niya ang buong sistema ko. Napabahing pa ako sa pag-iisip sa kanya. Iyon ay ang resulta ng ulan kahapon na kahit may payong naapektuhan pa rin ako. Sana man lang mawala kahit pagbahing ko lang. Pinunasan ko ang aking ilong gamit ang dala kong panyo habang ang professor naming lalaki ay patuloy sa pagsusulat ng kanyang lesson sa hapong iyon. Napalingon ako sa kanan ng tawagin ni Ryan ang atensiyon ko sa pamamagitan ng pagbato ng papel mula sa kanyang upuan sa pinakalikod sa gitnang row. Binuksan ko ang nilamukos na papel a

