...... Yuna's PoV.... Naging masaya naman ang simula ng pagsasama namin ni Paolo bilang magasawa. Bagamat hindi na nawala ang pagiging masungit at istrikto niya ay maayos naman na ang trato nya sakin. Nararamdaman ko naman na mahal nya ako at mahal ko rin sya. Unti - unti ay bumabalik na sa dating tamis ang pagsasama namin. Gaya ng nais ni Paolo ay namalagi lang ako sa bahay. Aalis at darating syang naroon ako.. Nakakagala din naman ako pero kasama lagi si Mang Abner. Madalas kong imbitahang mag swimming sa bahay ang mga pamangkin nya para di ako mainip. Si margarette naman ay civil parin ang pakikitungo sakin pero medyo kinakausap na nya ako ng ayos mula ng ikasal kami ng uncle nya. Dahil hindi ako marunong lumangoy ay nagpaturo ako kina Harry at Xander. Sila kase ang magaling sa

